Chapter 30

11.2K 301 64
                                    

Jema.

Ayaw ko sanang sumama dyan sa dinner eh kaso yari ako nito kay ma'am Fhen pag di ako sumipot.

Big account kasi ang Smart kaya dapat we keep them special daw.  Eh di ba yun na ang ginagawa ni Deanna dun kay Jho, special treatment.

Buti na lang niyaya din si Bea kaya may ka partner ako kahit papano.  I used my car na rin para makauwi ako agad after dinner.

Nagpa pick up si Bea sakin kaya magkasama kami ngayon sa kotse.

"Bei, thank you dun sa mga regalo kanina ha.", panimula ko pero sumagot na sya agad;

"J,  wala..........

I raised my finger to stop her.

"Don't think na hindi ko yun na-a-appreciate pero di ba nag usap na tayo about dun."

"J,  I don't know what you're talking about.", sabi nya.

"Wait, hindi pako tapos Bei.  Pano ka makaka move on kung more than friends pa rin ang turing mo sakin?,  malungkot na sabi ko pa.

"Jessica Margaret Galanza, listen to me, please.", naiinis na sagot nya.

Bigla akong napatingin sa kanya. First time ata nyang nabwiset sakin ah. May mali ba sa sinabi ko?

"What Bea?  Ikaw pa ang galit sa lagay na yan ha?", inis na rin ako eh.

"Calm down J.  What I'm trying to say and tell you is that I'm not the one who sent those stuff.  There, finally I said it.", she sighed.

Wait, what?  Hindi sya ang nagbigay ng mga yun?  Eh sino?

Napa break akong bigla, magre red light na pala.  Buti mabilis reflexes ko.

Tumingin ako kay Bea.  Umiling iling sya.  Mukha namang sincere at nagsasabi ng totoo.

"Okay, sorry Bei.  Tao lang.  If it's not you, then who?", frustrated na sabi ko.  Nakakahiya naman kay Bea, hindi pala sya ang nagbigay.

"Might be Deanna."

"I doubt it, bakit naman nya ako bibigyan nun?"

"I have a feeling it's Deanna.  She was surprised nung sinabi ni Kris na it's from me.  Saka among us sa office, sya lang siguro gagawa nun dahil may past kayo.  Unless may new admirer ka.  Naks, iba talaga ang ganda mo J."

"And take note, she was wearing yellow too.  Satisfied now?" sabi pa nya.

Bakit hindi ko ata napansin yan kanina haha.  Masyadong busy kasi sa office and alam ko talaga galing kay Bea.

May note na welcome back pala doon. 

Baka kay ma'am Fhen lang galing kasi nagkasakit ako, ganun.  Or from our client.  Sino naman sa kanila?

I started driving again nung green light na. 

May isa pang dahilan kung bakit ako nag offer na sunduin si Bea.  Ito yung tungkol kay Jho na itatanong ko sa kanya.

"By the way Bei, how did you know Jho?  If you don't mind me asking."

She looked at me and cleared her throat.  Napa straight yung upo nya bigla.

"Uy sorry ha, curious lang ako. You don't have to answer it naman."

She stayed quiet lang.  Shit, mukhang sensitive issue si Jho sa kanya ah. 

Sinulyapan ko sya saglit at nakita kong nakayuko lang sya.

She took a deep breath bago nagsalita.

I'm Yours ( Book 1 )Where stories live. Discover now