Chapter 2

308 13 1
                                    

Breana

Mabilis na lumipas ang oras at inaya agad ako ni Reign na magbihis na para sa gaganapin na try-out. Pumunta kami sa locker niya at kinuha ang susuotin namin. Andaming laman ng locker niya, parang ginawa niyang closet yung locker . Inabot niya skin ang sapatos,damit,shorts at knee pads na gagamitin ko.

"Pano ka? Di ka ba mag knee-knee pads?" Taka kong pagtatanong sa kanya.

"I have a lots of knee pads. Tsaka isa pa hindi naman ako mahilig mag knee pads kaya okay lang na sayo muna yan." Pagpapaliwanag niya sakin.

"Ahh..sige salamat ah." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Nagpunta kami ni Reign sa CR para magbihis pero nauna na siyang lumabas dahil tapos na siya mag bihis. Pagkatapos ko ay nagtali muna ako ng buhok at lumabas na. Nakita ko si Reign na nakatitig lang sakin. Para lang siyang statuwa na natigil bakit kaya?

"Uyyyy" sabay wagayway ng kamay sa may mukha niya.

Wala paring kibo itong si Reign. Hinila ko ang buhok niya at dun lang siya natauhan.

"Bakit ka ba nakatitig? May dumi ba ko sa mukha? Tanong ko sa kanya.

"Ang ganda moooooo!"  sabi niya at may tili pang kasama. "At, Ang sexy paaaa. wow chix" sabay sipol.

"Baliw!" Pag-saway ko sa kanya.

"O siya tara na at baka hanapin pa ko ni team captain" sabi niya.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

Habang papunta kami sa gym kung saan kami mag te-training ay may mga sari-sari mga bulungan akong narinig mula sa mga estudyanteng nakakasalubong namin.

" wow ang ganda niya naman"

"Parang ngayon ko lang siya nakita"

"bago ba siya?"

"Grabe ang haba ng mga legs niya"

"Kasama niya si Reign baka mag ba-volleyball siya."

Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay may nakakapansin din sa akin. Ngunit di ko na muna pinansin ang mga ito dahil sa nakakapagtakang ngisi ng kasama ko ngayon. Hayyss. Baliw na ata talaga siya. Di ko na siya pinansin at dumiretso ako sa paglalakad.

Nang makarating kami sa gym ay may nag te-training din ng basketball. Ngunit wala na kong panahon para pansinin pa ang mga iyon dahil excited lang ako sa mangyayaring try-out ngayon.

"Bilisan mo, daliiii. Mag-sisimula na" sabi ni Reign habang hinihila ako

Nagsimula na ang try-out at nagpakilala muna ang team captain nila at siya rin ang magpapa try-out. Ang ganda niya. Maputi,maganda,mahaba ang buhok at higit sa lahat matangkad.

"Good afternoon everyone! My name is Maegan Alonzo and I am the Outside Hitter and the team captain"

Kahit ang kanyang boses ay bagay na bagay sa kanyang katauhan.

"I think we should start now before it gets late. So are you ready?" tanong niya

Tumango ang lahat bilang tugon sa tanong niya. Nagsimula na ang try-out at una naming ginawa ay ang stretching. Gumawa din kaming drills na kadalasan ay ginagawa din namin sa dati kong  university. Kaya hindi din ako masyadong nahirapan dahil halos lahat ay na encounter ko na when i was at SBU.

"Water Break!" Sigaw ni Meagan

Pumunta ang mga babae sa blichers at kinuha ang kani-kanilang tubig. Halata mo sa kanila na napagod sila sa ginawa naming stretching at drills.

PRRRRTTT....

Pumito si Meagan bilang hudyat na tapos na ang water break.

"Next naman na gagawin  natin ay ang recieving. Ang recieving ay ang first defense natin. We usually bring the ball to the setter to make a set" pagpapaliwanag niya.

Ginawa nung libero at ng setter ng ibig-sabihin ni Meagan. Ang ganda ng recieve ng libero at hindi din naman sinayang ni Reign ang magandang reception na nanggaling sa libero at na-set niya naman ito ng napakaganda.

Ginawa naming lahat ang pinapagawa ni Maegan. At kita mo naman na kahit di gaanong maganda ang reception ay nagagawan pa din ito ng paraan ni Reign.
Next na ginawa ay ang blocking.

"Kapag nagba-block tayo. Kailangan matigas at matibay ang mga kamay natin para hindi siya madaling matibag. At dapat napakayong siya para diretso sa sahig ang bola. Ang blocking din ay ang Net Defense natin." sabi ni Maegan.

Grabe makikita mo talaga yung perseverance at leadership niya sa lahat ng ginagawa. Ginawa naman ni Maegan at ng mga blockers ang sinasabi niya. Si Meagan ang papalo at may nakaabang sa kanyang tatlong matatangkad na blockers. Pagkapalo niya ng malakas ay kitang kita ang mabilis na pagbaba ng bola dahil sa naka-establish ng maayos ang mga blockers.

Ginawa namin ang blocking. Si Meagan ang papalo habang kami naman ang nakaabang para bantayan siya sa net. Nagawa naman namin ng maayos ang lahat. At ng matapos ito ay nag-iba naman kami ng gagawin.

" Nice one guys. Next naman na gagawin natin ay ang Spiking"

Naexcite ang lahat lalo na ako dahil ito ang pinaka hinhintay ko.
.
"In spiking we have different targets the crosscourt and the down the line. If its crosscourt we usually target zone 4 and in down the line we usually target zone one dun sa may end line." paliwanag niya habang tinuturo ang target.

"So let's get started"

"Let's start with you" sabay point out sakin.

Bigla akong kinabahan. Pero naisip ko rin na panahon na to para maipakita sa kanila ang kakayahan ko. Pumwesto ako kung saan dapat nakapwesto ang spiker. Nakita ko naman si Reign na sinesenyasan ako na "kaya mo yan" . Huminga ako ng malalim at nagfocus na. Nirecieve muna ng libero ang bola ,sumakto ito kay Reign na siyang nagsisilbing setter kaya nabigyan niya ako ng isang magandang set. Di na ako nag-alinlangan at pinalo ko na ang bola ng buong lakas. Down the Line ang target ko, nagulat sila dahil sa lakas ng pagkakahampas ko sa bola.

"Woaaaaahhhhh!"

"Wow. Grabeee"

"Shocks ang galing niya"

"Grabe! Iba na yung kalakasan niya."

Yan ang mga salitang lumabas sa bibig nila matapos kong hampasin ang bola. Pati sila Meagan at Reign ay napatulala nalang dahil sa ginawa ko.

Sa pangalawang pagkakataon ay binigyan  uli ako ni Reign ng magandang set. Ngunit sa pagkakataon na ito ay mayroon akong natamaan na isa sa mga players ng basketball players.

"Shocks! Natamaan niya si Brix"

"Naku! Mag-ingat siya sa susunod"

"Hala di nya alam kung anong ugali nun"

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga sinabi nila. Is he gonna kill me?. Shocks! I'm so nervous right now.

-----
-----

So eto na nga.....
Kamusta naman yung dalawang chapters? Please magsabi kayo ng totoo.
May violent reactions ba? Pangit ba?
But anyways just comment your opinion.

Please vote,comment and follow me.
@marclonggiii

Falling for Mr. CaptainWhere stories live. Discover now