Chapter 8

215 6 2
                                    

BREANA

I'm feelin' really nervous right now. Ngayon na kasi ang aming first game, and I was really worried beacause our first opponent is the school where I came from. But it's also a bit challenging because I got to play with my new team now. I think we're ready, Let the game begin.

REIGN

Sobrang kinakabahan ako ngayon, kahit na matagal na akong naglalaro ay iba pa rin ang kabang nararamdaman ko ngayon. Nabalitaan kasi namin na ang makakalaban namin ngayon ay ang school na pinapasukan ni Breana dati.

"Okay! Let's get ready guys. Our first opponent ay bago lang dito sa league na 'to. It's their first time to compete in this kind of league." Halata mo sa boses ni Meagan ang kaba."All we need to do is to defend our title. Let' go!" Pagbibigay niya ng motibasyon samin.

"Grabe! Kinakabahan ako." Kabadong sabi ni Breana..

" Kaya mo yan! Tiwala lang"

"Baka kasi di ako makapag-contribute ng ayos sa team."

" May kinakatakutan ka ba sa kabilang team kaya ka ganyan?" Taka kong tanong.

"Oo." Diretsahang sagot niya. "Kilala ko ang mga kalaban natin. Basa ko na ang bawat galaw nila at basa na rin nila ang galaw ko, lalo na si Florence Mandapat."pagpapangalan niya sa isang kinakatakutan niya. "Siya ang middle blocker ng team, walang bola ang nakakalusot sa kanya everytime na nagba-block siya"

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya. Shocks! Pano yan? sana makalusot lahat ng palo ni Meagan mamaya.

"Wag kang mag-alala kaya mo yan." Kahit kinakabahan ako ay pinapalakas ko pa rin ang loob niya.

Konting oras nalang ang natitira at magsisimula na ang game. Niyaya ko na si Breana na pumunta ng gym para masabayan na sa warm up ang mga kakampi namin. Pagpasok pa lang namin ay ramdam na agad ang tensyon. It was a very huge crowd cheering for their bet. Mas lumakas tuloy ang kabog ng aking dibdib.

Prrrrrtttttt.....

Pito ng referee, na ang ibig sabihin ay magsisimula na ang game. Pumasok na ang first six namin at kasama don si Breana.

Ako ang unang magse-serve which also means na ako din ang magsisimula ng game. Pumito na ang referee hudyat na kailangan ko nang mag-serve. Tinatagan ko ang aking loob at nagserve na. Pagkaserve ko ay bumalik agad ako sa pwesto ko.

"Kuhaaaa!" Sigaw ni Meagan.

Nasalo naman ng libero namin ang bola galing sa kabila. Hindi ko alam kung sino ang una kong bibigyan. Nasa gilid ko si Meagan at nasa kabilang gilid ko naman si Breana.

"Breana!" Sigaw ko para malaman niya na sa kanya ko ibibigay ang bola.

Nakaabang sa kabila si Florence at ang isa pang blocker. Pinalo ni Breana ng bola at namangha ang lahat ng nabasag niya ang depensa ng kalaban.

"Eyyyyyy!" Sigaw naming lahat. Ito ay ang paraan namin ng pagce-celebrate ng nakuha naming puntos.

Nagpatuloy ang laro at kami ang nangunguna ngayon. Lamang kami ng apat, kahit na nababantayan madalas si Meagan ay hindi naman nila maawat ang mga power shots ni Breana.

Prrrrrrrtttttt...

Pumito ang referee, nag time-out ang kabilang team.

"Nice one Breana! You are really doing a great job!"  pagbati  ni Meagan sa kanya.
"Reign? Ibahin mo ang play natin. Make a Combination Play" utos niya sakin.

Falling for Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon