Chapter 9: Sariena Palace

208 18 17
                                    

Halos maubos na ang mga batong nakapalibot sa kanya kakabato sa dagat. Muling napabuntong hininga si Herien at sumimangot.

“Ano ba 'yan? Nasaan na kaya siya?”

“Hinahanap mo 'ko?”

“Ay dilis!”

Nakita niya ang katawan ang isang lalaki 'di malayo sa kinaroroonan niya. Nakalubog ang kalahati ng katawan nito at hulmado ang bawat parte ng dibdib. Ang kulay asul nitong buhok ay bumabagay sa ngiting binibigay nito sa dalaga.

Hindi alam ni Herien kung ano ang nangyayari ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan muli si Aczeth. Tumakas pa siya sa hacienda nila upang makapunta lamang sa dagat.

“H-hindi kita hinahanap no! Ang kapal.”

“Ikaw ang bahala. Hahaha.”

Umahon si Saero at pinalutang ang sarili palapit sa dalaga. Tumabi siya dito at hinawi ang mga batong nakaipon sa paligid.

“Masamang nagbabato ng galit sa karagatan. Muntik mo na nga akong matamaan kanina,” paliwanag ng binata.

“Hmp.”

“Haha. Sige, eto na lang. Para mawala ang pagtatampo mo—”

“Hindi ako nagtatampo 'no!”

“Okay, iisipin ko na lang na hindi halata.”

“Nakakainis ka!”

Akmang susuntukin ni Herien sa balikat si Aczeth ngunit naunahan siya nito at naihiga sa buhangin. Kapwa sila nabiglang dalawa ngunit 'di mabawi ni Aczeth ang tingin sa magandang dalaga. Bahagyang nagulo ang gintong buhok nito na bumagay sa kulay abong mga mata. Makinis, maputi, at nange-enganyo ang mapula nitong labi ng isang halik.

Napalunok si Aczeth at nalipat ang tingin sa mga labi nito.

***

Namutawi ang lihim na ngiti sa bibig ni Saero nang mapansing namumula ang mukha ni Aché pagkatapos niyang hawakan ang kamay nito. Ngayon lang din niya naramdaman ang kakaibang pagpintig ng kanyang puso. It was almost surreal. Masyadong maganda sa pakiramdam na hiniling niya sa sarili na sana ay sirena na lang si Aché.

Ngunit hindi, hindi puwedeng magsama ang sirena at tao. Pinagbabawal iyon sa kaharian nila. Nawa'y hindi malaman ng kanyang mga kasamahan na hindi totoong sirena si Aché.

“Napatigil ka, Saero. Ayos ka lang ba?”

Muli niyang nasulyapan ang mukha ng dalaga.

“O-oo. Ayos lang. Halika na.”

“Ano bang meron sa kaharian ninyo? Katulad ba ng kaharian ni Ariel? Ay wait, may masamang octopus din ba kayo? Geez,” biglaang pagtanong ni Aché.

“Unang-una, hindi ko kilala kung sino si Ariel. Ngunit oo, may mga masasamang sirena rin na nakapalibot sa kaharian namin. Sila ang sirenang may itim buntot. Wala silang pinuno. Ang tanging gusto lamang nilang gawin ay manggulo at mang-agaw ng titulo. Ang ilan ay nagpapapanggap pang hindi kulay itim ang kaliskis, ngunit mapapansin mo sa kanilang mga mata ang pagnanasa na makuha kung anong meron ka. Mag-iingat ka, Aché.”

Napahawak ang dalaga sa kanyang braso. “Tinatakot mo naman ako eh!”

“Eh sino ba ang nagtanong? Hindi ba ikaw rin? Haha.”

He's the Man with a TailUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum