Chapter 32

11.5K 286 94
                                    


Jema.

Wow, what a tiring day. Andaming nangyari sa araw na ito.

I'm in bed now pero di pa rin ako makatulog sa dami ng iniisip. Nakatingin lang ako sa kisame.

Napangiti ako ng maalala ko si Deanna. She kissed me, I touched my lips. Para ko pang nalalasahan ang labi nya kahit nag toothbrush nako.

Duh, why you act like first time nyo mag kiss? Eh di ba more than kiss na ang nangyari sa inyo?

Tapos sinabihan nya pa akong beautiful.

She told you na that before, nung nasa kalagitnaan kayo ng lovemaking.

Erase, erase, may kontrabida.

She's flirting with you to get into your pants again.

Ay oo nga, nalungkot naman ako. Ganyan din pala sya dati, flirt muna then ako naman na tanga, bumigay na. Then boom, nawala syang bigla.

Pero baka iba na sya ngayon. Humingi pa nga sya ng second chance di ba.

Ano naman kaya ang intention nya sakin this time? Magiging friends pa rin ba kami uli? Dapat siguraduhin kong hindi na ako iiyak dahil sa kanya.

So, I need to control myself around her, baka kasi maulit na naman ang nakaraan. Masasaktan na naman ako. Baka hindi ko na kayanin.

Tama, wag masyadong marupok.

Kung ano ano pa ang naisip ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Friday morning, traffic as usual. Buti maaga akong umalis ng condo kaya hindi ako na late.

Pagdating sa office, nandun si Manang, nakaharap sa table ko. Nakatalikod sya kaya hindi nya ako nakita.

"Good morning Manang. Ano pong meron sa table ko?", bati ko.

"Ay, palakang buntis! Naku andyan na pala kayo ma'am Jema. Good morning din po.", natatarantang sagot nya.

Saka ko pa lang nakita yung bouquet of yellow roses na nasa table ko.

"Aha, ikaw pala ang naglalagay nyan sa table ko Manang. Magtapat po kayo, sino nagpapabigay nyan?, " usisa ko.

"Naku ma'am, hindi po ako. Magpa-polish po ako ng mga table kasi hindi ko natapos kahapon, kaya ako nandito. Nakita ko na lang po yan pagbukas ko ng room. Sorry maam, na curious lang ako kaya tinignan ko pero hindi ko po hinawakan.", paliwanag pa nya. At nagsimula na syang mag spray sa table ni Kris.

"Hay, akala ko pa naman malalaman ko na kung sino nagbibigay nito.", sabi ko at umupo na.

Kinuha ko yung bouquet, at tinignan kung may note sa loob. Meron nga, dinukot ko ito ng biglang natusok ang daliri ko.

"Aray!"

Napatingin si Manang sakin at nakita nya yung hintuturo ko na may dugo.

"Napano kayo ma'am?"

"Natusok ng tinik."

Medyo malalim yung tusok kaya yung dugo walang tigil sa pagtulo. Kumuha muna ako ng tissue at pinunasan ito.

"Teka lang po at kukuha ako ng bulak at alcohol sa medicine cabinet." dali dali syang lumabas ng kuarto.

Pagbukas uli ng pinto, agad kong sinabi;

"Dali Manang, mauubos na dugo ko, anemic pa naman ako."

"What happened to you?"

Ibang boses ata nagsabi nun kaya napalingon ako.

I'm Yours ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon