CHAPTER 9

124K 3.9K 73
                                    

CHAPTER 9

After five years…

“It’s good doing business with you, Miss Sandejas.” Wika ng isang Italianong business man sabay lahad ng kamay.

Nasa isang restaurant sila kung saan ginanap ang lunch meeting nila ng italyano.

“Same to you too, Mr. Enrique.” Tinanggap niya ang kamay nito. Isa ito sa mga mayayamang business man sa Italy. Naisipan nitong mag invest sa pilipinas at ang kompanya na pinamamahalaan niya ang napili nito.

Ang Sandeza travel agency.

Mas lalo pang lumago ang kompanya ng siya ang namahala dito, siguro dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi i-focus ang buong atensiyon sa kompanya.

Hindi na niya iyon ginagawa para sa ama niya kung hindi para aliwin ang sarili niya.  Ayaw man niyang aminin pero hindi pa rin niya magawang makalimotan ang nangyari limang taon na ang nakakaraan.

Naputol ang pag-iisip niya ng marinig na tumunog ang cell phone niya.  Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, number iyon ng sekretarya niya. “I’m sorry, Mr. Enrique, but I have to answer this.” 

Ngumiti sa kanya ang italyano. “It’s okay Miss Sandejas; I am taking my leave anyway. Have a good day.”

She smiled politely. “Same here, Mr. Enrique.”

Sinagot kaagad niya ang tawag ng makaalis ang italyano.

“Yes, Vicky?” Sagot niya sa kabilang linya.

“I’m sorry, ma’am. I know you’re in a business meeting but I receive a memo today.”

She frowned. “Saan galing ang memo? At anung nakasulat?”

“Galing po kay Mr. Vincent Landeza.”

“Landeza?” Ito ang unang beses na naka-receive sila ng memo galing sa mga Landeza.

Simula ng i-take over niya ang Sandeza traveling agency, walang Landeza na nagpakita sa kanya.

Sandeza traveling agency was a partnership between her father and Mr. Vincent Landeza, pero mula na siya ang pumalit sa ama bilang partner nito, hindi ito nagparamdam sa kanya ni minsan. Tanging ang sekretarya lang nito ang nakikita at nakaka-usap niya patungkol sa mga business matters ng kompanya.  Ito ang nagsisilbing messenger nila ni Mr. Landeza na palaging busy.

Ilang beses na siyang nag-request rito na magpadala ito ng tao na papalit sa posisyon nito pansamalantala, pero hindi nito iyon pinaunlakan. Ang palaging sagot ni Mr. Landeza sa mga request niya ay mayroon daw itong hinihintay na ilagay sa posisyong iyon.

“Ano naman ang nakasulat sa memo?” Tanung niya.

“May ipapalit na daw si Mr. Vincent Landeza sa posisyon niya. Pinaunlakan niya sa wakas ang request mo, ma’am. And that person wants to hold a meeting with only the two of you before he starts working.”

“So lalaki pala ang papalit kay Mr. Landeza. Siguraduhin lang ni Mr. Landeza na may kapas ang ipapalit niyo at hindi puro kahanginan lang ang laman ng utak.”

“Mukhang hindi naman po siya ganoong klaseng tao ma’am. Ayon sa mga narinig ko, kaga-graduate lang ng taong ito sa MBA with awards pa daw ma’am. ”

MBA? Ania is impressed.  Tanging matatalinong tao lang ang nakakapasok at nakaka-graduate sa eskuwelahang ‘yon. Mas lalo naman kung may matatanggap kang award.

Hmm. Mukhang mapapakinabangan naman pala ang papalit kay Mr. Landeza.

“Anong oras ang meeting?”

Mr. Whatever [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon