CHAPTER 36

817 16 0
                                    

TAIZON POV

Si Strum isa sa mga barkada ko. Nalaman na siguro nila kaya tumatawag na ito. I sighed bago ko sinagot ang tawag.

"Hello." Tamad kong sagot. Narinig ko naman siyang nagbuntung hininga.

"Are you okay? Bro.?" He asked. Napayuko naman ako. Malapit ako sa lahat ng barkada ko. Ganun din sila sakin kaya hindi na ko magtataka kung bakit nagtatanong siya ng ganyan ngayon.

"Im not." Sabi ko saka tumayo at pabaksak na humiga sa kama.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Sorry kung wala kami sa tabi mo. Naging busy kasi kami sa school." Ramdam ko ang guilty sa boses niya. I sighed.

"Its okay." Walang gana kong sabi.

"Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan ka namin." He said. Napailing naman ako.

"No need. Okay lang ako" pero bigo akong sabihin yun ng maayos dahil pumiyok ang boses ko. Napapikit nalang ako.

"Bro. Sabihin mo na sakin nasaan ka?" Pangungulit niya. Malakas akong napabuntung hininga. Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya kung nasaan ako. Nang matapos ang tawag pumikit ako ng mariin. Kahit wala akong ganang kumilos ay tumayo parin ako. Kailangan ko silang asikasuhin.

Nang masigurong walang tao sa hallway ay lumabas na ako ng kwarto ko. Dumeretso ako sa kusina para tingnan kong may natitirang beer pa. Ilalabas ko na sana yun nang makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa pinto ng ref.

"Taizon! What happened?" Sigaw ni Mommy. Naramdaman ko ang kapit niya sa magkabilang balikat ko.

"I-Im fine. Mom." Sabi ko habang sinusubukan kong tumayo ng maayos. Inalalayan naman niya ako.

"Anong pakiramdam mo?" Nagaalalang tanong niya sakin. Ngumiti naman ako ng pilit.

"Okay na po ako. Pahingi nalang po ng tubig." Sabi ko. Marahan naman siyang ngumiti at saka nagsalin ng tubig sa baso. Tinanggap ko naman yun saka uminom.

"Ano ba kasing hinahanap mo?" Tanong niya sakin.

"Darating po sila Strum Naghahanap lang po ako ng makakain." Sagot ko. Bumuntung hininga naman si Mommy. Hinaplos niya ang mukha ko.

"Sana sinabi mo nalang sakin. Anak. Hinayaan kita dahil alam kong kailangan mo yan. Pero hindi ko na kayang panoorin ang nangyayari sayo ngayon. Napapabayaan mo na ng husto ang sarili mo. Taizon. Alalahanin mong narito pa kami. Please, ayusin mo na ang sarili mo." Kita ko ang hirap sa mga mata niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagmumura. Bakit ko ba sila nakalimutan? Pero ramdam ko parin yung sakit. Huminga ako ng malalim.

"Im sorry Mom. Patawarin niyo pa ako. Pangako. Uunti untiin ko." Marahan kong sabi. Tumango tango naman si Mommy.

"Okay. Maupo ka na muna sa sala. Ako na ang bahala. Doon mo nalang sila hintayin." Kumbinsi niya sakin. Ngumiti naman ako saka niyakap siya ng mahigpit.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagtunog ng door bell. Tumayo ako saka binuksan ang gate. Sumalubong sakin ang tatlo kong mga kaibigan. Nakangiti sila sakin. Mabilis na lumapit sakin si jay at inakbayan ako.

"Long time no see bro.!" Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. Hinuli ko naman ang kamay niya at inikot yun papunta sa likod niya.

"Arh!!! Tama na." Sigaw niya. Binitawan ko naman agad yun.

"To naman. Ang sungit." Reklamo ni Joross Natawa nalang ako. Lumapit naman sakin si Rainell. Ngumiti siya saka tinapik ako sa balikat. Si Strum naman ay ganun din ang ginawa.

ONE CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon