Chapter 27

29.6K 1.3K 49
                                    

C H A P T E R 2 7

Hunter Carlson

Ilang beses akong pari't-parito habang naghihintay kay Russ. Kanina pa ako hindi mapakali.

Regina posted a stolen shot of me with Osang. Malabo man iyon ay may iilang nagkomento at sinabing may kamukha ako!

Ginulo ko ang aking buhok at muling pinindot ang numero ni Russ. Pero bago pa man niya iyon masagot ay isang humaharurot na sasakyan ang pumasok.

Si Russ!

Padarag iyong pumarada hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Kunot-noo siyang bumaba ng sasakyan at padabog ding isinara iyon.

"What the fvck were you thinking?!" alsa-boses pa niyang bungad.

All right. He was really pissed.

"I didn't know that she'll post a picture of me and Osang!" depensa ko rin naman.

Ginawa ko rin naman lahat ng pag-iwas. Hindi ko lang naisip na makakasingit siya.

"It is not safe for you to stay here. Possibleng may nakakita ng pictures. Malalagay kayo ni Osang sa alanganin." Iiling-iling pa nitong ginulo ang buhok. "Hindi ka kasi dapat naglalabas!"

"I'm sorry, okay? I'm bored. Alangan namang magkulong na lang ako nang magkulong!"

"That's the safest way to do, Hunter!"

"Look, Bro-"

"Puwedeng may madamay pang buhay dahil sa 'yo! Naiintindihan mo ba 'yon?!" iritado pa rin niyang sabi.

"Wala kaming common friends ni Regina. Malabo naman sigurong makarating iyon sa iba."

"Siguro, Bro! Siguro! Pero ako mismo nakita ko! We're not even friends! Naka-public ang photos ninyo!"

Bumuga ako ng hangin at umiling-iling.

"We did everything we can para lang mabura ang pictures na iyon. Sana lang ay walang nakapag-save!"

Mariin siyang pumikit at hinilot-hilot ang sentido. He was pissed and worried at the same time. I was at fault with this one. I should have listened to Osang.

"What do you want me to do?"

"We need to move you out somewhere safe. Hindi ka na puwede rito!"

"Pero si Osang..?"

"We'll think of something. Mas kaduda-duda kung lalayas din bigla si Osang."

"Wait a minute... Iniisip mo bang iwan siya rito?" Kumunot ako.

That doesn't sound like a good plan!

"I'll have people to look out for her. Kakailanganin natin si Osang para mahuli rin ang mga taong possibleng nagpapatay sa 'yo."

"W-what?" Umawang ang mga labi ko at saglit na natahimik.

I couldn't process it all. Iiwan ko si Osang na nag-iisa?

"Kung sabay kayong magtatago ni Osang, hindi natin mahuhuli ang salarin."

"That's fvcking insane, Russ. Hindi ko puwedeng ilagay sa alanganin ang buhay ni Osang!"

"You have a better plan?" He crossed his arms as he was assessing me.

This was insane.

"Leaving her all alone in here, was not a good plan at all."

"All right. What do you have in mind, then?"

Saglit akong natahimik at malalim na nag-isip.

"What if I come out?"

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now