CHAPTER 46

27 0 0
                                    

  JUSTIN POV
May mga kotse na nakapark sa garahe namin.Siguro ay nandito parin yung apat...Dalidali akong tumakbo papunta sa kwarto habang naluha....Pagbukas ng pinto ay nakita ko syang umiiyak habang nakatayo at pinapakalma ni Allen....
"Wife"tawag ko at niyakap sya
"Justin si baby"hagulgol nyang sabi kaya kinalma ko ang sarili ko para hindi maiyak pero sa huli ay nabigo ako.Nagtuloy tuloy ang agos nang luha ko habang nakayakap sa kanya..naramdaman ko ang pagkalas nya sakin at bahagyang lumayo...
"Justin..sorry"hagulgol nyang sabi
"Wife"tawag ko sa kanya at bahagyang lumapit pero umatras sya
"Maghiwalay na tayo"nanindig ang balahibo ko nang marinig ko yun mula sa kanya..pero bakit
"Anong sabi mo?" Tanong ko at humagulgol narin
"Kasalanan ko kung bakit nawala yung baby natin.Sorry pero hindi ko kayang manirahan sa bahay mo hanggat may bakas parin ng kasalanan ko....hindi ko mapatawad ang sarili ko Justin"sabi nya
"Wife hindi mo kasalanan....pls wag naman ganto oh..bawiin mo yung sinabi mo"pagmamakaawa ko sa kanya at unti unting lumapit pero humahakbang sya palayo sakin
"Justin iba nalang ang mahalin mo pakiusap ..ayoko na..maghiwalay na tayo nakikiusap ako sayo ngayon"sabi nya at humakbang nanaman palayo sakin
"wife wag naman ganto oh...maawa ka naman sakin pakiusap ...pag usapan natin toh"sabi ko at pilit na kinukuha ang kamay nya pero inilalayo nya
"Justin sorry pero isa lang ang masasabi ko ngayon..."inabangan ko ang sasabihin nya at nagulat nalang ako nang mula sa mga kurtina at pinto ay lumabas ang mga kaibigan ko at may dalang cake at kung ano ano pa
"Happy Birthday"sigaw nila kaya natulala ako
"Happy birthday "bati ni Alexis sakin kaya tumulo ang luha ko....Sa huli napagtanto kong palabas lang ang lahat..Humagulgol narin ako at unti unting hinigit ang kamay nya tsaka sya niyakap ng mahigpit...Duun ako himagulgol ng iyak sa balikat nya
"Wife naman eh"hagulgol kong sabi
"The prank was successful"sigaw ng mga nasa paligid ko
"Natakot talaga ako wife pano nalang kung mawala talaga satin si baby..natatakot ako wife"sabi ko at humagulgol ng iyak..
"Sorry na.....happy birthday"sabi nya kay kumalas ako ng yakap at pinunasan ang luha ko
"Tekte bakit nyo vinivideo?" Pagalit kong sabi at balak sanang takpan ang camera pero hinawakan ni Alexis ang kamay ko
"Hayaan mo na...blow mo na yung apoy ng candle."sabi nya kaya napatingin ako sa mga cake na hawak ng mga kaibigan ko
"Buti pa kayo naalala ang kaarawan ko...ako kasi hindi ko na naaalala eh"natrtawa kong sabi
"Wag kasi puro trabaho ang iniisip yan tuloy pati sariling birthday nakakalimutan"natatawang sabi ni Mark isa sa mga kaibigan ko
"Hahah oo nga eh.."sabi ko ay muling pinunasan ang luha ko
"Salamat sa inyo guys...salamat dahil kahit papaano ay naalala nyoko"sabi ko
"Wag kami ang pasalamatan mo...yang asawa mo na best actress of the year..grabe ang galing nyang umarte"natatawang sabi naman ni Richard
"Mag wish ka na then blow mo na yan"sabi nila kaya ngumiti ako at hinigpitan ang kapit sa kamay ng asawa ko bago ako pumikit at humiling...Matapos kong hipan yung apoy na nasa kandila ay nagmulat ako.Mga nakangiti nilang mukha ang nakita ko kaya ngumiti ako...
"Whoooo....kainan na"sigawan nila kaya natawa ako ..minsan talaga hindi mo magpagkakamalang artista tong mga toh eh dahil sa mga kaabnormalan nila eh...
"Guys guys dun tayo sa baba...."pagyaya ni Ken sa iba pero alam ko kung anong dahilan
"Thanks bro'sabi ko at tinapik ang balikat nya
"Wala yun..sige na dun muna kami sa baba..ay oo nga pala may pasalubong na wine si Richard galing sa France..iinomin na namin kung gusto mong sumama ay wag mo nang isama yung asawa mo baka makasama sa kanya..balita ko kasi ay matapang yung amoy ng alak"sabi nya kaya tumango nalang ako..nang makalabas na silang lahat ay hinarap ko si Alexis.Nakangiti kong kinuha ang isa nyang kamay at hinigpitan ang hawak doon
"Thanks you"panimula ko
"Thank you for the prank that give me a nervous reaction"sabi ko kaya natawa sya
"Seyoso natakot talaga ako kanina at muntik na akong mabangga sa pagmamaneho dahil wala na akong makita kasi natatakluban na ng luha ang mata ko..Halos hindi ako makapag isip ng ayos kanina.Pero salamat kasi kahit papaano ay inaisip nyo yun para lang isurprise ako.....Thank you kasi its only a joke dahil hindi ko talaga kakayanin kapag nagkatotoo yun."sabi ko at muli nanamang tumulo ang luha sa mga pisngi ko
"Wag ka nang umiyak kasi hindi mangyayari yun ha"sabi nya st pinunasan ang luha ko gamit ang kamay nya.
"Mahal na mahal kita..thank you kasi napakahard working mo para lang umayos yung buhay natin ganon narin ng mga magiging anak natin..Mahal na mahal kita lagi mo yang tatandaan ha"sabi nya at dinampian ng halik ang labi ko
"Mahal na mahal kita wife"sabi ko at hinalikan din sya pabalik.Nakahawak lang ako sa bewang nya habang palalim ng palalim ang halik na pinagsasaluhan namin.Niyakap ko sya nang maghiwalay ang mga labi namin tsaka ko sya hinalik halikan sa noo habang ang isa kong kamay ay nakalagay sa tiyan nya...Nagpapasalamat ako kasi nagkaroon ako ng asawang katulad nya .Nagpapasalamat din ako sa Panginoon kasi hindi totoo yung kanina kasi talagang manghihina ako kapag nangyari yun.
"Mahal na mahal ko kayo ni Baby"bulong ko  

Find The Only OneWhere stories live. Discover now