CHAPTER 32

835 20 1
                                    

STACEY POV

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse nang huminto kami ni Kuya Nash. Gabi na pala. Pero kita parin ang natitirang dilaw sa kalangitan. Napatingin ako kay Kuya Nash nang lumabas siya ng kotse. Lalabas narin sana ako pero hinawakan niya ako sa braso. Nagtatakang tiningnan ko naman siya.

"Hindi pa ba tayo lalabas?" Takang tanong ko. Ngumiti naman siya sakin. Tapos may nilabas siyang panyo sa bulsa niya.

"Wag kang atat. Lalagyan na muna kita nito." Sabi niya saka ako piniringan. Kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari? Nang matapos niya akong piringan ay inalalayan niya ako palabas ng kotse. Dahan dahan lang ang ginagawa kong paghakbang dahil baka matisod ako.

"Kuya, matagal pa ba?" Tanong ko. Pinisil naman niya ang kamay ko.

"Wag kang kabahan. Hindi naman kita bibitawan." Sabi niya. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay binitawan ni Kuya Nash ang kamay ko.

"K-kuya?" Tawag ko.

"Relax lang. Siya na muna ang bahala sayo. Happy birthday ulit bunso. Sana maging masaya ka." Sabi niya saka ako iniwan. Mayamaya may humawak ulit sa kamay ko.

"Sino ka?" Kinakabahan kong tanong. Narinig ko siyang tumawa.

"Relax bestfriend." Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung sino na.

"Baka naman gusto mo sabihin sakin kung anong nangyayari?" Sabi ko habang naglalakad kami.

"Sorry pero hindi pwede. Surprise nga eh." Sabi niya.

"Kainis naman." Reklamo ko. Narinig ko ulit siyang tumawa.

"Basta sigurado akong magugustuhan mo to. Isa pa, pinaghandaan niya to." Makahulugang sabi niya. Bigla tuloy akong naexite.

Ilang sandali pa huminto na kami. Kinabahan na naman ako.

"Tataggalin ko na ang piring mo. Sayang naman kung hindi ko makikita ang nasa harapan mo ngayon." Sabi niya. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ilang sandali pa ay wala na akong piring. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang paligid ko. Puro bulaklak. Ibat ibang klase, may mga puno din sa paligid. At lahat yun napapalibutan ng mga ilaw. Nasaan ba ako? Paraiso? Sa ganda ng lugar hindi ko alam kung paano siya idescribe. Hanggang sa may tumabi sakin.

"Bestfriend. Palagi mong tandaan na nandito lang ako parati sa tabi mo. Kahit ano pang maging desisyon mo tatanggapin ko. Pero sana piliin mo ang tama." Nakangiting sabi niya. Hindi ako makangiti. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Nagiwas nalang ako ng tingin. Mayamaya pa humarap siya sakin.

"Stacey, happy birthday. Sana maging masaya ka."sabi niya saka dahan dahang lumayo sakin. Tapos mayamaya may naramdaman akong yumakap sakin mula sa likod. Amoy palang niya alam ko na.

"Kuya Arthur." Tawag ko sa kanya. Naramdaman kong tumango siya.

"Kuya, bakit hindi ka nagsasalita?" Kinakabahan kong tanong. Huminga naman siya ng malalim.

"Simula ng mamatay ang mga magulang natin hindi kana ngumiti. Yung totoong ngiti. Hindi kana nakisalamuha sa ibang tao. Puro si Shanely lang ang kasama mo. Nagsimula akong kabahan. Inisip ko na masyado ka talagang nasaktan sa nangyari. Natakot ako na baka tuluyan mo ng isarado ang puso mo sa iba." Sabi niya. Hindi ko maiwasang mapaiyak. Totoo yun. Halos hindi ako nalabas ng bahay noon. Si Shanely lang ang nanatili ds tabi ko. Gabi gabi din akong lihim na umiiyak. Nasa ganun akong pagiisip nang iharap niya ako sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sakin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

ONE CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon