Chapter 3

288 13 1
                                    

**
Lahat sila ay nakatingin lang habang ako naman ay kabang-kaba na , pero di ko pinapahalata yon. Syempre it was an accident, di ko naman sinasadyang matamaan ko siya. Nakita ko na para lang siyang statwa na nanatili pa rin sa posisyon niya habang hawak ang kanyang ulo.

Unti-unti siyang lumingon at hindi ko makakaila na gwapo talaga siya. Matangos ang ilong, matangkad,maputi at bumagay sa kanya ang messy hair niya. Pero natauhan ako sa pagpapantasya ko nang makita kong na ang sama ng tingin niya sakin.

"Lapitan mo, mag-sorry ka. Naku sinasabi ko sayo pag-sisisihan mo pag di ka nagsorry" bulong sakin ni Reign na ngayon ay bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang tumayo. Shocks! Anlambot ng kamay niya. Nakatungo lang siya at nanatiling nakahawak sa ulo. Siguro masakit talaga ang pagakakatama sa kanya.

"I'm so sorry, I didn't mean to do that. It was an accident and I didn't expect na sayo----" bigla akong natigilan sa pagpapaliwanag ko ng nakita ko na naman siya na ang sama-sama ng tingin sakin. Oh My Gosh. Is he gonna kill me? Please no! Please!.

" Mag-ingat ka kasi. Naglalaro ka ng volleyball tapos hindi ka marunong mag-control ng bola" halata mong galit na siya dahil sa namumula na ang mukha niya. But still he is so cute, nakakatawa sita pag namunula yung muka niya, mukhang kamatis.

"Sorry talaga, di ko sinasadya" paghingi ko ng tawad sa kanya.

Di niya na ito pinansin at nagpatuloy na sa pagte-training. Dun ko lang napansin na meron pala siyang dalawa pang gwapong lalake na kasama. Grabe solid yung samahan nila, gwapo lahat.

Bumalik na uli ako sa training at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko. Kinalimutan ko na muna ang nangyari kanina at muling bumalik ang focus sa pag-lalaro ng volleyball.

Matapos ang training ay nagbihis agad ako dahil mag-gagabi na rin. Kaya binilisan ko na ang kilos ko. Mahirap na kapag inabot ako ng gabi dito, di ko pa naman saulo ang pasikot-sikot dito.

"Pauwi ka na?" bigla akong nagulat dahil sa boses na nanggaling sa likod ko.

Si Meagan lang pala.

"Ahhh...Oo" sagot ko naman sa tanong niya.

" San ka ba nakatira? I can give you a ride." Pag-aalok niya sa akin.

" Ahmmm...hindi na." Pagtanggi ko sa alok niya .

"Don't worry hindi naman ako masamang tao. I will make sure na you will go home safe and sound." Pagpupumulit niya.

" Let's go? It's also getting late" pagyayaya niya sakin.

Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya. Papunta kami ngayon sa parking lot. Pagkadating namin sa tapat ng kotse niya ay napanganga nalang ako. Grabe! babae siya pero ang ganda ng kotse niya. Mercedes-Benz lang naman na puti ang sasakyan na nasa harapan ko ngayon.

Pinasakay niya na ako at ini-start na ang kanyang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay nabibingi na ako dahil sa katahimikan na bumabalot sa loob ng kanyang sasakyan.

"How was your first day?" Tanong niya .

Talaga bang pag newbie ganan lagi ang tanong? Even mom, ganan din ang tinanong niya sakin kanina.

"It was fine" sagot ko naman.

"Good to hear" sabi niya ng may ngiti sa kanyang bibig.

She was also a jolly person like Reign. No wonder na talagang magkakasundo sila. Mabait siya tsaka makikita mo rin an concern din siya sa mga taong nakapaligid sa kanya Kahit na hindi niya la masyadong kilala. Napaka hospitable niyang tao.

"You know what? You're good at playing volleyball" pagpuri niya sakin.

"May I ask if may background ka sa paglalark ng volleyball?" Pagtatanong niya.

" Actually, I was the former team captain of St. Benedict University womens volleyball team" Pagpapaliwanag ko.

" Really? Kaya pala parang sisiw nalang sayo ang mga drills at training natin kanina" sabi niya habang natatawa tawa pa.

Napuno na naman ng katahimikan ang loob ng sasakyan na ito. Pero naisip ko bigla yung lalaki kanina na natamaan ko. Ano kayang pangalan niya?

"Ahmmm... Meagan? May I ask somthing?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Yes! Anything" pagsang ayon niya naman sa tanong ko.

" Sino ba yung lalaking natamaan ko kanina?" Na-curious na kasi ako di ko na mapigilang matanong.

"That guy?" Patanong niyang sagot.
"That was Brixter Buenaventura, well known din siyang tawaging Brix. He was the team captain of the basketball team. At isa sila sa mga nagmamayari ng university natin." pagpapaliwanag niya.
"Gwapo niya no?" pahabol niya na medyo kinikilig pa.

Nagkibit balikat nalang ako, di ko kasi alam kung anong isasagot ko eh. Gwapo naman siya pero sa obserbasyon ko parang ang gaspang ng uagli niya. I don't know. But To see is to believe.

Nang makita ko na ang kanto ng Bluhills Ville. ay sinabi ko na agad kay Meagan para makababa na ako. Baka abutin pa kasi siya ng gabi eh.

"Dyan nalang ako sa kanto" sabi ko sa kanya.

Tinigil niya ang sasakyan sa kanto ng Bluhills. Parang manghang mangha siya nung nakita niya ang Bluhills.

"Bluhills? Rich kid" sabi niya habang manghang mangha pa rin.

"Pag dito nakatira rich kid agad?" Taka kong tanong.

"Ano ka ba! Ang mamahal kaya ng bahay dyan. Kaya no wonder na rich kid ka talaga." Sabay kindat

" Naku bahala ka na nga dyan. Sige na mauna ka na. Mag gagabi na din kasi baka abutin ka pa ng dilim." Pagtataboy ko sa kanya.

" Before I forgot, bukas ay after lunch break ang training natin. Pero don't worry excuse kayo sa lahat ng subjects niyo." Pagpapaalala niya sakin.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Bye, see you tomorrow" pagpapaalam niya sakin.

Nginitian ko siya at tuluyan na siyang umalis. Brixter pala ang pangalan niya. Parang ang unique? Ngayon ko lang ata na-encounter yung ganong pangalan. Sana mali yung obserbasyon ko, sana mabait siya sayang naman kasi yung mala anghel niyang itsura kung masama naman pala ang ugali.Naglakad na ako pauwi, malapit lang naman ang bahay namin sa main gate kaya nilakad ko nalang.

Habang naglalakad ako ay bigla kong naalala ang dalawa pang gwapong lalake na nasa likuran niya kanina. Ano kayang pangalan nila? Sana mabait din sila. Wag sila gumaya dun sa lalaking yun na walang galang. Nag-sorry na nga ako galit pa. Is it that hard to accept my apology? Ohh poor guy, wala siguro sa bokabularyo niya ang salitang sorry.

Well bahala na just wish me luck on my second day. Sana mukha na niya talaga ang matamaan para mas lalong mamula kapag maglit siya.

*Evil Laugh*

Watch out Mr. Captain.
-----
-----

Hi guys? Kamusta na? This is the new update.
Hope you like it!

Please vote,comment and follow me.
@marclonggiii

Falling for Mr. CaptainWhere stories live. Discover now