CHAPTER 51

845 18 1
                                    

STACEY POV

Nang makapasok siya sa loob ay pinaupo ko siya sa tabi ko. Si Kuya naman nagpaalam na kakausapin lang ang doktor.

"Strum. Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sakin saka ako niyakap ng mahigpit.

"May problema ba?" Taka kong tanong.

"Nagaalala ako ng sobra. Hindi na ako pumasok para makita kita." Sabi niya. Hinaplos ko naman ang likod niya.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun. Okay na ako" sabi ko. Kumalas naman siya yakap namin.

"Kamusta kana? Nagdala ako ng makakain." Sabi niya saka nilagay sa maliit na mesa. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Okay. Salamat." Sabi ko. Ngumiti naman siya sakin saka inayos ang pagkain ko. Nang matapos ay nilagay niya yun sa harap ko.

"Kumain ka ng mabuti." Sabi niya. Habang kumakain ay nakatingin lang siya sakin. Naiilang ako at hindi ko na matagalan yun kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko.

"Hindi ka parin nagbabago. Matakaw ka parin." Nakangisi niyang sabi. Inaasar niya ako. Inirapan ko naman siya.

"Bakit kasi nakakatitig ka sakin? Hindi tuloy ako makakain ng maayos." Nakanguso kong sabi. Tumawa naman siya. Ngumisi lang siya sakin. Hanggang sa nagulat ako sa ginawa niya. H-hinalikan niya ako sa pisngi. Feeling ko sobrang pula ng mukha ko. Hinampas ko siya ng unan.

"Ang bad mo!" Sigaw ko. Ngumiti naman siya.

"Mamimis kita." Sabi niya habang titig na titig sa mukha ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Nagiwas naman siya ng tingin. Bigla namang tumunog ang phone niya.

"Kuya Nash mo." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Hello. Okay." Ano daw? Tapos tumingin naman siya sakin.

"Pwede ka na daw lumabas. Aayusin ko na ang gamit mo." Sabi niya. Tapos nagsimula na siyang ayusin yun. Habang ako tulala parin. Bakit kaya hindi niya ako pinuntahan. Hay! Bakit ba siya ang iniisip ko. Nang matapos na si Strum ay tinawag naman niya ang nurse para tanggalin ang dextrose ko. Sakto namang pasok ni Kuya Nash.

"Ready na ba kayo? Tumawag na ako ng taxi." Sabi ni Kuya.

"Hindi na kailangan dala ko naman ang kotse ko." Sabi ni Strum. Tumango nalang si Kuya saka binuhat ang gamit ko. Inalalayan naman ako ni Strum na makatayo.

"Kaya mo ba?" Tanong niya.

"Oo naman. Hindi naman ako nalumpo." Natatawang sabi ko. Lumabas na kami ng kwarto.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna ng pumasok si Kuya Nash.

"Pasok ka muna." Aya ko kay Strum. Umiling naman siya.

"Magpahinga kana. Sigurado ka bang papasok kana bukas? Baka mapagod kalang." Mahinahon niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya.

"Ayos na ako. Sige na baka gabihin kapa sa daan. Ingat ka ha." Bilin ko. Tumango naman siya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Kahit anong mangyari tandaan mo na mahal na mahal kita." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil nasasaktan ako para sa kanya.

"Strum. Mahalaga ka sakin. Ayokong nakikita kang nasasaktan." Sabi ko. Humigpit naman ang yakap niya sakin.

"Pasok kana. Kita nalang tayo bukas." Sabi niya saka ginulo ang buhok ko. Ang sweet niya noh. Sana makahanap siya ng babaeng mamahalin siya ng sobra. Pumasok na ako sa loob para makapagpahinga.

ONE CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon