CHAPTER 8

40 2 0
                                    

  ACE POV
"talaga bang si Ivan ang gusto mo at hindi ako..bakit Chanly?..Bakit?..ginawa ko naman ang lahat ah pero bakit ganon ..kaibigan ko pa sya pero bakit sa dinami dami ng nagustuhan mo bakit sya pa?"humahagulgol kong tanong
"Kasi nga sya lang yung mahal ko at hindi ikaw ...hindi mo ba naiintindihan ha Tristan.... boyfriend ko na ang kaibigan mo pero bakit sumusulpot ka mparin para guluhin kami...maganda na ang relasyon namin kaya sana hayaan mo na kaming maging masaya pa"hagulgol din nyang sabi
"mahal mo ..pwes sige ipapaubaya kita sa kanya ..pero ito ang tatandaan mo..Once na iwan ka nya wag na wag kang magkakamaling lumapit sakin at magmakaawang ibalik ang pagmamahal ko sayo kasi...ngayon tinatanggal ko na lahat ng nararamdaman ko sayo ...Malaya ka na Chanly"lumuluha kong sabi at naglakad na paalis ..nang makaliko ako sa kabilang kalye ay sumigaw si derek
"ok cut ..good job guys "sabi nya kaya bumalik na ako sa bench at umupo doon ..agad na lumapit ang PA ko at pinunasan ang mga pawis at luha ko ..bahagya rin nyang inayos ang make up at buhok ko para sa next scene ..
"hi Ace "bati sakin ni Samantha na umupo sa tabi ko at inabutan ako ng isang energy drink
"thanks "pasasalamat ko sa kanya at pasimpleng pinagmasdan ang hindi nakakasawang mukha nya..OO guys Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Samantha pero wala akong lakas ng loob na ilabas yun kasi alam ko namang si Justin ang gusto nya kahit na may mahal na ring iba si Justin
"by the way ..bakit nga ba wala si Justin dito ngayon?"tanong nya
"mm maaga syang umuwi kasi wala na naman syang scene ngayong araw eh "sagot ko at pekeng nakangiti
"oh i see ..halika na .i take na natin ang next scene para naman maaga tayong makapagpahinga "sabi nya kaya tumango ako at inalalayan syang makatayo
"okay guys .next scene natin ay eto"sabi nya at inabot samin ang tig isang papel tsaka nila sinabi kung paano namin gagawin

KEN POV
Tahimik lang ako dito sa isang sulok habang inaasikaso ang mga schedule namin this whole month.
"Kuya Ken anong gusto mong miryenda kasi magpapaorder ako?"tanong ni Allen sakin
"juice and sandwitch is enough"sagot ko na hindi man lang sya nililingon
"Elmark ikaw?"rinig kong tanong ni Allen kay Elmark
"katulad narin ng kanya"sagot naman nya
"mmm..mmmm..mmm..lalalla"rinig ko ng kanta ni Elmark habang naglalaro ng Mobile Legend
"Yung hinihinging tulong ni Kuya Justin ..gagawin ba natin"
napalingon ako kay Allen nang tanungin nya yun..
FLASHBACK
"tulungan nyo akong makumbinsi si Alexis na sumama sa concert natin please"pakiusap ni Justin samin habang umiinom ng juice
"ano ba kasing balak mo ha ?"tanong ko
"wala ..gusto ko lang syang makita dun sa concert"sagot nya kaya tumango ako
"akong bahala dan pero ..makipag cooperate ka "sabi ko
"sige lang ano bang plano mo?"tanong nya
"kapag alam mong pupunta sa mall si Alexis ay makipagdate ka kay Samantha sa parehas na lugar hanggang sa makita kayo niya"sabi ko
"tapos?"
"seketong malupet basta itawag mo nalang kung nakita mo syang nasaktan at umiyak ..then kami nang bahal don ..sigurado akong makaksama sya sa panonood ng concert"
"kailan nyo gagawin ang plano nyo?"tanong nya
"kapag malapit na ang concert kasi hahayaan muna kitang suyuin sya para naman kwits kayong dalawa kaya kung ako sayo lubus lubusin mo nang suyuin sya para naman makabawi ka sa dalawang taong paghihirap nya no"sabi ko at tinalikuran na sya
END OF FLASHBACK

  ALEXIS POV

Tahimik at dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto namin.Nakita ko syang nakahiga sa kama at tulog na tulog.May taklob na kumot ang kalahati nyang katawan samantalang ang kalahati naman ay wala
"Siguro napagod to"bulong ko sya dahan dahang dumaetso sa tapad ng computer set na ginagamit nya
Nakita ko duun ang ibat ibang file nang buksan ko yun pero kiniclick ko lang yung facebook kasi balak kong mag fb .Pagka bukas palang ng fb ko ay tinungo ko agad ang Lix-Ma group na sinalihan ko din para naman magkaroon ako ng update sa kanila no..
Tadtad ng post doon about dito sa asawa ko at dun sa babaeng iyon grabe nakakairita...naagaw ng atensyon ko ang picture nilang dalawa na magkaakbay pero ang isang kamay ni Samantha ay nakayakap na kay Justin..haysst nadurog nanaman ang puso ko
"Siguro nga mas bagay sya kay Justin kesa sakin..."bulong ko habang tinitignan ang picture na yun
"Ay peste bakit namatay"sabi ko habang hinahanap ang dahilan ng pagkamatay noon
"Masyado kang seloso pero mas gusto ko yun... wag kang mag alala dahil di mo na kami makikitang mag wawild scene kasi papakiusapan ko si direk na smack lang para hindi masyadong nakakapersonal at para hindi ka na rin masaktan"rinig kong sabi mula sa kama kaya nilingon ko yun at nakitang nakapikit sya
"Come here "utos nya habang pi apalapit ako gamit ang kamay nang hindi man lang sya namulat ..nagdalawang isip pa ako kung lalapit o hindi pero in the end ay lumapit din ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama..laking gulat ko nang hilahin nya ang kamay ko kaya na pahiga ako sa mga braso nya at naramdaman ko nalang ang mahigpit nyang yakap..Takte naghahabulan nanaman ang mga kabayo sa dibdib ko dahil sa sobrang kilig takte first time kong naramdaman ang yakap nya
"Let me sleep with you"bulong nya sa tenga ko kahit nakatapat ang ulo ko sa dibdib nya

JUSTIN POV

'Tok Tok Tok' nagising ako dahil sa malakas na kalabog ng pinto
"Mm Bakit?" Inaantok ko pang tanong na pasigaw
"Justin bumaba na kayo .. dinner na "sigaw ni Manang Na
"Opo"sigaw ko rin at dahan dahang bumangon pero naramdaman ko ang kamay na nakadantay sa tiyanko kaya napangiti ako
"Alexis gising"yug yog ko ko sa kanya
"Hey wife wake up"ulit ko
"Mmm"ungol nya na mukhang inaantok pa
"Kakain na tayo"sabi ko
"Ayokong kumain ..naubos ko yung cake na pasalubong mo kaya busog ako" ang cute nya grabe
"Ganon ba ?sige baba muna ako ha"
"Mm"tango nya at nagpatuloy uli sa pagtulog

ELMARK POV
Umaga nanaman kaya paggising ko palang ay dumaretso na ako sa cr at naligo ...Pagkatapos ko ay bumaba na ako sa unang palapag ng bahay namin .Naabutan ko si mommy na naghahanda na ng pagkain samantalang si bunso naman ay naglalaro sa hagdan ng laruang binigay ko noong nakaraang araw
"Good morning mom "bati ko at hinalikan sya sa pisngi
"Sus naglambing nanaman ang panganay ko"biro nya kaya tumawa ako
"Bunso come here kain na tayo"tawag ko sa bunso kong kapatid na si Kate na apat na taong gulang na
"Kuya pwede mo ba akong dalhan ng barbie house kasi nalulungkot sina Amy at Denise kasi wala silang tirahan"bahagya akong natawa dahil sa sinabi nya..ganon ba talaga ang mga batang babae talaga bang kailangang may pangalan ang mga laruan nila
"Sige pero mamaya pa yun kasi kailan mo munang kumain ng marami tapos pagdating ko ay may house na sina Amy at Denise "sabi ko at tinap ang ulo nya.Matapos kong kumain ay dumaretso na ako dito sa dorm namin kasi kailangan naming pag usapan ang mga gagawin naming performance sa concert namin
" Darating ba daw si Justin at Ace?"tanong ko kasi kanina pa kami naghihintay dito at mahigit apat na oras na kaming nakatunganga dito
"Hindi ko alam pero sigurado akong inuna muna nila yung series nila ..alam nyo naman yung dalawang yun ..ayaw nasasayang ang oras kasi para sa kanila ..time is gold"sagot ni Ken
"Ano napag usapan nyo nanaman kami?" Sabay sabay laming napalingong tatlo nang marinig ang boses ni Ace
"Nandan na pala kayo ..grabe ang aga nyo ah " biro ni Ken
"Sorry nahirapan kasi kami sa scene eh"sagot ni Justin
"Ano bang scene?" Tanong ko naman
"Kissing scene" sagot naman ni Justin
"Talaga? kaninong scene ?" Tanong naman n Allen biglang nagningning ang mga mata
"Sakin"sagot ni Justin
"At sakin" sagot din ni Ace
"Aba biruin mo nga naman no.. nakadalawa si Samantha"biro ni Ken
"pero mas nahirapan si Justin kahit na smack lang yung kiss"singit uli ni Ace
"kasi nga diba nangako akong hanggat maaari ay iiwasan ko si Samantha tapos bigla nalang nyang mapapanood na mag kikiss kami ..."sagot naman ni Justin
"tama ka tol ..para naman makabawi ka kay Alexis ..maging loyal ka naman kahit minsan"singit uli ni Ace
"pero okay lang naman siguro kay Alexis yun kasi trabaho yun eh "sagot naman nitong si Ken
"pero ayoko ng ganon ..ayokong naririnig o nakikita ko syang umiiyak uli ng dahil sakin...isa pa second chance ko na nga to tapos sasayangin ko pa diba"
"thats our boy"sabay sabay naming sabi na apat habang mahina naming sinusuntok ang dibdib ni Justin
"sa wakas natauhan narin si Justin"sigaw ni Ken  

Find The Only OneWhere stories live. Discover now