CHAPTER 55

30 1 0
                                    


  ALEXIS POV
Natapos kami sa office bandang 9 ng gabi....Agad kaming umuwi kasi sabi nya ay baka daw hinihintay kami ni manang sa labas lalo nat malamig baka magkasakit si manang.Tama kami ng hinala kasi nakita namin si Manang na nakatambay sa garden habang hinihintay kami.Nag usap lang kami saglit bago pumasok sa kwarto namin.Dumaretso sya sa kama at dumapa.
"Huy bumangon ka muna dan...magpalit ka muna ng suot mo...pawisan ka oh"sabi ko
"Wag na...matutulog lang naman eh "sabi nya at hindi ako nilingon man lang.Nakasimangot akong lumapit sa paanan nya tsaka hinubad ang sapatos nya...Hindi nya ako pinigilan kaya dumaretso ako sa closet nya at kumuha ng tshirt.Lumapit ako sa kanya at pinaharap sya pero hindi na sya sumagot.Tulog na yata.
"Justin gumising ka muna.magpalit ka na"sabi ko at tinapik sya pero hindi sya nagmulat..No choice ako kaya tinanggal ko ang butones ng polo nya tsaka sya hinubadan ng damit.Bahagya ko pang pinunasanang katawan nya bago isinuot ang tshirt sa kanya...umupo ako sa tabi nya tsaka sya tinitigan
"Napagod siguro..."bulong ko at hinalikan ang noo at pisngi nya bago tumayo at nagtungo sa banyo para magpalit.Tumabi ako sa kanya nang matapos akong magpalit.Yinakap ko sya at ginawang unan ang braso nya.Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko bago tuluyang nakatulog.
NAGISING ako mga bandang 8 ng umaga..Nakita ko syang nag eempake na kaya bumangon agad ako at dahan dahang lumapit sa kanya at nuyakap sya sa likod.Halatang nagulata sya pero kinalaunan ay tinap lang nya ang ulo ko
"Kumain ka na.Nagluto ako ng agahan mo.Mamaya lang ay susunduun na tayo nung apat kaya dalian mong kumilos"sabi nya kaya tumango ako at lumapit sa mini table tsaka kinain ang agahang inihanda nya
"Mag iimpake pa ako mamaya pagkatapos kong kumain"sabi ko kaya lumingon sya tsaka isinaradoang zipper ng maleta.Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko
"Tapos na po...naayos ko na po lahat pati ang iyo."sabi nya at hinagkan ang tuktok ng ilong ko
"Ha?? Tapos mo na..anong oras ka ba gumising?" Tanong ko
"3 am.....nagpahangin kasi ako sa kwarto nang baby natin at inabot ako doon ng dalawang oras."sabi nya kaya kumunot ang noo ko
"Umamin ka nga sakin...umiyak ka dun no?" Tanong ko sa kanya at nakita ko syang tumungo
"Wife namimiss ko na sya"sabi nya at nakita kong may pumatak na luba sa sahig
"Sa tuwing makikita ko ang kwartong iyon...nagiging masaya ako tapos kinalaunan ay iiyak.Wife namimiss ko na ang dati kong ginagawa sa tiyan mo.Kagabi nagising ako tapos agad kong hinaplos ang tiyan mo kaso may bumulong sakin na kahit kailan ay hindi na babalik yung anak ko.Wife natatakot ako.Natatakot ako na baka hindi na ako magkaroon ng anak...na baka maulit yung nangyari.wife natatakot ako"sabi nya at humagulgol ng iyak...sinasabi ko na nga ba eh...nagpapakatatag at nagpapakatapang lang sya sa harap ko para hindi ako mag alala.Niyakap ko sya at hinaplos ang likod nya...
"Shh tahan na...remember na laging nasa tabi natin si baby.Binabantayan nya tayo at sinasabing go mommy and daddy im beleive that you can do it"sabi ko kaya natawa sya
"Hindi bagay sayo ang mag isip bata"natatawa nyang sabi nang makahiwalay sya sakin
"Sira ulo...akala ko pa naman din ay #1 fan kita"sabi ko at ngmuso
"Sa twing ngumunguso ka ay naaakit akong halikan ka"sabi nya kaya tinakpan ko ang bibig ko.Natawa 0naman sya at muli akong niyakap.
SA AIRPORT
Nakahawak lang sya sa kamay ko habang naglalakd.Nasa likod namin yung apat tapos may bodyguard na dalawa silang kasama..Maraming tumitingin samin at halos lahat sila ay gusto kaming lapitan pero hindi nila magawa..Huminto kami nang mapagtantong nasa dulo na ka.i ng wall at oras na para magpaalam.Humarap kami sa apat at nginitian ko sila pero si Justin ay nakatungo lang
"Mag iingat kayo don at gawin nyo ang lahat para makaalis sa bakod na ginawa ng galit at pangungulila nyo."bilin ni Ken kaya tymango kami
"Justin"tawag nya kaya tumunghay si Justin
"Sana sa pagbalik nyo ay ok ka na..gayahin mo ang asawa mo.Mas pinili nyang lumaban at bumangon kesa mabaon sa galit."bilin nya kay Justin .. bahagyang tumango si Justin tapos nag iwas na uli ng tingin...Hinigit ni Ken ang kamay ko kaya napabitaw ako sa kamay ni Justin..Agad naman syang lumingon samin at galit na tinignan si Ken na may hawak ng kamay ko.Nginisian lang sya ni Ken at hinigit ako palayo kay Justin...Nang makasiguradong hindi na maririnig ni Justin ang pag uusapan namin ay huminto nakami.Nilingon ko si Justin at hindi parin nawawala ang tingin nya saming dalawa
"Alexis..ikaw nalang ang pag asa namin.Nakikiusap kami.wag mong hahayaan na bumalik sya sa dati.Kita mo naman kung anong nagbago sa kanya noong nanatay ang daddy nya tapos sumunod pa ang kapatid nya..buti na nga lang at buntis ka kaya lumaban sya para maging masaya.kaso lang nawala pa yung anak nyo kaya sigurado akong malaki ang nawala sa kanya..Nakikiusap ako at kami na wag mo syang hahayaang mapag isa kasi iba ang takbo ng utak ng lalaking yan"sabi nya st lumingon kaya Justin na masamang nakatingin samin
"Kita mo na ...nagseselos na agad ang mokong......pero seryoso natoh.wag mo syang hahayaang magbago uli"sabi nya kaya tumango ako
"Pangako hindi ko hahayaang magbago sya...pupunan ko ang pangungulila nya"sabi ko at tumalikod na pero hinigit nya uli ako
"Wait lang....may alam akong paraan para makamove on sya..dalawa yun una ay mahalin mo pa sga at pangalawa ay"putol nya kaya nangunot ang kilay ko
"Pangalawa ay gumawa uli kayo ng bata"sabi nya kaya nanlaki ang mata ko
'Sira ulo kaba...?" Tanong ko
"Siguro nga oo pero yun nalang ang paraan para hindi sya magbago Alexis sana maintindihan mo"sabi nya kaya nag isip muna ako saglit pero bigla nalang sumigaw si Justin
"Ano nagliligawan ba kayo dan...bat ang tagal nyong mag usap....Ken isusumbong kuta kay Mitsuko sasabihin kong nakikipag flirt ka"sigaw nya kaya sabah kaming napalingonni Ken
"Tol wala namang ganyanan ...kinakausap ko lang ang asawa mo"sifaw ni Ken at sinenyasan akong lumapit na sa asawa ko..Hinawakan nya agad ang kamay ko nang makalapit ako sa kanya.
"Sige na umalis na kayo..baka maiwan pa kayo ng eroplano"sabi ni Allen tapps niyakap nya ako ganon narin si Justin
"Mag iingat kayo Justin"sabi ni Elmark
"Bumalik ka.....nang may ngiti sa labi"sabi naman ni Ace
"Susubukan ko...."sagot ni Justin
"Gawin mo wag mong subukan"sabi naman ni Ken..dahan dahang tumango si Justin....Nagpaalam na kaming dalawa aa kanya at sumakay na ng eroplano.  

Find The Only OneWhere stories live. Discover now