CHAPTER 24

990 19 0
                                    

STACEY POV

Nakakainis! Bakit ko ba kasi ginawa yun? Nakakahiya.

"Huy!" Napatalon naman ako sa gulat.

"Ano ba?!" Sigaw ko. Nagulat ako dun ah. Kumunot naman ang noo ni Kuya Arthur

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman pala nakikinig." Sermon niya sakin. Kinagat ko naman ang labi ko. Mayamaya ay tumaas ang kilay niya.

"Ano ba kasing iniisip mo?" Nakangisi niyang tanong sakin. Napaiwas naman ako ng tingin pero napalingon din ulit sa kanya nang tumabi siya sakin. Tinitigan niya ako ng mabuti.

"Walang lihiman diba?" Mahina niyang sabi. Napapikit naman ako nang mariin. Wala na akong kawala.

"Kuya. Masama ba akong Kapatid?" Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi. Bakit mo nasabi yan?" Inis niyang sabi. Napayuko naman ako.

"Pakiramdam ko kasi Kuya ang sama ko. Alam kong hindi magandang isisi sa kanya ang lahat. Pero kasi ang sakit. Yung pakiramdam na kinuha na niya ang lahat sayo. Kahit aksidente pa yun. Mahirap Kuya. Pero sinusubukan ko." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Huminga naman siya ng malalim saka ako niyakap ng mahigpit.

"Alam kong hindi madali magpatawad. Pero narealize ko na kahit anong gawin natin hindi mababalik sila mama at papa. Isa pa naisip ko din na kung nandito pa sila hindi din nila magugustahan yun." Seryosong sabi niya sakin habang hinahaplos ang likod ko. Pinunasan ko ang luha ko saka inangat ang ulo ko para makita ko siya.

"Kuya? Sa tingin mo ba mapapatawad pa niya ako." Alanganin kong tanong. Ngumiti naman siya sakin ng nakakaloko.

"Oo naman. Yun lang naman ang hinihintay niya. Ang mapatawad mo siya." Sabi ni Kuya Arthur habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sandali. Kailangan mo ng uminom ng gamot." Sabi niya saka lumayo sakin para ayusin ang gamot na iinumin ko. Ilang sandali pa ay may narinig kaming kumakatok sa pinto. Hanggang sa bumukas na yun. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makita kung sino yun. Kalahati lang kasi ang nakabukas. Hanggang sa magsalita si Kuya Nash.

"Pasok ka." Mukhang kilala ko kung sino ang kausap niya. Wala namang ibang dumadalaw sakin bukod sa mga kapatid ko kundi si Taizon. Yumuko nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Pwede bang ikaw muna ulit ang bahala sa kapatid ko.? May pupuntahan ako. Si Kuya arthur naman pupunta sa isang charity mamaya." Sabi ni Kuya Nash. Ano siya nanaman? Napalingon ako sa kanya. At nang magtama ang mga mata namin ay agad akong nagiwas ng tingin. Nakakahiya. Hindi ko na nakita kong pumayag ba siya basta nakita ko nalang sa gilid ng mata ko na tumayo si Kuya Nash at nakasunod naman si Kuya Arthur. Napasunod naman ako ng tingin. Mayamaya ay lumapit siya sakin.

"Gusto mo bang kumain?" Agad akong nagiwas ng tingin. Shit. Bakit ba kinabahan ako?

"B-busog pa ako." Anak ng! Nautal pa. Kahit alam kong tinititigan niya ako ay hindi ko nalang pinansin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin. Gusto ko sanang sumagot pero parang may nagbabara sa lalamunan ko kaya tumikhim nalang ako.

"Maayos ba ang tulog mo?" Tumingin naman ako sa kanya. Paano ko ba sasabihin to?

"B-akit?" Nautal pa talaga siya. Bahala na nga.

"Saan ka galing kagabi?" Kinakabahan kong tanong. Natigilan naman siya.

"Ah, sa bar?" Bakit hindi siya siguradao?

"Sinong kasama mo?" Tanong ko. Kainis! Hindi ko mapigilan ang magtanong.

ONE CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon