19

354 14 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas at mas lalo kami naging close ni Haruto. Madalas siya na yung kasama ko kapag wala si Amber.

Lagi siyang nandyan, feel ko nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Si Keita naman, nagbago na kami. Simula nung nag-away kami hindi na rin niya ako kinausap. Parang wala na ako sa paningin niya, marami ang nakapansin pero dedma lang kami ni Keita.

Hindi ko naman siya masisisi, saka baka nagsawa na rin siya sa ugali ko.

Tapos yung dare ko? Matatapos ko na siya. 3 days nalang ang tatapusin ko. Saka balak ko na rin sabihin kay Haruto yung about sa dare, tutal kaibigan ko naman na siya. Pero sana, wag siya magalit huhuhu.

"Cheyenneeee!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Amber na tumatakbo palapit sakin.

Nasa field ako ngayon dahil mahaba ang vacant namin, may meeting daw lahat ng teacher kaya wala masyadong klase. Ayoko rin naman umuwi ng maaga.

"Oh tig-isa tayo." Tapos binigay niya sakin yung isang ice cream na dala niya.

"Thank you." Tapos binuksan ko na yung ice cream na binigay niya.

"Pumayag kaba sa alok na date ni Doyoung?" Tanong niya.

"Oo pumayag ako, dapat ba hindi?" Tanong ko.

Ayun nga, this past few days rin pinopormahan ako ni Doyoung. Okay naman siya sakin, tbh isa siya sa mga type ko.

"Hindi naman. Hahaha, okay yan para may kasama ka sa school festival next next week." Natatawang sabi niya.

"Tsk! Eh ikaw sino naman ang kasama mo ha!"

Nilabas naman agad niya yung phone niya at pinakita sakin yung wallpaper niya.

"NO WAY! KAILAN PA?!" Gulat na tanong ko ng makita ko yung wallpaper niya.

Ngumiti muna siya bago sumagot.

"Nung nakaraan lang. Saka nag-uusap na rin kami, hindi ko lang sinasabi sayo kasi baka mausog mo." Nakangiting sabi niya. Pinalo ko naman siya sa braso niya.

"Nakakainis ka! Nagtatago kana sakin."

"Hoy hindi ako nagtatago sayo, saka 'dibale sana kung kami na ni Yoshinori! Nakakainis 'to!"

"Eh ano yang picture na yan ha! Kailan yan?" Pag iintriga ko sakanya.

"N-nung una movie date n-namin." Nauutal sagot niya at pinalo ko ulit siya sa braso niya.

"Nakakainis ka talaga! Ang harot harot mo." Natatawang sabi ko.

"Nakakadalawa kana ha. Sasaktan na kita dyan eh. Saka ikaw kasi humarot kana rin, wag mo na pakawalan yang si Doyoung. Ang cute kaya niya." Sabi niya tapos ngumiti ng nakakaloko sakin.

"May Yoshinori kana, wag mo na sabihan ng cute si Doyoung tss." Tapos irap ko sakanya.

"Asus! Gusto mo rin siya no?" Tapos tulak sakin ng mahina ni Amber.

Sasagot sana ako ng biglang may nagsalita.

"Ano yang gusto gusto na yan?" Napalingon agad kami ni Amber at nakita namin si Haruto na may dalang plastic.

"Ahh, itong si Cheyenne mukhang gusto rin si Doyoung eh." Sagot ni Amber tapos umupo si Haruto sa gitna namin.

"Tsk, nalaman mo lang na interesado siya sayo gusto mo na agad?" Seryosong tanong ni Haruto.

"W-wala naman ako sinabi na gusto ko siya eh. Sinabi lang naman ni Amber." Sagot ko. Bakit ang seryoso?

Napansin ko kapag si Doyoung yung topic namin lagi siyang seryoso, tapos kapag binabati siya ni Doyoung hindi niya pinapansin.

"Oh bakit ka seryoso dyan? Don't tell me nagseselos ka sakanila?" Natatawang sabi ni Amber.

"Hindi ako nagseselos, ayoko na may umaaligid sakanya. At ang bilin sakin ni Kuya Danik ang bantayan siya, at ikaw rin lagot din ako kay Kuya Hyunsuk." Sagot ni Haruto tapos binigyan niya kami nung favorite cupcake namin ni Amber.

Ayun, si Haruto na yung palagi namin kasama ni Amber. Mas naging komportable na rin kami sakanya at palagi siyang nandyan para samin.

Si Summer, iniwan na kami sa ere.

"Haruto, nakita mo ba si Yoshinori?" Tanong ni Amber kay Haruto.

"Magkakasama daw sila ni Keita kanina, monthly evaluation kanina eh." Sagot ni Haruto.

"Ikaw? Hindi ka kasama?" Tanong ko.

"Kasama, doon nga ako galing kanina kaya nabilhan ko rin kayo ng cupcake." Sagot ni Haruto kaya tumango nalang ako.

Habang nagkikwentuhan kami ng random things, biglang tumayo si Amber.

"Guys una na muna ako, tinext ako ni Yoshinori sa cafeteria daw kami magkita." Paalam ni Amber habang nakatingin parin sa phone.

"Sige sige, sabihan mo agad kami kung samin ka sasabay pauwi ha." Bilin ko sakanya tapos tumango naman siya nagpaalam na samin.

"Alam mo ba si Yoshinori kanina puro Amber ang sinasabi, kesyo daw si Amber ganyan ganito." Natatawang sabi ni Haruto.

"Ay weh? Hahahaha, si Amber rin eh ganyan din sinasabi niya. Bagay naman silang dalawa. Diba?"

"Tao sila." Pilosopong sagot niya.

"Eh kung sapakin kita dyan ngayon." Banta ko.

"Joke lang hahaha. Pero mapunta nga tayo sayo, pumayag kaba sa alok ni Doyoung na lumabas kayo this saturday?" Diretso at seryosong tanong niya.

"Oo, nakakahiya naman tumanggi eh."

"Anong nakakahiya doon? Eh kung ayaw mo talaga dapat hindi ka pumayag."

"Eh gusto ko rin siya makilala eh."

"HA? So gusto mo rin siya?" Oa na tanong ni Haruto.

"Eh ano naman kung gusto ko siya?"

"E-edi gusto mo siya tsk." Masungit na sagot niya.

"Hahahahaha, ito naman over protective. Wag kang mag-alala kapag naging kami naman hindi kita kakalimutan, isasama kita sa date namin." Nakangiting sabi ko sakanya tapos tap sa balikat niya.

"At talagang iniinsist mo na magiging kayo ha?"

"Oo naman, bakit masama ba ha?"

"Tumigil ka nga, parang ewan 'to." Natawa naman ako sa inaakto niya and i suddenly remember Keita. I suddenly miss him.

"By the way, how's Keita?" Tanong ko.

"Okay naman siya, may pinopormahan siya ngayon eh. Pero hindi ko kilala." Sagot ni Haruto. My heart shatterd into pieces.

"Oh bakit natahimik ka?"

"Wala. Well, I'm happy for him." Sagot ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo ibaba yang pride mo at kausapin mo na siya?"

"Ayoko nga. Siya nga rin yung umiwas eh. Bahala siya dyan, kung kaya niya ako tiisin kaya ko rin." Matigas na sabi ko.

Hindi ko ugali na ako yung unang magsosorry, kahit na kasalanan ko. Hindi ko alam, basta ganito ako. At alam niya yun, kilala ako ni Keita.

Kaya siguro nagsawa na rin siya sa ugali ko.

"Grabe talaga 'to, tara na nga. Umuwi tayo ng maaga ngayon." Yaya niya sakin at tumayo at naglakad na pababa ng bleachers.

Sumunod nalang ako sakanya at dumiretso na kami sa building namin.

Habang tahimik na naglalakad kami ni Haruto. Biglang may humawak sa braso ko, inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Keita.

"Can we talk?" Seryosong tanong niya.

Napatingin ako kay Haruto, at sinenyasan niya ako na "sige".

"Okay." Sagot ko.

DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Where stories live. Discover now