Chapter 7: Waves of Past

201 16 18
                                    

Isang comment naman diyan! Hahshshs. Ily.

His kiss made her knees weak. Parang biglang nablangko ang isipan niya at tanging si Saero lamang ang kanyang naaalala. Her heart was beating fast, butterflies were flying in her belly. His wide palms gripped tightly in her waist. Causing her unable to move, but gave a support in order to not fall.

Pero tila huli na ang lahat, nahuhulog na siya.

"Ayon sila!" sigaw ng isang lalaking naka-itim nang makita silang magkayakap sa kumpol ng mga tao. Gamit ang baril ay sinubukan nitong patamaan ang dalawa ngunit parang tubig na tumagos lamang ang bala sa katawan ni Saero. Mula sa paanan ng binata, unti-unting nabuo ang kulay asul na tubig hanggang nilamon silang dalawa. Iglap lang ay nawala sa paningin ng lalaki sina Saero at Aché.

"Sh*t. Nakawala na naman!"

"Nasaan na sila?"

"Nakatakas ulit. Lagot tayo kay boss nito!"

***

"Hoy, ibuka mo na 'yang mga mata mo," naiinip na tugon ni Saero. Pagkatapos nilang mag-sealeport (teleport) ay agad niyang inilayo ang labi kay Aché. Ngunit ang dalaga ay nanatiling nakapikit hanggang ngayon. Inilapit ni Saero ang mukha sa kanya para asarin ulit ito ngunit siya namang pagdilat ng mga mata niya.

Muling bumalik ang pamilyar na pakiramdam kay Aché. Tila hindi siya makahinga sa lapit ng mukha ng gwapong binatilyong nagugustuhan na niya. Ay, talaga ba? Sana ol.

"I-ilayo mo nga 'yang mukha mo!" Itinulak niya si Saero at inilipat ang tingin sa paligid. "Nasaan tayo?"

"Walang tayo," pabalang na sagot ng binata.

"O edi nasaan??"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako pamilyar sa lugar ng mga tao." Nagkibit-balikat na lamang si Saero habang napairap naman ang dalaga. Teleport ng teleport, hindi naman alam kung ano 'yong napuntahan. Minsan utak isda din 'to. Maihaw nga.

I

ginala ni Aché ang mata sa napuntahan nilang lugar. Chinese signs are lying along the streets. May kulay pulang bola din na nakasabit sa bawat istruktura ng bahay. A pink leaf fell on her head. Sakura.

"Nasa China tayo!!"

Mahigit isang oras na silang naglilibot sa bansa ngunit hindi parin nila nararating ang airport. Paminsan-minsa'y ginagamit ni Saero ang kanyang kaalaman sa mga lengwahe upang makipag-usap sa iba. Ngunit dahil sa kagwapuhan ng binata, hindi maiiwasan ang mga babaeng intsik na umaaligid dito. Katulad na lamang ngayon.

"你有女朋友吗?" (Do you have a girlfriend?) tanong ng isang babaeng chinese habang nagpapacute sa harapan ni Saero.

Narinig ni Aché ang pinag-uusapan nila ngunit wala siyang naintindihan. Nanatili na lamang siyang nakasimangot at tila mauupakan na ang babaeng kaharap ni Saero. Kontrol Aché, kontrol. Hindi mo siya kasintahan.

Tiningnan niya ang babae at ginaya-gaya ang sinasabi nito. "Tss. Kapag ako nakauwi sa amin mag-aaral ako ng Mandarin. Pati Japanese at Korean! Grr."

"啊 非也。. 但我现在和我妻子在一起" (Ah. No. But I'm with my wife now.)

Tugon ni Saero. Nadismaya naman ang babae at umalis. Samantalang 'di naman maalis sa labi ni Saero ang ngiti.

"Oh, tapos ka na bang makipaglandian sa babaeng 'yon?"

"Ha? Hindi ako nakikipaglandian. Tss. Mga babae talaga naku."

Hindi na lamang sumagot pa si Saero sa pagmamaktol ni Aché at hinigit na lamang ang dalaga. Ngunit hindi niya maalis sa labi ng ngiti na siya namang ikinaselos ni Aché.

"Wala na nga 'yong babae, ngiti parin ng ngiti. Nakakairita!" bumubulong na sambit ni Aché. Nakakunot ang kanyang noo at kulang na lang ay hampasin ng dos por dos si Saero.

"May sinabi ka?"

"Wala! Wala!!"

Napaghahalataan ka gurl.

***

Iglap ay naidilat ng dalaga ang mata at nakita ang isang lalaki na hinahalikan siya. Malakas niya itong naitulak at sumigaw.

"AAAAAAHHHHHHHHH!"

"‘W-wag kang sumigaw. Wala akong ginagawang masama sa iyo. Nakita lamang kitang lumulubog sa dagat at nahimatay. Kaya kita binigyan ng hangin at sinubukang isalba."

Napatigil sa pagsigaw ang dalaga at napatitig sa adonis na nakatambad sa kanyang harapan. Hindi pamilyar sa kanya ang itsura nito. Kulay asul ang buhok, tila dagat na mga mata, at higit sa lahat, ang asul nitong buntot na kumikinang sa ganda.

Bigla siyang napalayo at nanginginig na tinuro ang binatilyo. "I-isa kang sireno?!"

Tumango lamang ang binatilyo.

"Kung gano'n, totoo ang kwento ng lola ko. Na totoo ang mga sireno at kayo'y naninirahan sa islang pagmamay-ari namin."

"Tila ay sikat kami sa inyong pandinig," nakangising tugon ng binata. Nangunot naman ang noo ng dalaga at umirap.

Parang hindi yata isda 'to. Punong-puno ng hangin ang katawan.

'Di mapagkakailang makisig ang binatilyo. Mula sa braso nitong nililok ng mabuti, dibdib na nakikitaan ng kakisigan at mukhang nagtataglay ng nakakabighaning ngiti. Maihahalintulad mo ito sa isang anghel. Anghel na mahangin.

"Matagal kang napatitig sa akin binibini, nagugustuhan mo ba ang aking mukha?"

Saka na lamang umiwas ng tingin ang dalaga at nainis. Ang kapal!

"Hoy! Kung inaakala mong tinititigan kita, hindi! At hinding-hindi mangyayari 'yon!"

Tumayo ang dalaga ngunit agad rin siyang napaupo dahil pinulikat ang kanyang paa. "A-aray."

"Ayos ka lang ba?" agad na lumapit ang sireno sa dalaga upang tingnan ang paa nitong namumula.

"Pinulikat ka." Napaigtad ang dalaga nang sinubukan itong hawakan ng binatilyo, ngunit nagtaka siya nang bigla itong pumikit.

Tila isang malamig na bagay ang humaplos sa kanyang balat at iglap lang ay nawala ang sakit na naramdaman niya kanina. Ginamit ng binatilyo ang kanyang kapangyarihan upang gamutin ito.

"Kaya mo na bang tumayo?" Dire-diretsong tumayo ang dalaga at yumuko.

"S-salamat—"

"Prinsesa Herien! Prinsesa Herien nasaan ka na?" pagtawag ng isang matandang lalaki mula sa malayo.

"Kung ganoon, Herien ang iyong pangalan. Ako si Aczeth, nagagalak akong makilala ka, Prinsesa Herien." Kinuha ni Aczeth ang kamay ng dalaga at hinalikan ang likod ng palad nito.

"Paalam Prinsesa! Hanggang sa muli nating pagkikita!"

Muling nasilayan ni Herien ang ngiti ng binatilyo bago ito sumisid sa dagat. Napahawak na lamang siya sa kanyang puso na bahagyang pumintig.

"Makikita ba kita ulit, Aczeth? Nagagalak din akong makilala ka."

He's the Man with a TailWhere stories live. Discover now