CHAPTER 3

1.5K 22 0
                                    

STACEY POV

Nang makapasok kami sa loob ni Shanely ay agad kong nilibot yung tingin ko.

"Exited lang bes?" Tanong sakin  ni Shanely. Napairap naman ako. Kahit kelan talaga ako ang palaging nakikita nito.

"Kaya nga ako nandito diba? Dahil sa kanya." Ngumuso naman siya.

"Hay naku. Nagtataka talaga ako kay kuya eh. Ang tagal mo ng may gusto sa kanya pero hindi niya nahahalata." She said. Ngumiti naman ako.

"Magaling kasi ako magtago. Isa pa hindi naman niya alam na best friend mo ko." Sabi ko sabay libot ulit ng tingin. Nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa dance floor. Napatingin naman ako kung saan kami papunta. Nang makita ko yun napasapo nalang ako sa noo ko. Yung ex lang naman niya ang nakita niya. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray! Ang sakit nun ha." Sigaw niya. Napairap naman ako.

"Alam mo ikaw. Niloko kana nga ganyan ka parin. Hindi kana talaga natuto" sermon ko sa kanya. Sumimangot naman siya.

"Sorry. Halika na nga." Sabi niya sabay hila sakin sa bakanteng mesa. Nang makaupo kami ay agad siyang omorder.

"Ikaw magbabayad?"tanong ko sa kanya. Natawa naman ang bruha.

"Kelan ba hindi?" She said. Napangiti naman ako. Sarap talaga kapag may kaibigan kang mayaman. Nang dumating yung alak namin ay agad siyang nagsalin ng alak.

"Alam mo Stacey, ang hirap palang magmahal ng taong hindi ka mahal. Alam mo yun panakip butas." Malakas akong napabuntung hininga. Ayan na. Hindi pa nga lasing naguumpisa na siyang magdrama. Tumabi nalang ako sa kanya.

"Alam mo hindi naman lahat ng lalaki ganun. Nagkamali ka lang talaga ng pinili." Komento ko sa kanya sabay lagok ng alak. Shit ang pait. Nakakailang inom na kami nang tumunog yung phone ko sa bulsa. Patay! Si kuya Arthur. Pumikit ako nang mariin dahil nahihilo ako. Tumayo muna ako at nagpaalam kay Shanely.

"Cr lang ako. Hintayin mo ko dito." Sabi ko. Tumango lang siya sabay taas ng baso. Naiiling na naglakad na ako papunta sa cr. At dahil maraming tao nahirapan akong hanapin yun. Nang sa wakas nakita ko na yun ay agad akong pumasok sa loob. Nakakarinig pa ako ng ilang bulungan pero hindi ko na pinansin. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay lumabas na ako.

"Miss. Namali ka ata ng pasok ah." Rinig kong sabi ng lalaki. Bakit may lalaki sa cr ng babae? Dinilat ko yung mata ko at may naaninag akong papalapit na lalaki. Haharangin ko sana siya nang may humatak sa braso ko. Pilit ko yung tinatanggal pero sadyang mahigpit. Nang huminto kami ay binitawan niya ang kamay ko. Talagang dinilat ko na yung mata ko.

"T-taizon?" Hindi makapaniwala kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay na parang naiirita.

"What are you doing? Bakit nasa loob ka ng cr ng boys?" Naiiritang tanong niya. Napalunok naman ako.

"H-hindi ko naman alam eh." Kinakabahan kong sabi. Shit. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Nakainom ka. May kasama ka ba?" Tanong niya ulit.

"Ha? Ah, oo." Nauutal na sabi ko. Magsasalita na sana siya nang may sumigaw.

"Taizon! Pare.!" Sigaw nang isang lalaki. Nang makalapit na siya ay napatingin ako sa kanila. Gwapo din siya at matangkad.

"Ang tagal mo naman magcr." Sabi nung lalaki. Tapos napatingin naman sakin yung lalaki. Nanlaki yung mata niya.

"Ikaw?" Sabi niya sabay turo sakin.

ONE CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon