CHAPTER 50

31 0 0
                                    

  JUSTIN POV
"Justin"tawag nila nang makapasok sila sa loob ....
"Ayoko na .....aalis na ako "sabi ko tsaka sila hinarap...pinunasan ko ang mata ko tsaka ko sila tinignan sa mata isa isa
"Pero Justin..paano ang awarding?"sabi ni Ace
"Pupunta ako"aabi ko tsaka ko tinignan si Alexis
"Para magpaalam"dugtong ko...narinig ko ang sunod sunod na buntong hininga nila kaya napatingin ako sa kanila
"Sige..nirerespeto namin ang desisyon mo..."sabi ni Ken...bumalik ako kay Alexis tsaka ko sya tinignan sa mukha..hinawakan ko rin ang kamay nya at hinalikhalikan ito
"Wife..gumising ka na pls para naman may maiyakan ako ngayon ..kailangan kita wife...kailangan kita ngayon"sabi ko at humagulgol ng iyak...naramdaman ko nalang ang kamay ni Allen na humahagod sa likod ko..
DUMAAN ang mga oras at maghahating gabi na..Hindi pa ako nakain kasi wala akong nararamdaman ngayon kundi ang lungkot at pangungulila..sana panaginip nalang lahat toh
"Justin kumain ka muna oh...hindi ka pa nakain simula kanina"sabi niAllen at inabutan ako ng tinapay na binili nila kanina sa mall
"Hindi ako gutom"sagot ko lang kaya dahan dahan nya yung ibinaba at ibinulsa
"Justin...kailangan mong kumain kasi kung hindi ka kakain ay baka sumunod ka sa anak mo"sabi nya
"Sana nga"sabi ko
"Tapos ano iiwan mo nalang yang asawa mo...naealan na nga sya ng anak tapos iiwanmo pa sya..Justin.kailangan mong magpalakas at makarecover para kay Alexis"sabi nya kaya tumingin ako sa kanya at dahan dahang tumango...ngumiti sya at iniabot sakin ang tinapay kaya tinanggap ko yun at kinain.....Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko ang balita na nasa tv ngayon dito sa loob
"Pinagkaguluhan sa social media ang video na ito kung saan ay makikita si Alexis na sinasabing asawa daw ng artistang si Justin Felix Moan.Makikita sa video kung paano ginulpi ng mga Lix Ma ang babae.Marami ang marami ang natuwa pero mas marami ang nagalit dahil sa videong ito"agad kong pinatay ang tv
"Mga walang hiya sila...at nagawa pa talaga nilang videohan yun..mga demonyo sila"sigaw ko kaya dali dali akong linakalma ni Allen.Sya nalang kasi ang natira dito kasi yung tatlo ay pinatawag ni Manager para sa gagawing solo performance nila bukas ng gabi..
..
..
Kinabukasan ay ganon parin ang nangyari...nandito lang ako sa ospital at hinihintay na magising si Alexis.Hindi pa kasi sya nagigising buhat ng nangyari sa kanya kahapon....tulala lang din ako at hindi makausap ng matino...nakakailang balik dito yung apat ganon narin si Manager pero hindi ko sila pinapansin...Hindi pa ako naliligo at kumakain ..minsan para na akong baliw na hahaplusin ang tiyan ni Alexis tapos ay biglang ttawa...may time naman na hahagulgolnalang ako nag iyak habang nakahawak sa mukha niya....ang sakit sakit sa pakiramdam na hindi ko na maramdaman ang bata na nasa loob ng tiyan nya...napapahagulgol nalang ako kapag naaalala kong wala na nga pala si baby..Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas singko na ng hapon...nagsisimula na sigurado ang awarding na yun...Agad kong tinawagan si Albert kasi nasabi ko na sa kanya na sya muna ang magbabantay kay Alexis ngayong gabi.Dumalaw kasi sya dito kanina.
"Hello"pangunguna ko
"HeloJustin"sagot nya
"Aalis na ako..pakivantayan si Alexis pls "sabi ko
"Sige papunta na ako'sabi nya at ibinaba na ang tawag...
Hindi na ako nagbihis kasi wala akong damit na extra..kinuha ko lang ang susi ng kotse ko na pinakuha ko kanina kay manong art...Naglakad ako sa hall way,maraming tumitingin pero daredaretso lang ako...Simula ngayon wala na akong pakielam sa mga hinayupak na fans na yan.  

Find The Only OneWhere stories live. Discover now