C H A P T E R 2

24 18 20
                                    

      "LOVE DOESN'T HURT
         EXPECTATIONS DO."

"Sissy ano na?So sino nga?" Tanong ni Leah habang naglalakad sila papunta sa last class nila.

"Anong sino?" Naguguluhang tanong ni Kath while sipping her coke.

"Ay maang-maangan ang drama?...Sino sasagutin mo sa mga manliligaw mo.Si Marlon o si Marcus?"

"Ha?wala akong sasagutin.walang nanliligaw sa akin.At saka ano ka ba...friends lang natin yung dalawa di ba?"

"Ako friends KO sila...ewan ko lang sa'yo."

"Gage...". Kinurot said braso si Leah.

"Alam mo bang nagtatanong ng mga likes and dislikes mo si Fafa Marlon sa akin noong isang araw?Ganun din si Fafa Marcus kaninang umaga." At eksaheradang naghilot ng sentido.
"Grabe ang haba na talaga ng buhok mo sissy, ang sarap mo lang kalbuhin.Kainis ka."

Nakaramdam siya ng  kaunting saya sa nalaman. Ayaw man niyang mag-expect pero nae-excite siya sa isiping manliligaw si Marlon sa kanya.

"Uy sissy!Dapat makapili ka na sa kanilang dalawa para alam natin kung sino sasamahan mo sa JS prom.Siguradong aayain ka ng mga 'yun na date."

"Wala pa nga eh.Bakit ba  excited ka masyado?"

"Syempre advance ako mag-isip sissy. Ang  hindi mo  mapipili syempre sa akin na." Sagot ni Leah na hindi na naman mapakali at kinikilig, parang bulateng inasinan.

"Teka!" Bigla itong huminto sa paglakad at humarang sa daanan niya. "Sabi mo kanina  wala pa nga  so it means nage-expect ka nga!?" Nanlalaki pati butas ng ilong nito.

Patay...huli ka balbon!

Namumulang tumango si Kath, knowing her bestfriend hindi siya tatantanan nito kapag may naamoy itong kakaiba.

"Ayeii!ayeii...sissy...ikaw ha...lumalandi ka na rin.!Akala ko magmamadre ka talaga eh." Tinusok-tusok pa siya nito sa pisngi.
" O ano? May napupusuan ka na ba? Sino?" Usisa nito.

"Hi baby girl!" Dinig niyang tawag sa kanya ng tao sa likuran nila.
Lihim siyang natuwa, isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng endearment na ganun. Si Marlon lang.

"Oh bait!?" Seryosong tanong niya.

"Sungit talaga.!Buti lang talaga maganda ka."

"Oh tapos...?

"Ay pa hard to get ang drama." Dinig niyang bulong Ni Leah.

"Lalo  kang gumaganda kapag nakasimangot ka baby girl. I have a surprise for you." Inilabas nito ang itinatagong paper bag sa likod nito.
"For you...ahm.,.hope you like it." Parang nahihiya itong nagkakamot ng ulo.

"Ano 'to?" Napangiti siya ng buksan ang cute na baunan at nakitang may mga chocolate chip cookies na laman.Her favorite.

"Sino nag bake nito?"

"Ahmmm...ako...nagpatulong ako kay mommy.Sorry hindi ganun ka perfect." Nahihiyang  sagot nito.

Kumuha siya ng isa at tinikman.
"Ummmm...ang sarap."She's surprised...masarap talaga. "Tikman mo gawa mo masarap.I like it." Sinubuan si Marlon at agad naman nitong kinagatan kung saan din siya kumagat.

"Uhmmmm..masarap nga.". At lalong lumapad ang ngiti.

"Mas masarap ang gawa ni mommy...hindi ko lang makopya ang eksaktong lasa."

"Thank you dito.Favorite ko pa naman 'to."

"Uy!chocolate chip cookies!pahingi." Singit ni Leah at kumuha ng tatlo.
"Ummm...masarap fafa Marlon ikaw nag bake?."

Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now