Chapter 10

33.2K 1.2K 91
                                    

C H A P T E R 1 0

Mariposa

Katirikan ng araw nang makarating ako sa bayan. Mas mainam na pagtiisan ko ang init ng araw kaysa manatili sa bahay at kung anu-ano na namang itanong ni Hunter. Ang hirap pa ring magtahi-tahi ng mga kuwento sa dami ng kanyang mga tanong. Kung bakit naman kasi itong si Kuya, sa halip na samahan ako, e, talagang nilayasan pa ako!

Saglit akong dumaan sa palengke at namili ng mga de lata, isda at karne. Bumili na rin ako ng mga damit na sa tingin ko ay kakasya sa aking pasaway na asawa. Kinagat ko ang aking labi at pinigilang mapangiti na mag-isa. Nakatatawa naman kasi ang hitsura ni Hunter sa tuwing isinusuot ang mga damit ni Kuya. Sarap sana kuhanan ng picture at ikalat sa internet! Paniguradong trending iyon!

Matapos na makapamili ay nagpasya na rin akong dumaan sa center. Nang matanawan ko si Paz ay dali-dali akong kumaway at ngumiti. Pero kataka-takang ang tanging ibinalik niya sa akin ay isang mapait na ngiti.

"Paz, musta?" bati ko pa nang tuluyan na akong makalapit.

Mabuti na lang at walang masyadong tao sa center. Kung sa bagay ay alanganin din ang oras.

"Osang? Anong ginagawa mo rito?" matamlay pang bungad niya.

"Nawili na yata si Kuya sa 'yo! Hindi na siya umuwi ng bahay. Nasaan ba siya? Hindi ko rin makontak ang cellphone niya. Pati number mo, hindi ko rin makontak."

"Nagpalit na ako ng number..."

"Talaga ba?"

"Matagal na siyang hindi nagpapakita sa akin, Osang," malungkot pa niyang sabi at para bang nagpipigil ng luha.

Anong nangyayari?

"Nag-away ba kayo ni Kuya?" Kumunot ako at mataman siyang pinagmasdan. Wala naman sa hitsura niyang niloloko lang ako or something.

"Hindi ba niya nabanggit sa 'yo?"

"Matagal nang hindi umuuwi si Kuya... Parang..." Saglit akong natigilan at napaisip. Gaano na nga ba katagal?

"Nagkatampuhan kami. Isang buwan na rin siguro ang nakakaraan. Hindi na siya nagpakita sa akin, Osang," naiiyak pang aniya.

I just couldn't believe it. Malayo sa personalidad ni Kuya na iiwan na lang ng basta si Paz. Mahal na mahal niya ang girlfriend niya. Pero anong nangyayari? Saan nagsusuot si Kuya?!

"No, noong makalawa lang nakita ko si Kuya. Hindi nga lang kami nagkakausap kasi nga nawawala rin agad. Akala ko umuuwi sa 'yo?"

"Hindi, Osang..." naiiyak pang aniya.

Huh? Kumunot ako at pilit na nanimbang. Kailan nga ba ang huling pag-uusap namin ni Kuya? Pero madalas ko naman siyang makita... Masyado na nga ba akong na-focus kay Hunter para hindi masyadong mapansin ang presensya niya? Sabi ko na nga bang malas ang lalaking iyon sa akin!

"I'm sorry, Paz. Wala talaga akong alam. Mahal na mahal ka ng Kuya ko kaya hindi ko naisip na mangyayari ito sa inyo. Kung hindi mo sana mamasamain, ano ba kasing nangyari?"

Saglit siyang natigilan sa pagtitig sa akin na tila ba naninimbang. Bandang huli ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga kasabay ang mapaklang ngiti.

"Niyaya niya akong pakasal, Osang..."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon. Bakit hindi nabanggit ni Kuya ang plano niyang iyon?!

"Kung ganoon, anong problema?"

"Humindi ako, Osang... Hindi pa kako ako handa. Marami pa akong responsibilidad sa mga kapatid ko. I'm sorry..."

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon