STACEY POV
Kumakanta kanta pa ako habang naliligo. Hobby ko na talaga yun simula pa nung bata ako. Unang araw ko ngayon sa klase kaya inagahan ko talaga. Bale 3rd year high school na ako ngayon. Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Napatitig naman ako dun. Puting blouse, may nectie, skirt na hanggang tuhod pero may doble naman. Pagkatapos ay pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang tuwalya. Naglagay narin ako ng pulbos at lip gloss. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang bag ko. Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko ang dalawa kong kapatid na nagtatawanan. I'm sure babae na naman yan.
"Good morning kuya Arthur. Good morning kuya Nash." Nakangiti kong bati sa kanila. Parehas naman nilang ginulo yung buhok ko.
"Argh! Kuya!" Sigaw ko kainis talaga tong dalawa na to.
"Naks, dalaga na ang bunso namin ah." Asar sakin ni kuya ni Nash. Tinitigan naman ako ni kuya Arthur.
"Subukan mo lang magpaligaw lagot ka sakin." Banta niya sakin. Hay naku napaka possessive talaga ng dalawa na to. Kung hindi ko lang mahal ang dalawa na to ewan ko nalang. Sumimangot naman ako.
"Ang daya niyo talaga. Kapag kayo okay lang mag girlfriend. Tapos ako bawal." Nagtatampo kong sabi.
"Bakit may napupusuan ka na bang syotain? Ah, si TAIZON Martinez? Naku! Subukan niya lang." Sabi niya sabay subo ng tinapay.
"Ano bang masama sa kanya? Gwapo, matalino, masipag, walang bisyo, masungit nga lang-" hindi pa ako tapos pero sumingit na si kuya Nash.
"At mayabang. Bakit ba patay na patay ka sa lalaking yun?" Sabi niya habang kumakain ng pandesal. Scholar kaming lahat sa isang sikat na paaralan. In short, mahirap lang kami. Si kuya Arthur, nagpapart time sa cooffe shop. Si kuya Nash naman sa palengke ng tita namin nasideline. Napatingin naman ako kay kuya. Ang takaw talaga niya. Napairap nalang ako. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya tumayo na ako at binitbit yung bag ko.
"Hoy! Stacey saan ka pupunta? Hindi kapa kumakain!" Sigaw ni kuya Nash. Pasalamat sila parehas na silang college. Palibhasa halos magkatabi lang ang building ng high school at college. Narinig ko pang pinagalitan ni kuya Arthur si kuya Nash.
"Pinatulan mo pa kasi." Sabi ni kuya Arthur. Dumeretso na ako sa labas at nagsimulang maglakad. Sayang din kasi pamasahe. At dahil hindi ako sanay na hindi kumakain ng almusal ay dumeretso muna ako sa canteen. Bakit parang ang daming tao? Hinayaan ko nalang at pumila na. Napalingon ako nang may kumalabit sakin mula sa likod.
"Hi. Anong order mo?" Nakangiting tanong niya. Tiningnan ko siya at nakita kong nakauniform siya ng kagaya sa staff sa canteen.
"Tapsilog nalang." Sagot ko. Yun lang kasi ang kaya ko. Ngumiti naman siya sakin saka pumasok sa loob ng canteen. Nakita kong nakatingin lahat ng studyante sakin. Nagiwas nalang ako ng tingin. Sanay na ako sa kanila. Habang naghihintay ay nilibang ko muna yung sarili ko sa pagtingin tingin sa paligid. Hanggang sa huminto yung tingin ko sa dulong parte ng canteen. Then, there nakita ko si Taizon Martinez na nakaupo at nagbabasa ng libro. Bakit ba ang sexy parin niyang tingnan kahit nakaupo lang? Nanlaki bigla yung mata ko nang makita kong tumingin siya sakin. Agad akong umayos ng tayo at tumingin sa harap. Napahawak din ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nun. Nagulat pa ako nang may tumawag sakin.
"Stacey. Ito na yung order mo." Nakangiting sabi niya. Pasimple akong huminga ng malalim saka ngumiti sa kanya. Tiningnan ko yung dala niya. Nanlaki yung mata ko. Tapsilog, hot chocolate na may cream sa ibabaw, pancake na may chocolate syrup din sa ibabaw. Tapos ang pinaka huli ay yung isang basong manggo juice. Ang dami! Wala akong pambayad dyan.! Naloko na.
BINABASA MO ANG
ONE CHANCE
RomanceSTACEY GARNETT. mabait, matalino, masayahin, at higit sa lahat malambing sa mga kapatid niyang sila ARTHUR GARNETT at NASH GARNETT. pero meron siyang tinatago na hindi pwedeng malaman ng mga kuya niya. ang pagkabaliw niya kay TAIZON MARTINEZ. TAIZO...