C H A P T E R 6

14 8 6
                                    


            "I need you
                 like a heart
                     needs a beat."

"I'm sorry...Its Marcus.Nag-aayang kumain sa labas." Paliwanag ni Kath ng umupo ito ulit sa picnic blanket.

Tumango lang binata at tahimik na nakatanaw sa malayo.

"Bakit natahimik ka bigla?''

"May naaalala lang ako.Both happy and sad memories when I was a kid."

"Really?Care to share?'' Humiga si Kath at nakangiting nakatingin sa  mga ulap.

Ginaya siya ni Marlon at humiga din sa tabi niya.Saglit itong natahimik habang nakapikit ang mata.

Shemmmmeeeey...parang angel na natutulog.Ang hahaba ng mga pilikmata at mapula din ang mga labi dagdagan pa ng malalago at itim na kilay nito.Siguro kung kasalanan ang pagiging gwapo baka habang-buhay na makukulong 'to.

"Gwapo ba?"

"Oo.Parang Angel." Wala sariling sagot niya.
Natampal niya ang bibig ng ma-realize kung anong nasabi niya.

"Hahaha...thank you walang bawian huh?" Parang kumikislap ang mga mata nito ng ngumiti at litaw ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin.
"Ikaw baby girl pinagnanasaan mo ang kagwapuhan ko huh?Don't worry sagutin mo lang ako I'm all yours." Ngiting aso si Marlon samantalang nagkulay kamatis na ang mukha ni Kath.

Kath normal lang magmukhang tanga minsan pero wag mo namang abusuhin.Magtira ka para sa iba.

""Ayan na naman tayo eh.Nagbubuhat ng sariling bangko.Pwede ba tumigil ka na?Ang hangin tuloy."Sabay irap.
 

"Okay hindi na.Pero aminin muna.Pinagnanasaan mo ang kagwapuhan ko....Araaay....haha...aw!"Napahiyaw ito ng kurutin ng dalaga sa braso.

"Alam mo bang ngayon lang ako nakabalik dito after five years?"

"Really? Bakit?"

"This place reminds me of our Kuya Marvin.He's our eldest.Paborito niya ang lugar na ito, dati dito kami palagi dinadala nina mommy kapag bakasyon.
Mahilig kasi siyang mag pinta kaya mas gusto niya dito.Tahimik at payapa.

Siya palagi ang kasama, kalaro at tapagtanggol namin kapag may nang-aaway sa amin ni Marcus sa school.Palagi niya kaming pinagtatakpan kapag may mga kalokohan kaming nagawa.

Hindi siya palakaibigan kaya kami lang palagi ang kasama niya.

Isang araw noon pauwi na kami galing dito ng maaksidente kami.May truck na bumangga sa likuran ng Kotse namin.Lahat kami nakaligtas at galos lang ang nakuha....maliban----maliban kay kuya.Nung nakita niyang babangga samin ang truck niyakap niya kami ni Marcus at hinarang ang katawan para hindi kami mapuruhan.

Nadala pa namin siya sa Ospital pero a day after kinuha na siya sa amin.Bago siya nawala nangako ako sa kanya na ako ang magbabantay at mag-aalaga bilang kuya kay Queenie at lalong-lalo na kay Marcus.

Mas paborito kasi niya sa amin si Marcus.Mas  concern siya palagi sa kambal ko.Sakitin kasi si Marcus simula pa nung mga bata kami palagi siyang nao-ospital." Kumurap  -kurap ang binata para pigilang pumatak ang luha at nginitian siya.

Likas na mababaw ang luha ni Katherine kaya naiyak siya sa kinukwento ng binata.Alam niya kung ano ang feeling na mawalan ng minamahal just like when her Papa died, sobrang nahirapan silang mag-move on lalo na ang Mama niya.

"I'm sorry for your loss." Sumisinghot-singhot pa siya habang pinupunasan ni Marlon ang pisngi niya.

"Its OK... Naka-move on naman na kami siguro kaya its not that painful and sad katulad ng dati kapag naalala ko siya."
"Wag na nang umiyak lumalabas pati uhog mo."

Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now