C H A P T E R 12

4 3 0
                                    

"The more you hide
Your feelings for someone,
The more you fell
For them."

Half day lang ang pasok ngayong friday kaya nagpahinga saglit si Kath bago binisita sa Hospital si Marcus.Malapit na itong lumabas at sa bahay na lang itutuloy ang gamutan nito.

Pasakay na siya sa Taxi ng tumawag si Leah.
"Hello sissy, nasaan ka na ba?Nakabihis na ako."

"Papunta na, hintayin mo na lang ako diyan, dadaanan kita."

"Sige, pakibilisan po.Hulas na ang beauty ko dito."

"Excuse me lang po, baka nakakalimutan niyo lang po ano?Sa ospital po ang punta natin hindi sa Mall, kuha?"

"Hehe, syempre dapat laging handa ang beauty ko no?Malay mo dun ko mahanap sa Ospital ang forever ko." Inilayo niya ang cellphone sa tenga niya bago pa mabasag ang kanyang eardrum sa lakas ng tili nito.

"O sige, hanapin natin siya dun sa morgue mamaya.Kumalma ka na."

"Ay sissy naman,..hindi ko pa nga nakikilala pinatay mo na kaagad." Natawa siya ng marinig ang mga kuda nito.Walang tigil ang bunganga kaya nag-end call na siya bago pa sumabog ang cellphone niya.

After ten minutes, tumigil ang taxi na sinasakyan niya sa tapat ng gate ng bahay nina Leah.Binuksan niya ang bintana at kinawayan ito ng makitang nakatayo sa pinto.

"Ang tagal mo sissy.Naka-dalawang retouch na ako.Nahulas na ang feslak ko sa sobrang tagal mong dumating." Bungad agad nito ng makasakay.

"Two-thirty pa lang po, advance ba relo niyo sa bahay?Ang usapan natin alastres tayo magkikita di ba?"

Napakamot ito ng ulo at nakangising nag-peace sign."Early birds catches early worms...?hehe"

"Kaloka ka sissy.!"
Tinawanan lang siya nito at ang driver naman ng taxi ang kinulit.

"Kuya, pwede po bang pakilakasan ng aircon?Pawis na po pati kili-kili ko sa init.At ang tugtog na pang-patay sa radyo niyo pwede po pakipalitan?Thank you ho."

Sumunod naman ang driver at sumenyas kung okay na.Tumango lang ang loka at nginisihan si kuya driver.

Siniko niya ang kaibigan para tumigil na kakakuda pero inirapan lang siya nito.Kala mo talaga siya may-ari ng taxi.

Mag-iisang oras din ang byahe nila bago sila makarating sa Hospital dahil sobrang traffic.

"Gummy bear!Pumunta ka!" Bumangon sa pagkahiga si Marcus ng makita silang papasok ni Leah.Tinanggal nito ang suot na face mask at ngumiti ng napakatamis. "I don't feel well, hug mo ako dali." Ngumuso pa ito at nag-puppy eyes.

Nakangiting lumapit si Kath at niyakap ito ng mahigpit.

"Kamusta ka na?"

"Ito gwapo, matalino at mabango pa rin." Kumindat pa ito sa kanya.

"Magaling ka na nga, puro ka na naman kahambugan eh."

Mukhang maayos na ang lagay ng binata.Wala na itong swero at oxygen katulad ng huling dalaw niya dito.Medyo bumabalik na ang timbang nito at madalang na ring umubo at hikain.Patunay lang na maganda ang respond ng katawan nito sa treatment.

Natawa lang ito at niyakap siya ulit ng mas mahigpit.

"Haayyy...I feel better now."

"Ehem...excuse me lang ho fafa Marlon, kasama din po ako ano?Andito lang ako sa malapit oh.Dito pa talaga kayo naglandian sa harapan ko.Ang sakit sa mata, kabwesit!"

Pareho silang natawa ni Marcus sa kapaitan ni Leah.

"Hi leah, I'm happy na dumalaw ka."

"Talaga fafa Marcus?Ene ke be...okay lang basta ikaw."
Biglang nawala ang inis nito at dinamba ng yakap ang binata.

Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now