58

153 6 4
                                    

Haruto's POV

"Nasabihan mo naba si Cheyenne? Saturday na bukas." Tanong sakin ni Kuya Hanbin habang nagbbreakfast kami.

"Hindi pa, nag-away kami kahapon eh. Pero okay na rin kami, sabihan ko nalang siya mamaya." Sagot ko at inubos na yung pagkain ko.

"Wag mo kalimutan ha." Paalala sakin ni Kuya Hanbin at nag thumbs up nalang ako bilang sagot ko at kinuha na yung bag ko.

"Alis na ako." Pagpapaalam ko at lumabas na sa bahay.

~

Pagdating ko sa gate ng school biglang may sumulpot sa harap ko.

"Congrats." Walang emosyon na bati sakin ni Nicole.

"Congrats para saan?" Takang tanong ko.

"Sainyo ni Cheyenne. Kayo parin ang nagkatuluyan, sana hanggang dulo." Tapos nginitian lang ako at umalis sa harap ko.

"Bakit kapa nag effort na pumunta dito para sabihin sakin yan?" Tanong ko.

Napalingon naman siya at lumapit ulit sakin.

"Gusto ko lang. Masama bang mag-effort para sayo?" Tapos ngumisi.

"Kung ganun salamat sa effort mo." Walang ganang sabi ko at umalis na sa harap niya.

Weirdo.

"Kuya kuya!" Napalingon ako sa kumalabit sakin at nakita ko si Cheyenne na nakangiti.

Wow nasa mood ang girlfriend ko.

"Kuya kuya ka dyan, boyfriend mo ko." Natatawang sabi ko, natawa rin naman siya.

"Ohh, nakasalamin ka anong meron?" Tanong niya.

Sinuklay ko yung buhok ko at pataas gamit ang mga daliri ko bago sumagot.

Sinuklay ko yung buhok ko at pataas gamit ang mga daliri ko bago sumagot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: damay-damay na 'to!! Huhuhu gwapo!!!! Visual King aaaaaahhhh!!)

"Bagay ba?" Nakangiting tanong ko.

Napansin kong namula siya at umiwas ng tingin.

"Oh bakit? Hindi ba bagay?" Takang tanong ko.

Tinamad na ako mag-ayos kaya nagwhite t-shirt nalang ako. Pwede naman na mag civilian.

"Hindi ba bagay yung salamin ko?" Dagdag ko.

"Hindi. Hindi ko lang alam yung sasabihin ko." Sabi niya tapos nagpatuloy na sa paglalakad at naiwan akong dumbfounded.

Napailing nalang ako at sinundan siya.

Habang naglalakad kami ni Cheyenne papunta sa building namin, napansin ko na maraming babae ang nakatingin sakin.

Sanay naman na ako, ikaw ba naman magkaroon ng ganitong mukha pagtitinginan ka talaga. Kaya sorry akin.

DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Where stories live. Discover now