Chapter 23

33K 1.1K 41
                                    

AN:

You know the drill. May kaunting SPG Part, though, kaunti lang talaga iyon kaya lang nagdesisyon akong i-cut iyon para na rin sa mga batang nagbabasa. Nasa ibaba ang external link or punta na lang sa aking profile at hanapin ang librong IILWAM Private Chapters para sa mga detalyadong parte ng chapter na ito. Pasensya na sa abala at salamat sa pang-unawa.

Ate Mommy Dean

********


C H A P T E R 2 3

Mariposa

Pupungas-pungas akong bumangon at agad na iginalaw ang aking paa. May kaunting kirot pa iyon, pero mukhang kaya ko na rin namang ilakad. Agad kong sinilip ang relo at ganoon na lang din ang gulat ko nang makita ang oras!

Shit! I'm late!

Dali-dali akong bumangon at agad na kinuha ang nakasabit na tuwalya. Mabilis akong lumabas ng kwarto at agad na nagdiretso ng banyo.

Pero ganoon na lang din ang aking gulat nang makita ang hubad na katawan ni Hunter! Nanlaki ang aking mga mata at literal akong naestatwa sa aking kinatatayuan!

O.M.G.

"You want to join me, Love?" nakangisi pa niyang tanong sabay sulyap sa kanyang harapan na tila ba handa na sa giyera!

Noon na lang din bumalik ang aking wisyo at kahit pa hindi ko nakikita ang aking mukha ay alam kong halos magliyab na iyon sa init.

"I-I'm s-s-sorry!"

Mabilis akong tumalikod, pero bago pa man ako makahakbang ay agad ko nang naramdaman ang pagpulupot ng mga kamay nito sa aking baywang.

Napalunok ako at nanigas ang aking katawan.

Nag-ulap ulap ang aking utak at ni hindi ko maproseso ang nangyayari.

"Come on... Join me..." napapaos na bulong pa niya sa aking tainga sabay banayad na hinalikan pa iyon.

"I-i..." Kahit yata pagsasalita ay bigla kong nakalimutan.

Ni hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kagabi, eto at mukhang madaragdagan na naman ang iisipin ko!

"M-mauna ka na..." buong lakas kong kinalas ang kanyang kamay sa aking baywang at tangka sanang lalabas ng banyo, pero naging sobrang bilis pa rin ng kanyang galaw at muli akong kinabig paharap na sa kanya!

Shit!

"Why are you so shy? I'm your husband..." Hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa leeg.

Ganoon pa lang ay ginawa niya ay gumapang na ang kilabot sa aking buong katawan.

"M-male-late a-ako, Love..." Umiling-iling ako at muling kumawala sa kanyang hawak.

"Kaya nga sabay na tayo..." nangingiti pang aniya sabay yuko at pinaliguan ng halik ang aking leeg.

Hindi ko alam kung paano nangyari, basta't ang alam ko na lang ay tuluyang nahubad ang aking damit nang hindi ko namamalayan.

"P-porky b-beans..."

Nakangisi siyang tumayo at umiling-iling.

"I'm sorry. You're running late. Let me bathe you..." tila nagpipigil pang aniya sabay kuha sa tabong may tubig at dahan-dahan akong binasa.

Umawang ang mga labi ko nang maramdaman ang lamig niyon. At sapat na iyon para tuluyan akong mahimasmasan sa mga pinaggagawa namin!

Mabilis na kumalat ang init sa aking mukha sabay kuha sa tabong hawak niya at ako na mismo ang nagbuhos ng tubig sa aking ulo't katawan.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now