Chapter 3: Fish Fashion

312 17 9
                                    


Naunang nagising si Aché at nakitang natutulog pa ang batang estranghero sa sofa bed. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa binata at tinitigan ito.

“Ang gwapo nito oh,” sabi niya. Porcelanang balat, mapulang pisngi at labi. Maayos rin ang kilay nito at mahahaba ang pilik mata.

“Anong gwapo?” Nabigla siya nang makitang nakadilat na ang mata ni Saero.

“W-wala wala. Mabuti naman at gising ka na.” Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at nagpunta sa kusina. Sumunod naman si Saero sa kanya.

“Ramen na lang ang natitirang pagkain ko rito. Mamaya, lalabas tayo at pupunta sa Grocery Store.”

Nakatitig lamang si Saero sa kanya habang abala siya sa pagluluto ng Ramen. Pilit niyang inalala kung bakit pamilyar sa kanya ang dalaga.

Matapos ang ilang minuto ay inilapag ni Aché ang nilutong ramen sa mesa at binigyan ng plato at kutsara si Saero. Mabuti na lamang at may kaunting kaalaman ang binata sa mga bagay na ginagamit ng tao. Hindi kasama yung itlog at faucet.

Inilapit niya ang mukha sa pinaglagyan ni Aché at inamoy ito.

“Ano ulit ang tawag dito?”

“Ramen.”

“Ah. R..ramen.”

Tiningnan niya kung paano kinuha ni Aché ang kulay dilaw na inaakala niyang uod at inilagay sa plato nito.

Kumakain pala sila ng uod?

Ginaya niya ang ginawa ni Aché at pinanood ulit kung paano ito kinain ng dalaga. Nagkibit balikat na lamang si Aché kahit na naiilang siya sa mga titig nito.

Ano ba 'tong lalaking 'to? Pati pagkain 'di alam? Alien?

Napabuntong-hininga na lamang siya at napangiti ng kaunti. Saero seemed liked his meal. Mas marami itong nakain kaysa sa kanya. Pagkatapos ng kaunti nilang agahan, napagpasiyahan niyang dalhin si Saero sa mall upang bumili ng damit para rito.

“Bahay mo rin 'to?” Nagtatakang tanong ni Saero matapos makita ang malaking istruktura sa kaniyang harapan. Napatampal na lamang ng noo ang dalaga.

“Hindi. Halika na.”

Suot-suot parin ng binata ang damit na pinahiram ni Aché sa kaniya. Gabi pa lamang ay pinagplanuhan na ni Aché ang mga bibilhin para sa binata. Hindi niya alam kung anong meron pero nararamdaman niyang magaan ang loob niya kay Saero na tila ba hindi ito estranghero para sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya parin maiwasang magtaka sa kabuuang pagkatao ni Saero.

Pagkatapak palang nila sa loob ng mall ay sabay na lumingon ang mga cashier at saleslady kay Saero. Nagpabaling-baling naman ang tingin ni Aché sa mga ito. Naiinis.

Hinila niya ang kamay ni Saero. “Halika ka na nga dito,” malamig niyang sabi. Nangunot ang noo ng huli sa reaksyon ng dalaga. Halatang nagseselos kahit hindi alam ang tunay na dahilan.

Una silang pumasok sa bilihan ng mga damit. Hindi naman mapigilan ni Saero na ilibot ang paningin sa paligid. Kahit tumatakas at nakakapunta siya sa mundo ng mga tao, hindi siya masyadong lumalayo sa dagat upang makabalik agad kung ano man ang mangyari. Ngayon niya lamang napuntahan ang mga lugar na ito.

“Diyan ka lang.” Iniwan siya ni Aché sa gilid habang naghanap ng damit ang huli. Isa-isa nitong nilibot ang mga rack at kumuha ng mga damit na babagay sa binata.

“Heto, subukan mo sa dressing room.” Segundo na ang lumipas ngunit hindi parin pumunta si Saero sa sinabi niyang lugar. Nanatili itong nakatitig sa kanya. Muli siyang napatampal ng noo.

“Hays. Halika nga.” Hinawakan niya ang kamay ni Saero at pinapasok ito sa dressing room. “Bilisan mo,” ani niya sabay tingin sa orasan.

Sa loob ng dressing room, nanliit ang mga mata ni Saero habang nakatingin sa salamin. Ibinaling niya ang ulo sa kaliwa at nagtaka kung bakit ganoon rin ang ginawa ng kaniyang repleksyon. Mga sireno nga naman. Itinaas niya ang hintuturo at inilapit ito sa salamin. Nang ganoon rin ang ginawa ng taong nasa salamin ay nagpakawala siya ng isang maliit na bolang tubig na sumira sa salamin.

Dali-daling binuksan ni Aché ang kwarto nang marinig ang pagkasira ng salamin. “Anong nangyari?!”

Inosenteng napatingin sa kanya si Saero. “Ginagaya niya ako,” sabay turo sa nabasag na salamin.

Sunod nilang pinuntahan ang Grocery section. Kumuha si Aché ng basket habang si Saero naman ay nakatingin lamang sa ginagawa niya. Nang medyo makalayo na si Aché ay kumuha rin si Saero ng basket.

“Anong ginagawa mo? Ibalik mo 'yan doon!”

Napabusangot na lamang ang binata at ibinalik ito. Akala ko ba kukuha ng ganito?

Sumunod na lamang siya kay Aché at nakontentong tumingin-tingin sa paligid.

“MAAYOS na ba ang transaksiyon?”

“Opo Boss. Permiso na lang po mula sa nakatataas ang hinihintay namin.”

“Mabuti naman.” Naupo ang lalaki sa kulay gintong silya habang nanatiling nakayuko sa kaniyang harapan ang kausap. Malalim at malamig ang boses nito at maraming suot na singsing sa mga daliri. Mababanaag sa awrang pumapalibot rito ang awtoridad at kasamaan.

Lingid sa kaalaman nilang dalawa, may taong kumukuha ng litrato sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap. Nagtatago ito sa naglalakihang mga kahon at palihim na nagmamasid. Aksidente nitong na-on ang flash at kumuha ulit ng litrato. Nabigla siya at napatakbo ng mabilis.

“Sino 'yon?! Habulin mo!” Tumakbo ng matulin ang lalaking kumukuha ng litrato habang nagmumura sa inis at pagkadismaya. Hinabol naman siya ng lalaki kanina.

“Sh*t! Ang gago mo ****!”

Patuloy siyang tumakbo ng mabilis at nakasunod ang lalaki sa kanya. Una siyang nakalabas sa basement ng mall at dumiretso papasok.

NATAPOS na sila ni Saero sa pamimili ng kakailanganin sa bahay at nagpasyahang umupo muna sa isa sa mga bench. Muling napatingin si Aché kay Saero. Bagay na bagay sa binata at kulay damit na napili niya at pares ng sneakers. Lumalabas ang kaputian nito at kagwapuhang taglay. Nanatili namang sumusulyap ang mga kababaihan sa mall na kinaiinis niya.

Kinuha nito ang DSLR sa dala-dalang bag at kinuhanan ng litrato si Saero habang kumakain ito ng ice cream. Naaliw siya habang pinapanood ang binata. Matapos ang ilang shots ay inilapag niya ito sa bench at bumili muna ng maiinom.

Samantalang patuloy naman na tumakbo ang lalaking may dala ng camera papasok sa mall. Iginala nito ang mata sa paligid at naghanap ng mapagtataguan. Maya-maya ay dumating din ang humahabol sa kanya at hinanap rin siya sa loob ng mall.

Nakita ng lalaking may hawak ng camera ang DSLR camera ni Aché na nakalapag sa upuan. Mabilis niya itong ipinalit sa dala niyang camera st tumakbo sa exit. Lingid sa kaalaman niya ay nakita ng lalaking humahabol ang kanyang ginawa ngunit hindi na ito nakuha pa dahil dumating na si Aché mula sa bilihan ng tubig.

“Halika na Saero.”

Napasabunot na lamang sa buhok ang lalaki at napamura ng lihim. “Hello Boss. Natakasan ako!”

“'Wag na 'wag kang babalik rito hangga't 'di mo nahuhuli kung sino 'yon!”

“Masusunod po.”







#LameUpdate :'<

He's the Man with a TailWhere stories live. Discover now