Chapter 4

283 9 0
                                    


Brix

"Gusto kita" pag-amin ko sa aking nararamdaman para sa babaeng nasa harap ko.

Di pa rin ako makapaniwala na naamin ko na ang tunay kong nararamdaman. Para akong nabunutan ng tinik.

"Ahhhmm... Brix? Gusto din kita" sabi niya sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang kaniyang pagkahiya.

Hinawakan ko siya sa pisngi at inilapit ang muka niya sa mukha ko. Unti-unting naglapat ang aming mga labi. It was a hot yet a passionate kiss. Punong punong ng pagmamahal. Nararamdaman ko rin ang mga hangin na galing sa kanyang bibig na ngayon ay dumadampi sa aking balat. We kiss for a long time then..........

Kriiiinggggg...

Natauhan ako dahil sa makabasag pinggan na tunog. Parang anytime ay pwede nang sumabog ang eardrum ko..

"Anak? Gising na maaga pa ang pasok mo." Paggising sakin ni manang.

"Five minutes more yaya" sagot ko habang nakapikit pa rin ang dalawa kong mata.

"Hay naku! Ayan ka na naman sa pagiging tulog mantika mo. Tumayo ka na at gumayak ka na nang makakain ka na at makaalis" pagsesermon niya sakin

Mula pa lang nung bata ako ay si Manang Fe na agad ang nag-alaga sakin. Wala na kasing time ang mga parents ko. Dahil ang laman lang namn ng isip nila ah negosyo.
Negosyo here, negosyo there ,negosyo everywhere. Nasanay na rin naman ako na wala sila sa tabi ko. And because of that, at a very young age, I already learned to be independent.

Walang gana akong tumayo at nagtungo sa CR para maghilamos at maligo. Nagbihis na rin ako para diretso alis nalang ako mamaya pagkatapos kumain.

Bumaba na agad ako pagkatapos kong maligo at magbihis, baka kasi bumalik pa dito si manang. Pagkababa ko ay ganon pa rin ang scenario na aking nakikita si Manang Fe ay naghahain na ng pagkain habang ang iba naman ay may kanya kanyang ginagawa.

"Good morning Manang." masagana kong pagbati sa kanya.

"Good morning ka dyan! Bilisan mo na at baka malate ka na naman. Ayy jusko ka naman talagang bata ka oh." bulyaw niya sakin na may halong pag-aalala.

"Manang talaga" irita kong sabi habang may pakamot pa sa ulo.

"Ako na naman ang malalagot sa daddy mo kapag nalaman niyang late ka na naman." Sabi niya.

"Don't worry manang, ako ang bahala kay dad. Tsaka isa pa batas ata ako sa school no." Pagyayabang ko sa kanya.

"Naku! Ikaw talagang bata ka!" Sabay pingot sa aking tenga.

Lagi siyang ganan, walang araw na hindi siya ganyan. Sanay na naman ako dyan, kung minsan nga eh mas nauuna pa siyang mag-ingay kesa sa alarm clock ko. Daig niya pa si dad. Pero ayos lang din kasi nakakailang balik na siya sa deans office at pirma sa Detention Note ko sa tuwing may ginagawa akong katarantaduhan, siya kasi ang niipit eh Kaya ganan nalang siya kung mag-alala

Habang nakain ay nabibingi na ako dahil sa katahimikan. Wala akong kasabay kumain kasi, si mommy and daddy sa umaga ay nag-kakape lang, after non ay aalis na sila. Kaya di ko din sila naaabutan.
Binilisan ko na ang pagkain at nagsipilyo na ako. Habang nagsisipilyo ako ay bigla ko nalang naalala ang panaginip ko kanina. Grabe! Sino kaya yung babaeng yun? Bahala na, kung sino man siya ay sana magkita kami.

"Bye Manang!" sabay kaway sa kanya.

Kinuha ko na ang susi ng kotse at nagsimula nang paandarin ang makina. Malapit lang naman ang bahay namin sa school kaya, mabilis lang akong nakarating. Dumiretso agad ako sa parking lot at doon ipinarada ang kotse. Nakita ko na rin ang motor ng bayabas kong kaibigan na si Ranzel at ang kotse ng isa pang si Xendrix.

Falling for Mr. CaptainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant