Chapter 3

41.8K 1.3K 22
                                    

C H A P T E R 3

Mariposa

Ilang araw kaming nanatili ni Kuya Regie sa Manila para maghintay sa tawag ng kompanyang sa tingin ko ay may kaunti akong pag-asa. Pero natapos at natapos ang mga araw na iyon ay wala ni isang tumawag sa akin. Mariin akong napapikit at bahagyang nakaramdam ng panghihinayang. Sa tantiya ko ay may pag-asa na sana ako sa dream job ko kaso ay napurnada pa.

Huminga ako nang malalim at tinitigan si Kuya na abala sa pag-aayos ng aming mga damit. Maybe he was right. That job was not meant for me. And yeah, hindi ko na rin pinapangarap makasama ang monster na Hunter na 'yon. Naiisip ko pa lang ang mukha niya ay kumukulo na ang dugo ko.

"Sigurado ka bang sasama ka na sa akin pauwi ng Bulacan, Osang? Puwede namang dito ka na lang muna..." nag-aalangang sabi pa ni Kuya.

At kahit gustuhin ko mang manatili ay hindi sasapat ang perang naipon namin para magtagal pa rito. Ayoko namang maging pabigat sa kanya. Pag-iipunan ko na lang ulit ang pag-a-apply at itutuon ko muna ulit ang atensyon sa pagtatanim ng mga gulay.

"Okay lang, Kuya. Mas madali nang maghintay ng tawag sa probinsya kaysa manatili rito. Masyadong magastos dito." Ngumiwi ako at ilang araw din kaming nagbuhay-mayaman ni Kuya. Kung sa bagay ay wala naman akong pinagsisihan doon. Worth it pa rin naman ang munting bakasyon namin sa Manila.

"Kung sa bagay... Luluwas ka na lang ulit kung sakali?"

"Oo, Kuya. Alam ko naman na ang mga sasakyan."

Tumango lang naman si Kuya at muling ipinagpatuloy ang pag-iimpake.

Hapon na nang makauwi kami sa probinsya ni Kuya. Halos tatlong oras ang inabot ng aming byahe kasama pa roon ang traffic. Pero kapag daw sobrang traffic ay madalas na apat na oras ang byahe patungong Manila. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic. Nakahihilo kasi ang dami ng mga taong sumasakay sa bus. Ultimo gitna ay puno ng pasahero.

Nang marating namin ang aming munting kubo ay hindi ko naiwasang ngumiti. Sasaglit na araw pa lang namin iniwan ang aming munting bahay ay agad ko na iyong na-miss. Medyo malayo sa kabihasnan ang kubo namin ni Kuya. Maging kapitbahay ay malalayo rin dahil sa mga nakapagitan sa aming mga pataniman ng mga palay at gulay. Buhay na buhay pa rin ang kagubatan kaya naman sobrang presko ng hangin.

"Na-miss ko ang bahay natin, Kuya," nakangiting sabi ko pa habang nag-aayos ng mga damit sa closet.

Tumangu-tango naman siya sabay iginala ang tingin sa aming kubo. Dalawang kwarto ang aming munting bahay na gawa sa kawayan at dayami. Makalumang kubo pa nga itong matatawag kaya lang ay wala naman kaming sapat na pera para ipasemento man lang iyon.

Matapos na makapaglinis saglit ay agad na rin kaming natulog ni Kuya.

Kinabukasan tulad nang nakagawian ay maaga na naman kaming bumangon ni Kuya para magdilig ng aming mga pananim. Kainaman na rin na nag-uulan nitong mga nakakaraang araw kaya't hindi nagkulang sa tubig ang aming pananim. Sadyang malalamig ang mga kamay namin ni Kuya kaya't mabilis kaming makabuhay kahit na anong mga halaman pa ang magdaan sa aming mga kamay. Sa matagal na panahon ay tanging pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay ang nakabuhay sa amin.

Matapos na masigurong maayos ang mga pananim ay pagod akong bumalik sa aming kubo at nahiga sa papag na may manipis na kutson. Muli na namang naglaro sa alaala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Hunter. Hindi pa rin ako makapaniwala.

How could I be so stupid?

Nagka-crush ako sa lalaking nuknukan ng sama ang ugali! Mariin akong napapikit nang maalala na naman kung papaano niya ako pinahiya!

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon