Chapter 12

29.8K 1.1K 46
                                    

C H A P T E R 1 2

Hunter Carlson

The people were very warm and cheerful. Ni hindi ko maalala kung nagawa ko nga bang tumawa nang ganito noong panahong kilala ko pa ang sarili ko bilang Hunter. It felt like I am alienated with my new self. Na parang ibang tao ako ngayon at malayo sa kung ano ako noon.

"Porky Beans, kanta ka, dali!" ligayang-ligaya pang ingganya ni Osang.

Ilang beses akong umiling kahit pa panay ang hila niya sa akin. Wala nga akong maalala sa sarili ko. Ni hindi ko alam kung anong talento nga ba mayroon ako. Lalung-lalo na, wala akong ideya kung magaling nga ba ako kumanta or what.

"Subukan mo lang naman, Porky Beans. Ang galing mo kaya kumanta!"

"Really? I knew how to sing?" Kumunot ako. Hindi ko alam kung alam niyang marunong akong kumanta or naghahabi lang ulit siya ng kuwento para lang mapapayag ako.

"Oo naman! Pinakamagaling ka kaya!" halos pumapalakpak pang aniya nito.

I ain't gonna buy that. Ang dami na niyang kuwentong hindi totoo.

Pinagtutukso ako ng mga tao roon at nakikulit sa asawa ko na pakantahin ako. May kung ilang kalalakihan din ang nakihila sa akin palapit sa videoke habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko.

Umiling ako at nagkamot ng ulo. Hindi ko alam kung dapat ko bang sakyan ang trip nitong asa-asawahan ko.

"Really, Love? You wanted me to do this?" alanganin pa ring bulong ko sa kanya.

"Oo naman!" Abot-tainga pa siyang ngumiti at ilang beses akong tinapik sa dibdib. "Panis ang pagkanta sa 'yo!" aniya pa na tila ba siguradung-sigurado.

Inabot niya ang mic at wala akong nagawa kundi tanggapin iyon.

I rolled my eyes. I am not so sure about this.

"Eto kantahin mo!" Pumindot siya sa videoke at nang lumitaw na ang kanta sa screen ay nangangapa akong tumitig sa title noon. "What the hell was that?!"

"Theme song natin!" excited pang aniya sabay yakap sa aking baywang. "You're so good at this!"

I didn't think I could agree with that. Pakiramdam ko ay gagawan ko lang ng kahihiyan ang sarili ko ngayon.

Pumailanlang ang musika at sobrang higpit ng kapit niya sa braso ko. Nagsimula at nagsimula ang kanta ay nananatili akong nakatanga sa screen.

I had no idea about the song!

"Love, kanta na!" nagdudumilat pang aniya dahilan para sunud sunod akong mapailing.

"I can't remember the song, Love. Theme song talaga natin 'yan?" nagkamot ako ng ulo dahil sa lyrics na nababasa ko pa lang ay nasisiguro kong gusto lang niya akong gawan ng kalokohang maaalala ko buong buhay ko.

She must really hate me, huh?

Nagmamadali siyang lumapit sa videoke at pinutol ang kanta. Muli niyang sinimulan iyon sa simula at mabilis na inagaw ang mic.

"Learn from me, okay?" Kinindatan niya ako at tila propesyunal na singer na inutusan pa ang mga nakikinig na pumalakpak.

Napuno nang tuksuhan at tawanan ang buong paligid. Mukhang napakasiyahin niyang tao at kahit pa gaano kababaw ang kanyang mga joke ay talaga namang tumatawa ang mga nakakarinig.

Muling pumailanlang ang musika ay nakangisi pa siyang tumitig sa akin nang magsimula.

¯Bakit ba ako'y laging ganito

Lagi akong 'di mo pinapansin

Para na lang akong laging

Sumusunod sa gusto mo

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon