CHAPTER 1

253K 5.1K 372
                                    

CHAPTER 1

 Blake woke up late again and as usual, his father is scolding him. At palaging sa sala ang venue nila.

“Blake, kailan ka ba magbabago?!” Galit na wika ng daddy niya. “You’re already nineteen years old at wala ka paring patutunguhan!”

Tinatamad na tumingin si Blake sa ama niya. “Dad, hanggang kailan ka ba aasa na magbabago ako?”

They’re freaking rich. His father is a billionaire business man and so is his mother. Magkatulong ang mga ito na palaguin ang kompanya nila na wala siyang pakialam. Marami silang businesses all over the world. Mula sa restaurants hanggang sa malls. Gusto ng mga ito na sumunod siya sa yapak, pero ayaw naman niya. It’s so tiring. Hindi ba ang mga ito napapagod? Puro nalang trabaho ang ginagawa ng mga ito.

No fun!

“Blake!” Hinilamos ng ama niya ang kamay sa sariling mukha. “Grow up! Hindi sa lahat ng oras nasa likod mo ako para iligtas ka sa mga kalukuhan mo!”

“Oo nga naman, Blake.” Sang-ayon ng mommy niya na halata sa mukha ang pagka-irita. “Life is short. Grow up and be serious for once! Dapat pagbutihan mo ang pag-aaral. Hindi lahat ng  oras may pera at mayaman tayo.”

“Grow up!” Sigaw ng daddy niya. “When are you gonna change?”

“I won’t.” Simpleng sagot niya na ikinatingin sa kanya ng masama ng kanyang daddy at mommy.

Nanggigigil na dinuro siya ng daddy niya. “Ang gusto lang naman namin ay mag-aral ka ng mabuti. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makaka-graduate ng high school at hindi ka makakapasa sa bawat subject mo ngayon!”

Blake just rolled his eyes. Heto na naman po sila. Araw-araw nalang, laging pinapamukha ng mga ito ang bagay na ‘yon. Hindi naman niya iyon kasalanan. Mula’t sapol, sinabihan na niya ang mga ito na ayaw niyang mag-aral, pero heto at pinipilit siyang tapusin ang kursong halos isumpa niya.

Business Management.

“Dad.” Tumingin siya dito. Bored na bored ang mukha niya. God. It’s morning for crying out loud! “Sabi niyo, pumasok ako sa school. Ginagawa ko naman a.”

“Pumapasok ka nga pero hindi ka naman nakikinig at hindi sinasagotan ang mga quizes at exams mo.” Sikmat ng mommy niya na mukhang sasabog na sa galit.

“Whatever.” Blake mumbled under his breath. Kaya ayaw na ayaw niyang gumigising sa umaga. Palagi nalang nagsesermon ang mga magulang niyaa. Talo pa nito ang pare kung manermon.

Kung puwede nga lang hindi na ako magising.

“I’m warning you, Blake! Kapag hindi ka pa umayos, puputulin ko ang allowance mo. Gusto mo ba ‘yon?” Pananakot ng daddy niya. Para namang natatakot siya. Nangyari na minsan na hindi siya nito binigyan ng allowancwe, to the rescue ka-agad ang aunt Edna niya. Ito ang sumalo sa mga gastusin niya.

He rolled his eyes. “Dad, naririnig mo ba ang sarili mo? Sinong estudyante ang magugustuhang putulan ng allowance? Malamang wala.” Ang weird talaga ng daddy niya.

“Huwag mo aking pilosopohin!” Sigaw ulit ng ama niya. Akala naman niya hindi na ito sisigaw. “I swear—”

“Hayaan mo na si Blake, Vince.” Singit ng kanyang aunt Edna na kanina pa naka-upo sa tabi niya. “Darating din ang araw at magseseryoso ni Blake. Intindihin nalang muna natin siya ngayon.”

His father scoffed. “Ate Edna, matagal ko ng iniintindi ang batang yan. Punong-puno na ako!” Sigaw na naman nito.

Palihim niyang kinalog-kalog ang tenga. Back to screaming again. Sumasakit na ang tenga niya sa lakas ng boses nito.

Mr. Whatever [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon