Chapter 16

29.4K 1.1K 38
                                    

C H A P T E R 1 6

Hunter Carlson

Plano ko sana talagang lumuwas pa-Maynila, pero nang maisip ko ang pera ay agad din akong natigilan sa balak ko.

Where the hell would I get the money?!

It's almost six o'clock nang matanawan kong naglalakad si Osang sa pilapil. How would I ask her for money without getting suspicious? Ang tanong ay bibigyan din kaya niya ako kung sakali? Ayaw nga niya akong lumabas ng bahay!

"Good evening, Love," salubong ko rin naman matapos mailawan ang kanyang magandang mukha.

She looked exhausted, but still, very pretty.

"Good evening, Porky Beans. May dinner na tayo? Nakapagluto ka na?" magkakasunod na tanong pa niya.

"Of course," maagap ko rin namang sagot.

Sa tinagal-tagal kong nanirahan dito ay natutunan ko ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi ko kailanman nagawa dati.

I must have wronged her before. Could she be one of my revengeful ex that I just left without saying a word? Pero kung pagbabasehan naman ang estado naming dalawa, paano kami nagtagpo? Kung puwede ko lang tanungin na lang sa kanya lahat. Kung puwede lang. Pero sa mga tinahi niyang kuwento, I am pretty sure she would not tell me a single truth.

Sinalubong ko siya nang yakap at tila nag-aalangan naman niyang ibinalik iyon sa akin. Hindi ko alam kung naiilang ba siya dahil sa naganap sa pagitan namin kagabi.

"A-amoy pawis ako, Porky Beans..." Mabilis pa niyang kinalas ang yakap at nagpamukhang init na init. "Magbihis lang ako." Dali-dali pa siyang tumalikod at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.

Kinagat ko ang aking labi at tumangu-tango sa kawalan. Paano ba ako hihingi ng pera? Paniguradong magdududa siya kapag ginawa ko iyon. Kung sasabihin ko namang may bibilhin ako, paniguradong siya na rin ang bibili noon. She wouldn't want me gone anywhere else, but here.

Ugh, this was frustrating. Ano ba kasing kailangan niyang itago sa akin?

Babalikwas na lang sana ako pabalik ng kwarto nang maulinagan ang boses ng isang babae. Kumunot ako at pilit na inaninag sa dilim ang nagmamay-ari noon.

"Magandang gabi, Ding!"

Oh. Regina.

"Hey..." balik-bati ko rin naman sabay sulyap sa pinto. Hindi ko alam kung narinig na ni Osang ang dumating. "It's late. What are you doing here?"

"Wala naman. May pinuntahan lang akong bahay malapit dito, kaya naisipan kong dumaan," dahilan pa niya.

Tumango ako kahit na hindi kumbinsido. Masyadong malayo ang bahay ni Osang para dayuhin pa.

"Si Osang?" pag-iiba agad nito sabay sulyap sa pinto.

"She just came from work."

"Talaga? Saan na siya nagtatrabaho ngayon?"

"Munisipyo raw."

Nagpamulsa ako at tumayo nang diretso. She smelled really nice. Mukhang pinaghandaan niya ang pagpunta rito, huh? Ako ba ang sadya niya? But she did know that I am married. Or may alam kaya siya?

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong bungad agad ni Osang na noo'y mukhang minadali ang pagsusuot ng damit. Bahagyang nakataas pa ang t-shirt nito at kita ang pusod.

Damn sexy!

"Dinadalaw ka. I missed you!"

Nagtaas ng kilay si Osang at agad ko namang kinagat ang aking labi upang pigilan ang mangiti.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now