C H A P T E R 11

4 4 0
                                    

''True Love is selfless
it is prepared to Sacrifice.''

''Marlon!''Tawag ni Kath ng makita ang binata sa labas ng hospital.Ng tumawag ito kanina, agad siyang nagpaalam sa ina at sumugod sa Ospital.
''Is everything alright?Hows Marcus?''

Pagod na pagod ang mukha ng binata at mukhang wala pang tulog.Gusot ang damit nito at namumula ang mga mata.

''Nandoon siya sa loob, kinakausap siya ng mga doctors with mom.''

''What happened?Ano ang sakit niya?'' Umupo siya sa tabi nito hinawakan ito sa kamay.

''Remember palagi siyang may sakit lateley?Palagi siyang may ubo at sipon.Our family doctor called mom right away when Marcus' lab test result came out.He has a Late Diagnosis Case of Cystic Fibrosis.''

''CF? Why? I mean how?'' Kinabahan siya,alam niya kung anong klaseng sakit ang cystic Fibrosis, its a progressive, genetic disease that causes persistent lung infections and limits the ability to breathe over time. Maaari pang humaba ang buhay ng mga pasyenteng may ganitong sakit..Pero, Wala pang natutuklasang gamot para sa sakit na ito.

"I don't know...'' Napahilamos ito ng mukha.'' Napaka-walang kwenta kong kapatid.Hindi ko man lang napansing malala na pala ang sakit niya.Hindi ko siya nabantayan katulad ng ipinangako ko kay kuya." Tumingala ito para pigilan ang luhang namumuo sa mga mata.

''No,don't say that.'' Hinawakan niya ito sa magkabilamg pisngi at pinaharap sa kanya.
''Hey, look at me,listen. Don't blame yourself please. Walang may kasalanan...Walang may gustong magkasakit siya.Hindi matutuwa si Marcus kapag nalaman niyang nagkakaganyan ka. You need to be strong for him, okay?''

Nagbaba ito ng tingin at tumango.

''Yes he's sick but, he'll live.Kahit paano nakilala ko na ang baliw na yun, matigas ang ulo nun katulad mo kaya sigurado akong kakayanin niya to.Tiwala lang.'' Pilit siyang ngumiti at pinisil ang kamay ni Marlon na manghang nakatingin sa kanya.

Sa totoo lang ay nagtatapang-tapangan lang siya, deep inside natatakot at sobrang ng-aalala siya para kay Marcus.

''What?''

''Thank you dahil dumating ka.Kanina pa ako nalilito at natatakot, Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko kanina.Minsan na akong nawalan ng kapatid at ayaw ko nang maulit pa yun.'' Sumandal ito sa balikat niya at pagod na pumikit.

''Kapit lang, nandito lang ako kapag kailangan niyo ako.'' Tinapik-tapik niya ito sa balikat at hinayaang magpahinga sandali.

Pagkalabas ng mga Doctor na sumusuri kay Marcus, pumasok na silang dalawa.
Doon niya naabutan ang binata na prenteng nakaupo sa kama nito habang kausap ni Tita Dianne.May swero sa kanang pulsuhan at naka- oxygen mask.

''Gummy Bear!'' Parang batang tinanggal ang oxygen mask at ibinuka nito ang mga braso para sa yakap. ''You came...come on give me a hug.I missed you.''

Natatawang lumapit siya dito at niyakap ito. ''Sayang kasi,..hindi kita namiss.Matutuwa na sana ako dahil walang nambubuysit sakin kaso nalaman kong may sakit ka, kaya kunwari nalang na-miss kita para pakonswelo.''
Natawa siya ng parang bata itong sumimangot at nagsumbong kay Marlon.

''Twin, ang sama na naman ni Gummy bear sakin.Binu-bully na naman niya ako."

''Parang wala ka naman kasing sakit.Nagpapa- baby ka lang yata eh.'' Nakangiting sagot ni Marlon habang naglalaro ng ML sa cellphone.
Mukhang relax na ito kumpara kanina.

Mabuti naman.

''See mom? Wala naman talaga akong sakit.Mali lang siguro ang findings ng mga Doctor na yun.Malakas pa ako, at gwapo.'' Kumindat pa ito sa kanya at nagpose na parang model.

Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now