Chapter 8

31.2K 1.2K 62
                                    

C H A P T E R 8

Mariposa

"Ano 'to?" gulat pang tanong ko habang nakatitig sa pagkaing nakahain sa table.

Napangiwi ako nang haluin ang kaning mukhang nilugaw.

"I really can't..." nahihiyang sagot pa ni Hunter habang nakangiwi ring nakatitig sa kanyang niluto.

Binalingan ko ang gulay na kanyang ginisa at parang nilugaw din iyon dahil nagkalasug-lasog. Ngumiwi ako at nagkunwaring naaawa sa kapalpakang nangyari.

"Paano natin kakainin 'yan, Hon? Bakit ganyan? Napakasimple namang lutuin n'yan, 'di ba? Bakit nagkaganyan?"

"I'm sorry..." nahihiya pa pang aniya habang nakangiwi pa ring nakatitig sa kanyang palpak na niluto.

"Hindi ko makakain 'yan, my Love. Sorry, a. Pero ikaw na lang ang kumain, ako na ang bahala sa sarili ko, huh?" Pinisil ko ang kanyang pisngi at iiling-iling na lumayo.

"How can I eat these?" halos pabulong pang aniya sa kanyang sarili at hindi ko naman napigil ang mangiti.

Good luck with that, asshat.

Matapos kong makakain sa bayan at makapamili na rin ng mga groceries ay muli kong binalikan si Hunter sa aming munting kubu-kubuhan ni Kuya. Tirik na tirik na ang araw noon at halos mapaso ako sa sobrang init. Naabutan ko siyang nakaupo sa labas at parang ang lalim nang iniisip. Agad ko rin namang napukaw ang kanyang atensyon at kunot-noong tumitig sa akin.

"Where have you been?" nagtatakang tanong pa niya sabay hinapyawan ng tingin ang aking mga pinamili.

"Sa bayan," walang interest kong sagot at dinaanan lang siya mula sa kanyang kinauupuan.

"You should have told me. I should have come with you," humahabol pang aniya lalo pa nga't naramdaman ko ang mabilis na mga hakbang niya sa aking likuran.

"No, Love. Hindi makabubuti ang masyado kang maglalabas. Mas mainam na magpahinga ka rito lalo pa ngayong wala kang maalala," kunwari ay nag-aalala ko pang sabi nang hindi lumilingon.

The best dramatic actress goes to...

"Hindi ba dapat inilalabas mo ako para mas madali akong makaalala?"

Inikot ko ang aking mga mata bago humarap sa kanya at umarteng sobrang nag-aalala pa rin.

"Porky Beans, 'wag na makulit, huh? Gustuhin ko man, iyon ang kabilin-bilinan ng doctor. Mas mapabibilis daw ang recovery mo kung magpapahinga ka lang dito."

Mas lalong kumunot ang kanyang noo na para bang hindi kumbinsido.

"I won't remember details about me if I don't get out of this place!" pamaktol pang aniya at ibig ibig ko nang magtaas ng kilay.

"Porky Beans..." malambing ko pang sabi sabay hinaplos ang kanyang pisngi. "This is for your own good. Wala akong ibang hangad kundi ang mapabuti ang kalagayan mo. Alam kong gustong-gusto mo na makaalala, pero it takes time."

Malalim lang siyang bumuntong-hininga at marahang inalug-alog ang kanyang ulo. Bakas ang desperasyon sa kanyang mukha at nand'on ang kakaibang takot sa kanyang mga mata. Ginapangan tuloy ako ng awa nang wala sa oras.

"Why the hell I couldn't remember!" desperado pang aniya kasabayan nang mariin niyang pagpikit.

"Hey... Makakaalala ka rin..." Naaawa kong pinisil ang kanyang pisngi.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Nanigas ang aking katawan at hindi ko malaman kung dapat ko ba siyang yakapin pabalik o papaano.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now