Chapter 11: Enemy

151 12 7
                                    

“Yeah. I'm back... for good?”

“Naku po. Matutuwa ang senyor kapag nakita niya kayo! Mahigit apat na taon din kayong hindi nakakabalik rito. Nararapat lamang na magsagawa ng pagbubunyi!” natutuwang sambit ng kasambahay nilang si Maya.

Malungkot na napangiti si Aché. Hindi niya alam kung magandang desisyon ba ang pagbabalik sa kinagisnang mundo.

Muli niyang nasulyapan ang malalaking litrato na nakasabit sa kulay kape nilang dingding. Kakakitaan ng kalumaan ang bawat litrato na laman ang mukha nilang magpamilya. Sa mga oras na gan'to, kasa-kasama niya ang kanyang ina habang tinitingnan ang mga nakadikit na alaala.

Nilapitan niya ang litrato ng kanyang Ina. Her mother's ash gray eyes was stunning. Nangungusap ang labi nito at malambot na nakadantay ang kulot na gintong buhok sa balikat. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa ng kanyang ina. Kung narito lamang ang kanyang ama ay paniguradong nagtatampo na iyon dahil wala man lang nakuha si Aché mula sa kanya. Napatigil ang mga mata ni Aché sa leeg ng kanyang ina.

There was a silver necklace with a blue scale pendant. Nanliit ang mga mata niya at pilit na inalala kung saan nakita ang kwintas.

Aché, alalahanin mo kung saan mo 'yon nakit— sa museum!

“Yaya! Magpapahinga po muna ako sa kwarto!”

Habang bitbit ang DSLR papuntang kwarto ay tinanggal niya ang SD card mula rito. Agad niyang hinanap ang laptop at nagmadaling pinasok dito ang card.

“Ito ang dahilan kung bakit kami hinahabol ng mga taong 'yon. Ano bang meron dito?”

Napakagat siya ng labi habang hinihintay na magload ang pictures na laman ng SD card. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lahat.

Sindikato. Punong-puno ang SD card ng mga litrato mula sa iba't-ibang transaksyon ng iligal na droga at kidnapping. May mga namumukhaan din siyang politiko na kasali dito. Ngunit isa lamang ang tinuturo ng litrato. Ang lider ng sindikatong nalaman niya.

“T-Tito?”

***

Napabuntong-hininga si Saero at malungkot na tinahak ang daan pabalik sa kanilang kaharian. Ngunit sa 'di kalayuan ay napansin niya ng isang maliit na bangkang pangisda. Laman nito ang dalawang pamilyar na tao sa paningin niya.

“SILA ANG MGA TAONG HUMAHABOL SA AMIN! SHIT!”

Nagmadali siyang bumalik sa dalampasigan ngunit agad siyang napatigil nang maramdaman ang kuryenteng bumalot sa kanyang katawan. Napadaing si Saero sa sakit.

“Huli ka sireno! Haha.”

“Matutuwa si Boss nito.”

Nasulyapan pa ni Saero ang paparating na lalaki sa kanyang harapan. Malaki ang ngisi nito at sinipa pa ang kanyang tiyan. Doon na siya tuluyang nawalan ng malay.

***

“Madali lang naman kaming kausap. Ibigay mo sa amin ang camera na 'yon at papakawalan ka namin,” nakangising hamon ng lalaki habang tinitingnan ang isang binata na nakatali sa upuan.

“Sabing wala na sa akin ang camera! Sino ba kayo? Mga tauhan ba kayo ng lalaking 'yon? Bakit? Takot rin ba kayong makulon—” hindi niya natapos ang sasabihin dahil sinipa siya ng lalaki sa tiyan.

“Elf Chua! Sa huling pagkakataon, nasaan ang camera?!”

Napatigil sa ginagawa ang lalaki nang tumunog ang cellphone nito.

“Bossing? Bakit?”

“Itigil mo na ang pagpapahirap sa lalaking 'yan. Natunton na namin kung nasaan ang camera at nahuli na namin ang sireno.”

Muling sumilay ang pagngisi sa labi ng lalaki at itinuon ang atensyon kay Elf na kasalukuyang naliligo sa sarili nitong dugo.

“Masusunod po, bossing.” Inilapag nito ang cell phone at napabuntong hininga.

“Hays. Sayang naman. Kanselado pa ang pagkitil sa buhay mo. Pinapalaya ka na ng bossing. Pasalamat ka, mabait 'yon. Depende sa tao. Hahaha.”

Iniwan ng lalaki ang cellphone nito kaya nakakuha ng tiyansa si Elf para makatawag. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang litrato ng sireno sa group chat ng mga sindikato.

“K-kuya?!”

***

Don't hate me please. Zkssksk. I'm a fan of unexpected twists.

He's the Man with a TailWhere stories live. Discover now