Chapter 1

429 14 1
                                    

Breana

Nandito ako ngayon at naninibago sa bagong kabihasnan. Nakahiga pa rin ako ngayon at hindi alam kung dapat ba akong tumayo at pumasok o manatili nalang dito sa bahay. Hindi naman ganon kalaki ang bahay namin dito ni mommy, sakto lang para sa amin.

Tumayo na ako dahil iniintay ako ni mommy at ihahatid niya daw ako sa bago kong papasukan na university. Naligo na ako at nagbihis na. Suot ko ngayon ang magandang uniform na ito, kung saan nabibigyang pansin ang mahahaba at mapuputi kong legs. Nagsuot na rin ako ng sapatos na may takong pero di naman gaanong kataas.

Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nagbabasa ng magazine habang umiinom ng kape .

"Good morning mom" sabay kiss sa kanya sa cheeks

" Good morning, kumain ka na dyan para makaalis na tayo." Walang ganang sagot niya.

Ewan ko ba kung bakit napaka- moodyni mommy. Minsan masaya,minsan galit at kadalasan walang emosyon. Hindi ko rin maintindihan tong mommy ko minsan.

Kasalukuyan akong nakaupo at tamad na tamad na kumakain. Dumagdag pa ang nakakabinging katahimikang namamagitan saming dalawa ni mommy. Bahala na nga. Hindi ko nalang pinansin ang mga iyon at pinagpatuloy na lamang ang aking pagkain.

Matapos kong kumain ay niyaya ko na si mom na umalis dahil baka iniintay na rin siya ng mga empleyado ng kumpanya.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana. Ang ganda kasi ng tanawin parang antahimik lang, yung walang manggugulo sayo. Pero sana nga walang manggulo sakin dito.

"How's your first day here?" Tanong ni mommy.

" It's just fine. Nothing exciting really happened" sagot ko.

" For sure magugustuhan mo ang bagong university mong papasukan" nakangiti niyang sabi.

"Sana nga" bagot kong sagot.

" Don't worry maganda ang academic and sports curicculum nila. Kaya you don't have to worry about your hobby in playing volleyball" pagpapaliwanag ni mommy.

Bigla nalang akong nakaramdam ng excitement nung nalaman kong  maganda ang pagpapatakbo nila sa sports curicculum ng bagong kong papasukan na university

"Really?" Masigla kong pagtatanong.

"Yes. I know that you really love playing volleyball. And I want you to pursue it eventhough you're not in the same school at all."

"Thanks Mom!" Pagpapasalamat ko.

Ang kaninang pagkabagot ko ay napalitan ng excitement. Sobrang saya ko sa sinabi ni mommy. Talagang alam niya ang background ng university na papasukan ko.

Nakarating na kami sa bago kong papasukan at labas pa lang ay alam mo nang napaka prestihiyoso ng university na to. I walk inside the university at sa pagpasok mo palang ay makikita mo na ang napaka laking school grounds kung saan nag eensayo ng mga manlalaro ng soccer. Habang ang mga buildings naman ay napaka ganda at malaki. Dumako naman ang tingin ko sa gym na ang laki din. Nakita ko din na nagte-training ang mga basketball players at volleyball players. Grabe ang tatangkad at ang gaganda ng mga volleyball players dito. Nais ko pa sanang maglibot kaso kailangan ko na munang pumasok saking klase

Kumatok ako sa room kung saan ako na-assign. Nagsisimula na ang klase at mayroong matandang lalaki sa harapan na nakapormal na kasuotan at wari ko ay isang professor. At dahil sa agaw pansin ang aking pagkatok ay napalingon ito sa akin.

"Yes?,What can I do for you?" tanong niya sa akin.

"Ahmmm.. Ako po yung transferee from SBU po" pagsagot ko.

Falling for Mr. CaptainWhere stories live. Discover now