TAIZON POV
Dahil sa sobrang panghihina ng tuhod ko ay napaluhod na ako sa sahig. Kahit anong punas ko sa pisngi ko ay patuloy parin ang tulo ng luha ko. Wala na akong pakialam kung ano man ang itsura ko ngayon. Tangina. Para akong pinapatay sa sakit. Ang sikip sikip ng dibdib ko. Bakit? Ang dami kong gustong itanong. Ihingi ng paliwanag pero mukhang hindi na mangyayari yun.
"Kuya!" Kahit gusto kong lumingon wala na akong lakas. Mabilis siyang lumuhod sa harapan ko.
"K-kuya. Anong nangyari?" Tanong niya sakin. Napapikit naman ako.
"Wala na siya. I-iniwan na niya ako." Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Narinig ko siyang nagbuntung hininga. Umupo siya sa harapan ko. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mukha ko. Tinitigan niya ako nang matapos siya.
"Let's go Kuya. Umuwi na tayo." Mahinahon niyang sabi. Sunod sunod naman akong umiling.
"Hindi ako aalis dito. Paano kung bumalik siya at wala ako? Hindi. Hindi ako aalis." Sabi ko at saka tumingin sa paligid. Hindi niya ako iiwan. Babalik siya. Naniniwala ako dun. Huminga naman ng malalim si Shanely.
"Kuya please. Umuwi na tayo." Sabi niya sabay hawak sa braso ko. Mabilis kong hinawi ang kamay niya.
"Hindi mo ba ako narinig! Hindi ako aalis.!" Sigaw ko. Kinagat niya ang labi niya saka tumingala. Ilang sandali pa ay binalik niya ang tingin sakin.
"Please Kuya. Makinig ka naman sakin kahit ngayon lang." Mahinahon niyang kumbinsi sakin. Hindi ko siya pinansin at nanatiling ilibot ang paningin ko. Nagulat ako nang marahas niya akong hilahin sa kamay para itayo. Sinamaan ko siya ng tingin saka bawi sa kamay ko. Huminga naman siya ng malalim.
"Kuya! Kahit umiyak ka pa dyan hindi na siya babalik! Hindi mo ba nakikita ang ereplano?" Pagkasabi niya nun ay lumipad ang tingin ko sa labas. Dali dali akong tumayo at lumabas kung saan nakikita ko ang pagandar ng eroplano. Tumakbo ako at sinisigaw ang pangalan niya habang natakbo.
"Kuya!" Sigaw ng kapatid ko pero wala akong pakialam. Sumuko lang ako nang tuluyan ng lumipad yun. Nanlambot ang mga tuhod ko. Pasalampak akong bumaksak sa semento. Bakit? May nagawa ba akong mali? Pumikit ako ng mariin para alalahanin kung may nagawa nga ba ako pero mas nangingibabaw yung sakit. Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang luha ko. Naramdamn kong niyakap ako ni Shanely. Umiiyak rin siya.
"Sabihin mo nga sakin. May nagawa ba akong mali? Hindi niya nagustuhan? Sabihin mo naman." Sabi ko habang humihikbi. Umiling naman siya sakin saka humigpit ang yakap sakin. Nagtagal kami ng ganung ayos. Nung una ayoko pa talagang umalis dun. Baka kasi dumating siya at wala ako. Pero napilit niya rin ako sa huli.
Dalawang araw na simula nang umalis siya. Dalawang araw narin akong hindi lumabas ng kwarto at kumakain. Hindi narin ako pumapasok sa school. Para ano pa? Wala naman na siya. Wala na yung babaeng aalayan ko ng diploma. Wala na yung babaeng pinapangarap ko. Wala na yung bumubuhay sa puso ko. Daig ko pa ang namatayan ngayon. Nabalik ako realidad nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tamad kong inangat ang isang paa ko sa silya at yumuko.
"Kuya." Tawag sakin ni Shanely.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko nang hindi nalingon sa kanya. Narinig ko naman siyang huminga ng malalim.
"Hinatid ko na ang pagkain mo." Sabi niya sabay lapag ng tray sa lamesa ko.
"Wala akong ganang kumain." Tamad kong sabi.
"Kuya. Please naman. Dalawang araw ka ng hindi kumakain ng matino. Magkakasakit ka na niyan eh." Nagaalang sabi niya. I sighed saka ko siya nilingon.
BINABASA MO ANG
ONE CHANCE
RomanceSTACEY GARNETT. mabait, matalino, masayahin, at higit sa lahat malambing sa mga kapatid niyang sila ARTHUR GARNETT at NASH GARNETT. pero meron siyang tinatago na hindi pwedeng malaman ng mga kuya niya. ang pagkabaliw niya kay TAIZON MARTINEZ. TAIZO...