Chapter 4: A Secret Tail

262 22 15
                                    

Medyo magiging mabilis ang timeline nitong kwento dahil may inaabot akong quota. Anyways, don't forget to vote and let me hear your hearts out! Kaunti na nga lang kayong nagbabasa ta's tahimik pa kayo. :'<

Joke. HAHAHA. Enjoy! ♥

Inilapag ni Saero ang bitbit na mga gamit sa mesa. Mabilis silang nakarating sa bahay ni Aché dahil hindi rush hour at kaunti lang ang mga tao sa labas. Isa-isang kinuha ni Aché ang mga pinamili at nilagay sa kitchen cabinet. Lingid sa kanilang kaalaman, may dalawang lalaking nagmamasid sa kanila mula sa bintana ng bahay.

“Sshh. Tumahimik ka! Baka marinig tayo!” angil ng unang lalaki habang nakakunot ang noo.

“Tatawagan ko si Boss,” tugon naman ng isa.

“Sige na!”

Napalingon si Saero sa kanilang direksyon.

“Ow sht!”

“Bakit? Anong nangyare?”

“Ssshh.”

Nangangatog na ang tuhod ng isang lalaki habang ang isa ay abala sa pagtitipa sa hawak na cellphone. 'Di nagtagal ay inalis din ni Saero ang tingin sa bintana. Napahugot ng hininga ang lalaki.

“Hello Boss, alam na namin kung nasaan ang bahay nila,” bulong ng lalaking may hawak ng cellphone.

“Good. 'Wag kayong bumalik rito hangga't 'di nakukuha ang camera.”

“Copy.”

Napagpasyahan nilang gumawa ng plano upang makuha ang camera na dala-dala ni Aché.

“Halika na Saero. Kumain na tayo.” Tahimik na sumunod ang binata sa tinugon ni Aché at umupo sa pwestong kinalagyan nito kagabi.

Pinanood ulit ni Saero kung paano gumalaw si Aché at ginaya niya ito. Simpleng omelette lamang ang nakahain sa mesa. Napatitig naman ang binata dito.

“Anong tawag dito?” tanong ni Saero at tinuro ang pagkain.

“Omelette. O-me-lette. Itlog ang ginamit ko dito. Okay na?” Tango lamang ang naging tugon ng binata.

“I-itlog yung maputi doon?” tinuro naman nito ang egg tray.

“Oo. Jusko. Ba't wala kang alam sa mga ganyan? Saang lupalop ka ba nakatira?” nakakunot noong tanong ni Aché. Mula pa noong unang araw niya itong makita ay nagtataka na siya sa pinanggalingan ng binatilyo. Sadyang pinakisasamahan niya lamang ito dahil 'di niya rin matitiis na iwanan ito sa labas lalo na't nasabi nito sa kanya na wala itong matutuluyan. Ngunit sa dinami-rami ng bahay sa dalampasigang iyon, bakit sa kanya pa?

“Pasensya na. Ngayon lang ulit ako naka-aho— nakalabas n-ng bahay.”

Nanliit ang mga mata ng dalaga habang ang binatilyo ay pilit na inalis ang tingin dito. “Oh siya siya, sige na. Kumain ka na.”

“Eto, tawag dito TV. Short for te-le-vi-sion,” paliwanag ni Aché habang inililibot si Saero sa paligid.

“May nakita akong ganito sa amin. Ngunit paano nakakapasok ang mga tao sa loob? Masyadong maliit ang espasyo.” Napapikit na lang ang dalaga at naghanap ng salitang maitutugon.

Jusko. Alien ba 'to?! Nahihirapan akong mag-explain!

“B-basta! TV ang tawag dito. Pwede kang manood ng paborito mong show o palabas.” Binuksan ni Aché ang telebisyon at sabay silang sumigaw sa gulat dahil horror ang palabas. Huli na ng mapansin niyang nakayakap siya sa binata at ganoon din ito sa kanya.

Awkward.

Kapwa sila napabitiw sa isa't-isa. Omaygahd Aché.

“A-ano yung susunod? Aché?”

Parang musika sa pandinig ni Aché ang boses ni Saero nang marinig niya itong banggitin ang kanyang pangalan. May kung anong kumiliti sa kanyang puso at nagsiliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Pilit na niya lamang itinago ang kilig.

“Doon tayo sa kusina.” Hinawakan ni Aché ang laylayan ng damit ng binata at hinila ito papuntang kusina.

“As you can see, maliit lang ang bahay ko kaya konti lang din ang gamit. Eto, ref ang tawag dito. Ginagamit kapag gusto mong palamigin ang isang pagkain or mag-preserve.” Binuksan ni Aché ang pintuan ng ref at iginiya sa loob ang kamay ng binata.

“Malamig nga. Masarap sa pakiramdam,” nakangiting sabi ni Saero. Napatitig si Aché dito. Halos hindi na masilayan ang mga mata nito dahil sa laki ng pagkakangiti. Nandyan na naman ang pamilyar na paru-paro sa kanyang tiyan.

“E-ehem. Ito naman, microwave. Kabaliktaran ng ref.”

“Dito naman kapag gusto mong initin ang isang pagkain?” tanong ni Saero.

“Oo. Sa banyo naman tayo.”

Tulad ng kanina, hinawakan ulit ni Aché ang laylayan ng damit ni Saero ngunit nabigla siya ng kunin nito ang kamay niya at hinawakan.

“Mas komportable akong kamay ko ang hawak mo kaysa sa damit.”

Oh God. Magkakajowa na ba ako?

Napatigil sa paghigop ng kape ang isang lalaki nang mapansin nitong nakatitig ang kanyang kasamahan sa loob ng bahay.

“Huy! Pedro! Anong nakikita mo diyan?!”

“Kinikilig ako sa kanila Juan! Yie!”

Natapik na lamang ni Pedro ang kanyang mukha. Jusko.

“Shampoo ang tawag dito. Para sa buhok. Ito naman, facial wash, sa mukha. Ta's eto, sabon. Para sa katawan.” Tahimik lang si Saero habang pinagmamasdan ang bawat gamit na nakikita niya. Palihim niyang sinasaulo ang mga ito at napag-isipang gamitin bukas.

“Oh siya. Bukas ulit. Matulog na tayo.” Habang paalis sila ng banyo ay 'di napansin ni Aché ang hose ng shower na nahulog sa sahig. Naapakan niya ito at nabutas. Ngunit diretsong tumama ang umaagos na tubig sa paanan ni Saero.

Nanlaki ang mata ng binata nang makitang basa na ang kanyang paa. Dali-dali siyang tumakbo ngunit huli na nang makita niyang unti-unting nagdidikit ang kanyang mga paa. Napahiga na lamang siya sa sahig habang patuloy na umilaw ang kanyang ibabang parte.

Napatakip ng bibig si Aché sa nakita.

“I-isa kang sireno?! O my gosh!”

Bumalot ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Isang sikreto na ang nabunyag.









Konti lang ba? Balakayojan. HAHAHAHS.

Did you know? EXO Chen is my port for Saero the Merman. Now you know. HAHAHAHAH.

Your votes and comments are truly appreciated. - Bunniculala

He's the Man with a TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon