CHAPTER 58

30 1 0
                                    

  KINABUKASAN ay nagising ako na wala na sya sa tabi ko.Sumandal lang ako sa headboar ng kama tsaka pumikut uli..Gusto ko pang matulog.Nakapikit lang ako ng ilang oras.Nilalamon na ako nang antok nang may dumampi sa aking pisngi...Iminulat ko ang isa kong mata ay nakita ko si Justin na nasa nasa tabi ko.Muli kong ipinikit ang mata ko syaka umayosng upo..Inaantok talaga ako
"Wife....maligo ka na"sabi nya at niyakap ako.
"Saan tayo pupunta?"tanong ko habang nakapikit
"Wala lang..dito lang tayo sa bahay.pinaliligo kita kasi baka magkaroon tayo nang lakad..para handa diba...Gising na kumain ka na ng agahan.Nagpaluto ako sa kusinera namin." Sabi nya
Nakapikit lang ako kasi talagang inaantok pa ako.
"Huy wife.....dali na kumain ka na."pangungulit nya kaya tumango ako at bumangon na.Nagdaredaretso ako sa cr tsaka naligo
"Wife may damit ka bang dala dan?" Tanong nya kaya napahampas ako sa noo ko
"Wala eh"sabi ko habang nahihiya
"Wait lang"sabi nya at narinig ko ang hakbang na palayo sa cr.Bumukas ang pinto kaya natakot ako.peste wala akong suot na kahit ako ngayon.Pero imbis na ulo nya ang dumungaw ay kamay lang nya na may hawak na mga damit ko.Agad ko yung kinuha tsaka isinarado ang pinto
'Salamat"nahihiyang sabi ko
"Sa susunod kasi ay siguraduhin mo munang may damit kang susuutin bago maligo.Paano nalang kung hindi ako ang nandito tapos kapag inabot sayo ang damit mo ay sumilip pa dan sa pinto.Edi nakita na ang buong katawan mo?Naku wife talagang makakapatay ako kapag nangyari yun."sabi nya
"Sorry"
"Sige na dalian mo dan para makakain na tayo"sabibnya at narinig ko ang pagsada ng pinto ng kwarto

KEN POV
Tahimik lang kaming apat na nakatunganga dito sa loob ng dorm namin.Kakatapos lang ng practice namin.
"Hay may pag asa pa kayang mabuo ang mabuo ang grupo natin"sabi ni Allen kaya napatingin kami sa kanya
"Iniisip ko palang na habang buhay na tayong watak watak ay nalulungkot na ako paano nalang kapag nangyari na"dugtong nya
"Maghintay lang tayo na lumamig ang ulo nya.Magtiwala tayo kay Alexis.Sya nalang ang pag asa natin at sigurado akong hindi nya tayo bibiguin."sabi ko
"Sana nga...halos hindi ako nakakatulog noong umalis na sya sa showbiz..nag aalala na ako sa kanya"sabi naman ni Elmark
"Ay oo nga pala Ken...nasaan na si Mitsuko?"tanong ni Ace...
"Hinatid ko kanina sa airport.Hindi sya pwedeng magtagal dito kasi may career syang kailangang asikasuhin"sagot ko
"Ganon ba..sayang naman gusto ko pa naman syang makasama"sabi ni Elmark kaya nag init ang ulo ko
"Ayusin mo yang buhay mo kung ayaw mong masira pa lalo ang banda natin"banta ko kaya natawa sila ..mga bwiset na toh
"Oo nga pala Ace kamusta na si Samantha?" Baling ni Allen kasy Ace
"Ayun hindi parin makarecover.sinisisi nya yung sarili nya kung bakit nawala yung baby nila Justin.....sinasabi nyang pinatay nya yung anak nila Justin"sagot naman ni Ace
"Ganon talaga ang babae pare.Lalo nat sya ang dahilan kaya nagalit ang fans nila"sagot ko
"Naawa na nga ako eh ......lagi syang lutang kapag kausap ko..Sabi ng kapatid nya ay hindi nadaw nalabas ng kwarto simula nung nangyari yung insidenteng iyon....Tol hindi nga ako makapangligaw eh"sabi ni Ace kaya natawa kami
"Tol gustuhin ko man syang ligawan agad ay hindi pwede...kasi may pinagdadaanan yung tao eh"dag dag nya
"Bilib din ako sayo tol..biruin mongnagustuhan mo ang babaeng ubod ng sama"sabi ni Elmark
"Hindi sya masama...talagang mahal lang nya si Justin kaya ganon.Hindi naman sya mahirap mahalin eh lalo nat ngayoy nag sisisi na sya sa nagawa nya....kaya naman hanggat makakaya ko ay gagabayan ko sya para hindi sya matulad kaya Justin na muntik nang magbago ng pagkatao.Ayokong kamuhian nya ang buong mundo katulad ng ginawa ni Justin"sabi nya
"Talagang si Alexis nalang ang pag asa natin para hindi magbago si Justin.. ....kaya hanggat maaari ay tulungan natin sila"sabi ko at tumango naman sila.
ALEXIS POV
Dumaan ang isang linggo ang dumaan at talaga namang inenjoy lang namin ang dumaan na mga araw.Nakikita ko na syang tumatawa ng totoo.
"Wife..nakuha mo na ba yung gamit mo?Mamaya maya nalang ay nandito na yung sundo natin para makapunta dun sa lugar na pupuntahan natin"sabi niya habang binobotones ang polo nya.
"oo nasa baba na"sagot ko tsaka lumapit sa kanya para tulungn syang magsuot ng polo nya.
"next week ay uuwi na tayo kaya dapat ay ienjoy natin nag mga araw ok...ayoko na ngang umuwi satin eh"sabi nya
"mas gusto ko dun sa tootoo lang..Justin kalimutan mo na yung nagyari pakiusap....gusto kong mag simula uli nang panibagong buhay kasama ka kaya sana ay kalimutan na natin yung nagyari..."sabi ko at nakita ko syang ngumiti
"sige gagawin ko yang gusto mo para sa ating dalawa pero wag mo sanang asahang mababalik yung dati kong gawain lalo nat may kinalaman sa showbiz...hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik sa showbiz...hindi naman ako bulag at tanga kung sasabihin kong hindi ako naaawa sa mga fans ko na nagpapakahirap na pabalikin ako sa showbiz.kahit papaano namn ay naging parte din sila mng buhay ko pero kasi talagang nahihirapan ako kapag nakikita ko sila.....alam ko rin namang hindi lahat ng fans ko ay may kasalanan pero kasi pakiramdam ko ay lahat sila ay kasama sa nangyari sakin .....nagagalit ako pero gusto kong pakalamahin ang sarili ko kasi masyadong dalikado kapag nagalit ako...kaya naman ma ginusto kong umalis sa showbiz kasi sa ganong paraan ay makakkawala na ako sa kamay ng fans ko"sabi nya kaya nalungkot ako pero niyakap ko lang sya at naramdaman ko rin ang kamay nya sa likod ko
"sorry wife....alam kong gumagawa ka nang paraan para mapabalik ako sa showbiz kaya sorry kasi babbalik lang ako sa showbiz kapag nagkababy na tayo"sabi nya kaya natigilan ako....ano daw?sinasabi ba nyang gusto na nyang magkababy?  

Find The Only OneWhere stories live. Discover now