Chapter 11 - Outing

11.3K 333 12
                                        


Jessica Galanza.

Thank God it's Friday.

Yay, makakapag bakasyon na din uli sa Boracay. Pinasara ito ng government lately di ba kaya excited akong makita ang mga changes after ng rehabilitation. Sana naman mapanatili na talaga yung kalinisan doon.

I brought na to the office yung bag na dadalhin ko kasi diretso na kami ng airport mamaya.

Siempre hindi ko nakalimutan ang aking swimming attire. Also my sunglasses, sun screen, towels, slippers, lotion, etc. Yung medicines pa pala in case of emergency.

"Oy Bes, 1 week ka sa Boracay? Parang dinala mo na yung buong wardrobe mo ah." bungad ni Kris sa akin.

"Ano ka ba Bes, siempre dapat kumpleto dala mo, mga anik-anik haha. Pampaganda at pampa sexy. Baka doon na natin makilala ang ka-forever natin." masayang sagot ko.

Since parehas kami ni Kris na single, lagi kaming naka lookout sa mga hot guys pag nasa outings. Although hanggang tingin lang naman kami haha. Never kaming nag cross the line, like having a one-night stand.

We got each others back. Pag hindi type ng isa yung pumuporma, gagawa ang isa ng dahilan para makaiwas.

Hindi pa rin sya nagkaka boyfriend like me. Saka super istrikto ng Tatay nya. Takot pa si Bes magdala ng manliligaw sa bahay nila.

In fairness, hindi naman kami pahuhuli ni Bes pagdating sa beauty, beauty daw oh. Kaya lang, wala talaga eh. Sadyang hindi pa namin siguro nakikilala ang magpapatibok ng aming puso. Charot.

Around 2pm, nagpunta na kami sa parking area at sumakay na sa bus na magdadala samin sa airport. 330 kasi ang flight namin.

Bale 28 kaming lahat ng staff plus si ma'am Fhen and Deanna. So 30 lahat. Speaking of Deanna, hindi ko pa sya nakikita ng bigla na silang sumakay ng bus ni ma'am Fhen.

They occupied the front seats kaya nakita ko sila from where I sitting, with Kris.

She's wearing white shorts and black shirt. Siempre terno ang shoes nya, which is white. Naka cap pa sya.

Damn.

Pretty and papi at the same time. I was looking at her when she suddenly looked behind her and saw me.

She mouthed "Hi Jema." then smirked.

Kris saw that kaya inusisa nya ako. Wala na akong kawala, napilitan na rin akong magkwento sa kanya. Of course may mga things na akong hindi binanggit pa, haha.

"What?" pasigaw nyang tanong after ng kwento ko.

Napatingin tuloy lahat sa amin kaya pinandilatan ko sya. Buti na lang nasa airport na kami kaya saved by the bell ako.

"Jessica Margaret, tuloy ang kwento mamaya." bulong pa nya.

Eventually we arrived at the hotel in Boracay. Binigay na samin ang mga designated keys for our rooms. Siempre magkasama kami ni Bes sa kuarto.

Fhen announced to the group that we have to be at the restaurant by 7pm for dinner. Before that, bahala na kami kung ano ang gusto naming gawin since may 1 hour pa naman na free time.

Nag decide kami ni Kris maglakad lakad muna sa labas para ma-check ang hotel and it's surroundings. Nagpalit na ako ng attire, shorts and gray V-neck with matching slippers.

We saw Deanna walking towards us. Bigla akong yumuko until nakita ko na nasa harapan na namin sya.

"Are you going for a walk?" she asked.

"Yes."

"Nope."

Sabay pa kami ni Kris sumagot. Magkaiba nga lang.

"What ba talaga? You can do that later after dinner, mas maganda maglakad pagkakain para bumaba agad ang food. I've heard they offer masseur / masseuse service dito sa hotel. I wanna try it. Gusto nyong sumama sa akin?" tanong niya.

Oh, biglang sumakit ang mga kasu-kasuan ko ah. Feeling ko need ko na nga magpamasahe. Nagtinginan muna kami ni Kris then we nodded to Deanna. Kaya bumalik kami sa reception and asked where's the massage room.

At eto na nga, mag a-avail kami nung 30 minutes massage lang baka kasi ma-late kami sa dinner. It's 10 past 6 now. Bigla namang tumunog yung phone ni Kris.

"Ay si ma'am Fhen ang tumatawag, wait lang at sagutin ko muna." sabi nya.

Nag-usap sila then bumaling na siya sa amin after the call.

"I have to go guys, one of our clients need some files. I have to email it to them right now. Urgent daw eh. Pano ba yan, I can't join you na. I'll see you na lang sa dinner. Bye Bes and Ms. Deanna. Enjoy." she said.

Then there was the two of us.

Ano ba itong si Kris, nakakainis. Bakit nang iiwanan bigla? Sana pala sumama na lang ako sa kanya kaso nakakahiya naman dito sa isa.

Tapos tumawag na sila ng staff at nire-ready na yung massage room. I have no choice but to go with Deanna.

They handed us towels and told us to go to the changing room na, which is adjacent to the massage room.

Deanna took her shirt off. Napanganga ako, sobrang flat ng stomach. Naka sports bra sya. Ang nipis at pino ng mga balahibo niya, grabe.

"Like what you see?" nakangiting tanong nya.

Itinakip nya yung towel sa katawan nya then she took her short off na din.

Napalunok na lang ako. Hindi ako makagalaw kaya lumapit sya sa akin.

"Do you want me to undress you, my Queen?" she seductively asked.

"No." mahinang sabi ko.

Nasa harap ko na siya ngayon. Nakatitig lang sya sa akin. Then her eyes went down to my lips, napa lip bite tuloy ako. I can smell her breath. She leaned in and our lips slightly touched.

I was surprised kaya bigla ko syang itinulak.

"P-please don't do... that aa-a-again." I stuttered.

"Why, you don't like it?" tanong nya.

"I'm straight!" mabilis na sagot ko.

"That is what the spaghetti says until you boil it." she said while smirking.

"What spaghetti?" inosenteng tanong ko.

She just laughed at me. Kainis.

Tumalikod na ako sa kanya nung nakabwelo ako. I took my shirt off, followed by my shorts. I can feel her eyes on my back. I wrapped around myself the towel quickly.

Namumula na sigurado ang mukha ko dahil sa antisipasyon ng mga ganap, buti na lang she can't see me.

When I turned around, she's already gone. Nasa massage room na pala sya, lying on her tummy.

I called the masseuses at dumapa na rin ako sa katabing bed. Sabay pa kaming napatingin sa isa't-isa.

She's smiling then pouting. Tinataas baba nya ang kanyang kilay.

"Nagpapa cute ka ba? Sorry, pero hindi ka cute." sabi ko.

"Aray, you're so grabe naman. Malabo na yata ang mga mata mo. Cute kaya ako." she said.

"Sino naman ang nagsabi?" I asked.

"Sabi ng Nanay ko." natatawang sagot nya.

Hay naku, kung alam mo lang, Deanna Wong.

Hindi ka talaga cute, sobrang cute 🥺

--------------------------------------------------

Hello guys, kaway kaway naman dyan.

🖐😊🤗

I'm Yours ( Book 1 )Where stories live. Discover now