CHAPTER 51

34 1 0
                                    

KEN POV
"Best actor of the year is.Mr.Justin Felix Moan"aabi ng mc kaya nagpalakpakan ang mga artista at bisita doon
"Mr.Justin pwede ka nang pumunta dito sa stage"pagratawag uli ng mc kay Justin...nang mapagtanto nilang wala si Justin ay lumingon sila samin apat kaya umiling kami at nagsenyas na wala pa at mabilis naman nilang nagets iyon
"Dahil sa natraffic ngayon si Mr.Justin ay ipagpaliban muna natin...lets watch the special performance of Grace..."pag iiba ng topic nung mc...nagpalakpakan naman at nagsigawan doon ang mga fans kaya pumalakpak narin kami.Nang matapos nang magperform ng Grace ay muling nagpalakpakan ang mga tao pero kaming apat ay hindi mapakali kasi nagtext si Justin na malapit nadaw sya..
"Thank you for the wonderful performance.Grace"sabi ng mc kaya nagpalakpakan kami....biglang naghiyawan ang mga fans nang mula sa backstage ay lumabas si Justin na walang emosyong naglalakad papunta sa mikropono...Natahimik ang fans ng itaas nya ang kaliwa nyang kamay tanda ng katahimikan
"Unang una sa lahat ay hindi ako pumunta dito para kunin ang mga award na yan"panimula nya kaya tumayo kaming apat para puntahan sya pero
"Dan lang kayo"pigil nya samin kaya kahit labag sa loob namin ay umupo kami
"Ano kayang pakiramdam ng may tumatawag sayong daddy?ano sa tingin nyo?" Tanong nya.Nilingon ko ang mga artistang nandoroon..Halos lahat sila ay naiiyak
"Magkukuwento na ako about dun sa babaeng kasama ko sa picture...actually nasabi ko na yun last interview ko...Sya si Alexis..na asawa ko..Tama kayo ASAWA KO SYA.Halos lahat ng kaibigan kong artista ay alam na ang tungkol sa kanya at nagpapasalamat naman ako kasi napagkakatiwalaan ko sila"natigil sya saglit sa pagsasalita tsaka tinignan ang mga artistang tahimik na nakaupo dito sa VIP seat
"2 years na simula ng ikasal kami pero dalawang taon ko syang binalewala..pero hindi naman ako tanga na hindi malamang nasasaktan na sya..Tiniis nya ako sa loob ng dalawang taon..halos araw araw syang nagkakasakit pero hindi ko sya magawang lapitan kapag gising sya..sa gabi ko lang napagmamasdan ang mukha nya...Ang ganda nya promise at ang swerte ko dahil syaang naging asawa ko.."sabi nya at bahagyang yumuko..Nang makita naming apat na umiiyak na sya ay tumakbo na kami papunta sa stage....agad syang inalalayan ni Allen sa bewang tapos hawak naman ni Elmark ang isa nyang kamay tapos kaming dalawa ni Ace ay nasa likod lang nya
"Namatay yung kapatid ko nang wala ako sa tabi nya...Sobrang lungkot ko non as in sobra talaga pero sya lang yung naging sandalan ko.Halos araw araw akong naiyak non at sya ay araw araw ring nasa tabi ko at dinadamayan ako.....Tapos isang gabi..nung valentines day ay magandang balita ang sinabi nya sakin"aabi nya at ngumiti
"Buntis sya....halos mamatay ako sa tuwa non...Araw araw umuuwi ako na may dalang gamit ng baby namin..isang panlalaki at isang pambabae.Kasi iniisip kong kambal yung magiging anak namin.Kapag umuuwi ako galing sa trabaho tapos ay pagod na pagod,halikan ko lang ang tiyan nya at sya wala na ang pagod ko"pagpapatuloy nya...nang lingunin ko ang mga artista ay umiiyak na
"Actually kumpleto na ang gamit nya..Meron na syang damit,sapatos,gatas,kwarto,at kung ano ano pa na pwede nyang magamit.Sya nalang yata ang kulang?"sabi nya
"Pero bakit ganon? Sinabi ko na sa inyo diba na buntis ang asawa ko...pero bakit nyo sya ginanon?"naiiyak yang sabi kaya hinagod ko ang likod nya
"Hindi pa man sya lumalabas,hindi ko pa man sya nahahawakan at nakikita pero balik pinagkaitan nyoakong makita sya?Ganon na ba ako kasamá para gawin nyo sakin yun ha"hagulgol nyang sabi
"Ano bang ginawa naming masama sa inyo ha?bakit ayaw nyo kaming maging masaya?"sabi nya
"Justin"sabay sabay kaming lumingon sa gilid namin at nakita namin si Samantha na umiiyak habang naglalakad papalapit samin
"Tumahimik ka"sigaw ni Justin sa kanya
"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito...kung hindi mo lang sana ipinagkalat yung picture,kung hindi ka lang sana humingi ng tulong sa Lix Ma at kung hindi mo lang sana pinakaelaman ang buhay namin...EDI SANA BUHAY PA YUNG ANAK KO"sigaw nya kaya natigilan si Samantha sa paglalakad at unti unting humagulgol
"Hindi mo ba alam na hanggang ngayon ay hindi pa nagising ang asawa ko ha"dugtong ni Justin kaya napatingin si Samantha sa kanya
"Hinding hindi kita mapapatawad Samantha.Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo sakin ha.Nandan si Ace oh..mahal na mahal ka nya.pero anong ginawa mo? Mas pinili mong dedmahin sya at pakielaman ang buhay ko...subukan mo lang lumapit sa asawa ko at talagang magkakamatayan tayo"sabi nya ...Tinignan ko sa mata si Ace at madali naman nyang nagets ang ibig kong sabihin..lumapit sya kay Samantha at inalalayan itong makababa ng stage at umupo sa upuan nito...bumalik si Ace sa stage at tumayo muli sa tabi ko
"Sa pagkakaalam ko ay walang dimonyo sa fans ko.baka sa Lix Ma meron..sorrykung nakakapagsalitana ako ng bad word hindi ko lang talaga mapigilan"sabi nya habang nakangisi at umiiyak
"Ting ting ting ting"napalingon kami sa bulsa nya kasi tumunog ang phone nya...kinuha nya yung at sinagot ang tawag
"Sige papunta na ako"sagot nya at ibinulsa muli ang phone
"Ngayon sa gabing ito at stage na ito.Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sakin..Sa lahat ng artistang kaibiga at nakatrabaho ko at sa manager ko.Maraming maraming salamat sa inyo sa loob ng pitong taon ay napasaya nyo ako pero ayokong kontrolin nyo ang buhay ko.Sa mga kapatid ko,Ken Ace Allen at Elmark.Maraming salamat sa inyo kasi nandan kayo sa twing kailangan ko ng tulong."sabi nya kaya napatungo kaming apat at bahagyang naluha...itong tagpo ang pinakaayaw namin sa lahat.Ang mag left sa group
"Ito narin siguro ang huling tapak ko sa stage bilang Justin Felix Moan ng showbiz artist"sabi nya kaya nagsigawan ang mga tao na nagpipigil sa kanya
"Sinabi ko na sa inyo na kapag nasaktan ang asawa ko ay aalis na ako.Kasi mas gugustuhin kong makasama sya kesa magpatuloy sa showbiz habang nasasaktan sya...Ngayong gabing toh-"putol nya at bumuntong hininga
"Aalis na ako sa showbiz...paalam"sabi nya at naglakad na paalis
"Justin"tawag namin sa kanya pero itinaas lang nya ang kaliwa nyang kamay at nagsign ng ok...Nilingon ko ang mga tao doon at laking gulat ko nang makutang pati artista ay nakatayo at umiiyak..

  JUSTIN POV
Nang makarating ako sa ospital ay.nagtungo agad ako sa kwarto ni Alexis...pagbukas ko palang ng pinto ay laking gulat ko nang makita ko syang umiiyak habang katabi yung kuya nya...Iginala ko ang tingin ko at nakita ko ang magulang nya
"Wife"tawag ko sa kanya kaya lumingon sya sakin
"Justin'sabi nya at lalong umiyak.Dali dali akong naglakad papalapit sakanya at niyakap sya.Nakatingi lang sakin ang kuya nya at ang magulang nya
"Justin si Baby...wala na si Baby"sabi nya at humagulgol sa dibdib ko...yumuko lang ako at umiyak narin
"Justin"humiwalay ako sa pagyakap sa kanya at tinignan ang mommy nya
"Mommy"sagot ko
"Nabalitaan namin ang nangyari kaya kami umuwi kami dito.."sabi nya kaya tumango ako
"Babalik din kami sa France kasama si Alexis'sabi nya kaya napatingin ako kay Alexis
"Pero'
"Ibabalik na namin ang share nyo sa company namin..ok lang na bumagsak yun wag lang masaktan ang anak namin"sabi nya kaya umiling iling ako habang naiyak
"Hindi..hindi ayoko.wife wag mo kong iwan pls"sabi ko at humagulgol ng iyak habang nakayakap sa kanya
"Mas makabubuti sa kanya kung nasa poder namin sya"dugtong nung daddy nya
"Hindi ayoko.....wag nyong gawin sakin toh please...wife wag mo kong iwan ..kailangan kita pls wag mo kong iwan"hagulgol kong sabi at nagmamakaawang hinawakan ang kamay nya
"Justin hanggat artista ka ay laging nasa peligro ang buhay ng anak namin"
"Hindi..umalis na ako sa showbiz....wife wag mo kong iwan pls wag kang sumama sa kanya"pagmamakaaw ko habang nakayakap sa kanya...itinulay nya ako at hinawakan ang pisngi ko
"Anong sabi mo?umalis ka sa showbiz?" Tanong nya habang pinupunasan ang luha ko..tumango lang ako at niyakap uli sya
"Wife..kailangan kita ngayon...hindi ko kayang mabuhay ng wala ka...please wag kang umalis...Mommy daddy wag nyo syang ilayo nagmamakaawa ako sa inyo"sabi ko tapo bumaling ang tingin ko dun sa kuya nya
"Tol pakiusap tulungan mo kong kumbinsihin silang wag ilayo sakin si Alexis"sabi ko at humagulgol ng iyak
"Gusto ko nang umuwi...hinihintay na ako ng girlfriend ko.Mommy Daddy umuwi na tayo...sa tingin koy mas makabubuti kung iwan natin si Alexis."humihikbing tumingin ako sa kuya nya habang nakatayo ito
"Pero anak"sabi ni mommy sa kuya ni Alexis
"Kung isasama natin si Alexis.ano nalang sa tingin nyo ang mararamdaman nya?Mahirap mahiwalay sa taong mahal nya at alam nyo yan mommy.Kailangan nila ang isat isa ngayon lalo nat kawawala pa lamang ng anak nila..Hayaan natin silang bumuo muli ng pamilya.Hindi magandang pakinggan kung ang sarili nilang pamilya ay tutol at hahadlang sa pagmamahalan nila"sabi nya kaya napangiti ako habang naiyak....
"Salamat tol"sabi ko
"Sige.....hahayaan ko kayong magsama pero kapag nangyari pa uli ito sinasabi ko sayO Justin....Mawawala sya ng tuluyan sayo"sabi ni daddy
"Salamat po ......pangako at aalagaan ko sya"sabi ko....lumabas sila sa kwarto kaya duun ako humagulgol ng humagulgol ng iyak sa balikat nya...
ALEXIS POV
Tulog si Justin sa sofa dito sa loob ng kwarto ko.May mga aparatong nakasaksak sa mg daliri ko at kung saan saan pa.Dahan dahan akong tumayo at pinagmasdan ang mukha nya....Nadurog ang puso ko nang malaman kong wala na ang baby namin pero sya ay parang nawala ang ilang piraso ng durog nyang puso dahil sa pagkawala ng anak namin....Minasdan ko ang mukha nya at hinawakan ang pisngi nya.Nagmulat sya at mabilis na umupo..Iginala nya ang paningin nya sa kwarto.Napayuko nalang sya at nakita kong yumugyog ang balikat nya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya...
"Wife wala na si baby"sabi nya habang nakayakap sakin....
"Masaya na si Baby kasama yung kapatid mo..sure ako na sya na ang nag aalaga kay baby kasi ayaw nyang nakikitang umiiyak ka..tignan mo ko nagpapakatatag ako para magpatuloy sa buhay kaya dapat ay gayahin mo ko"sabi ko kaya timingin sya sakin
"Wife....ang sakit sakit...parang bumalik ang sakit nang mawala ang kapatid ko at dumagdag iyon sa sakit ng pagkawala ni baby"hagulgol nyang sabi...tutulo na ang luha ko pero pinigilan ko..kailangan kong maging matatag at ipakita sa kanya na kailangan naming maging masaya at magpatuloy sa buhay.
"Gusto ko nang umuwi...pwede na ba tayong umuwi"pagababago ko ng tanong
JUSTIN POV
Pinayagan na syang umuwi ng bahay kaya umuwi na kami.
"Matulog ka na..."sabi ko at hinalikan sya sa noo..
"Saan ka pupunta?" Tanong nya habang nakahiga sya sa kama
"Dan lang ..may titignan lang ako ha"sabi ko at tumango sya...hindj ako umalis hanggang hindi sya pumipikit..Nang marinig ko ang mahina nyang paghilik ay lumabas ako ng kwarto at dumaretso sa kabilang kwarto.Pagbukas ko palang ng pinto ay napaluha na ako ..Lalo na nang pumasok ako...Dumaretso ako sa kama at pinagmasdan ang mga gamit na nandoroon...Tumayo ako at isa isang hinawakan ang mga damit,sapatos at gamit na may kinalaman sa baby namin.....Naglalakad ako habang humahagulgol nang may maramdaman akong yakap mula sa likod ko
"Tama na.....tanggapin nalang natin na nasa kamay na sya ng Dyos...Sya na ang mag aalaga kay baby
"Bakit...hindi ba ako pwedeng mag alaga sa kanya?? Magiging mabuting ama naman ako eh"sabi ko at humagulgol..Iniikot nya ako at niyakap ako ng mahigpit kaya niyakap ko din sya at doon umiyakng umiyak sa balikat niya
"May dahilan sya kaya nya ginawa yun....isa lang itong pagsubok na kailangan nating kaharapin kaya dapat ay lampasan natin ang pagsubok na yun ok"sabi nya kaya tumago ako...  

Find The Only OneWhere stories live. Discover now