CHAPTER 4

142K 4.1K 106
                                    

CHAPTER 4

Blake party was in full blast and he was bored to death. Idinaos niya ang party sa isa sa function hall ng isa sa pag-aari na hotel ng parents niya. His parents didn’t know, of course. Paano niya ito nagawa without their consent? With Aunt Edna help of course. Ito ang manager sa lahat ng hotel na pag-aari ng parents niya kaya naman nakalusot siya.

Ipinalibot niya ang paningin sa kabuan ng hall. Nakita niya si Dylan na nakikipag-dirty dancing sa isang babae na halos wala ng suot.

He’s hoping that Ania would make up her mind and come, pero hanggang hoping lang talaga siya. Hindi ito dumating. Naiinis na umalis siya sa sarili niyang party. The boredom is eating him.

Ikinuyom niya ang kamao. ‘Yong babaeng ‘yon. Inimbita na nga niya ito ng personal, ito pa ang may gana na tumanggi? Ano ba ang importanteng ginagawa nito na mas masaya kaysa sa party niya?

Tinungo niya kanyang Lamborghini na naka-park sa labas ng hotel. Regalo iyon sa kanya ng daddy niya ng mag-eighteen siya. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan niya, kinuha niya ang phone na nasa compartment ng kotse niya at tinawagan si Ira o… Isa ba yon? Nagpapasalamat siya na hindi pa niya nadi-delate and number nito na sapilitan nitong isinave sa cellphone niya.

Isang ring palang sumagot na ito. “Sino ‘to?” Tanung nito sa kabilang linya.

“It’s me, Blake.”

Inilayo niya ang tenga ng bigla itong sumigaw. “Oh. My. God. Bakit ka napatawag? Aayain mo ba akong—”

“Alam mo ba kung asan ang bahay ni Anianette Sandejas?” Putol niya sa iba pang sasabihin nito.

Nagpakawala ito ng buntong-hininga at sinabi sa kanya ang address ni Ania sa disappointed na boses. “’Yon lang ba ang itinawag mo?”

“Thanks. Bye.” Tinapos na niya ang tawag.

Binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot iyon. Iisang bagay lang ang nasa isip niya habang nagmamaneho.

Si Ania.

HINDI ALAM ni Ania kung ilang beses na siyang tumingin sa orasan. Ang dahilan? Hindi niya alam. And totoo, alam niya.

Blake’s party.

Sa oras na alas-nueve ng gabi, alam niyang nag-umpisa na ang party nito. Ang hindi niya alam ay kung bakit iniisip niya ang lalaking yon.

Siguro dahil kinakain pa rin siya ng kanyang konsensiya. What she said in the library was uncalled for. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya dahil nakita niya nawala ang kislap ng mga mata nito. May kung anung kirot siyang naramdaman ng makita niya na nasaktan ito sa sinabi niya. Then his voice sounded hurt. Gusto niyang karatehin and sarili pero naisip niya na patas lang sila. Nilait din siya nito. Pero kahit ganoon, nako-konsensiya pa rin siya.

Tumingin siya sa libro na kanina pa niya hawak-hawak. Mag-iisang oras na niyang sinusubukang mag-aral pero wala siyang maintindihan sa binabasa niya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at inilapat ang likod sa malambot niyang kama. Tumingin siya sa kisame. Segundo ang nagdaan at ramdam niyang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.

She was about to be succumbed into sleepiness when she heard a loud thud. Followed by dogs barking and her brother’s angry voice.

Dali-dali niya iminulat ang mga mata. Sleepiness forgotten. Tinungo niya ang balkonahe ng kuwarto niya para tingnan kung ano yong narinig niya. Nakita niyang may iginigiyang lalaki ang kapatid niya. Sa pagkakahawak ng kapatid niya sa braso ng lalaki, masasasabi niya na may ginawang hindi maganda ang lalaki. Nakatalikod ang mga ito kaya hindi niya makita ang mukha.

Mr. Whatever [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon