CHAPTER 10 (END)

213K 5.9K 314
                                    

CHAPTER 10

PAGKAPASOK NI Ania sa opisina kinabukasan agad niyang nabungaran si Blake na naka-upo sa visitor’s chair niya.

“What do you want?” Tanung niya ng walang emosyon. “Natapos mo ba basahin ang mga files na ibinigay ko sayo?”

Hindi ito sumagot at matiim lang siyang tinitigan.

Inirapan niya ito. “Staring is rude.” Aniya sabay upo sa swivel chair niya.

“You’ve been crying.”

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang titig nito. “What do you want? Kung wala kang importanting pakay sa akin, makakaalis ka na.”

Kununot ang nuo nito habang nakatitig parin sa kanya. “Bakit ka ba galit sa akin?”

That question made her heart tighten inside her chest. Iyon din ang tanung nito dati bago sila nagkamabutihan.

“Hindi ako galit sayo.”

“You’re attitude towards me said otherwise.”

She gritted her teeth. “I said, hindi ako galit. Ano ba sa sanabi kung iyon ang hindi mo maintindihan?”

“Naiintindihan ko ang sinabi mo.”

“’yon naman pala e. umalis ka na kasi marami pa akong gagawin.”

“Wala akong pakialam.” Isinandal nito ang para sa kaharap nitong upuan. “Hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka galit, hindi ako aalis dito.”

Walang emosyong tiningnan niya ito sa mga mata. “Galit ako dahil bumalik ka.”

Umayos ito ng upo. “A-Ano?”

“Galit ako dahil bumalik ka. Okay na ako e. I’m moving on, Blake. Bakit kailangan pa kitang makita at maalala ang sakit na dinulot mo ng umalis ka?”

“A-Ania, I can explain—”

“Umalis ka na. Ayokong marinig ang paliwanag mo.” Pagtataboy niya dito bago pa malaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

“Hindi ako aalis—”

Ania abruptly stands up and slammed her hands on the table, stopping Blake’s word. “Just get out, damn it!” May pumatak sa luha sa mga mata niya. Pesteng luha ‘to! Pinahid niya iyon. “Just go, Blake. Just go.” Nanghihinang wika niya.

Tinitigan siya nga matagal ni Blake bago tumayo. Akala niya aalis na ito pero ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya ng lumapit ito sa kanya at pinahid ang luha niya.

Tinabig niya ang kamay nito. “Hindi ko kailangan ng tagapahid ng luha. I’ven been going that for five years. I don’t need your help drying my tears.”

Pero matigas ang ulo nito at nagpumilit pa rin na pahirin ang luha niya.

“I’m sorry. Umiiyak ka dahil sakin.” Anito.

“Bakit ka ba kasi bumalik?” Mahinang boses na tanung niya.

“Dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral and for the first time, I’m proud to say na walang binayaran si daddy para maka-graduate ako. And dad needs me here.”

‘Yon ang dahilan nito kung bakit ito bumalik? Tumawa siya mahina. Hindi man lang siya kasama sa rason ng pagbalik nito. Bakit ba si umasa at patuloy na umaasa na bumalik ito ng dahil sa kanya?

Sa mga nangyari, paulit-ulit niyang tinatanung ang sarili kung totoo ba ang sinabi nito sa sulat na mahal siya nito at hindi siya nito makakalimutan. Dahil mukhang nakalimutan na siya nito habang nasa ibang bansa ito.

Mr. Whatever [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon