22

309 13 7
                                    

Nakakadalawang araw na ako sa community service ko. Pinag walis ako sa hallway, from 1st floor to 4th floor. Nakakapagod sobraaa, every after class yun.

Pero, buti nalang nandyan si Haruto, Amber saka Keita natulungan rin nila ako.

Ngayon naman, friday na at sa library ako hanggang monday. Then tapos na hehe.

"Sa library ka ngayon?" Tanong ni Keita habang inaayos yung gamit niya.

"Oo, mauna kana. Baka malate ako ng uwi ngayon." Sabi ko sakanya tapos sinukbit ko na yung bag ko.

"Sige sige, saka pupuntahan ko pa si mommy sa office niya eh. Text mo ko kapag nakauwi kana." Nakangiting sabi niya tapos tap sa ulo ko at umalis na.

Dumiretso na ako sa library at may mga estudyante parin na nagbabasa doon.

Nilapag ko muna yung bag ko sa front desk at nagsimula na kunin yung trolley na may mga libro na hiniram ngayong araw. Ang gagawin ko ngayon dito, ilalagay ko kung saang book shelf sila naaayon.

Nagsuot muna ako ng earphone at tumingin sa wrist watch ko.

"Okay, 5pm dapat tapos na ako ng 5:30 or 6pm." Sabi ko sarili ko at nagumpisa na ako maglagay ng mga libro sa book shelf.

~

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng mga libro sa bookshelf pagtingin ko doon sa susunod na libro, medyo mataas yung paglalagyan niya.

"Bakit ba kasi walang tungtungan eh." Pabulong na reklamo ko at tumingkayad ako para malagay ko yung libro.

"Aish!" Inis na pabulong na sabi ko. Tumingkayad ulit ako para malagay yung libro at nagulat ako ng biglang may humawak sa libro na hawak ko, kaya napalingon ako at nabasa ko agad yung pangalan niya sa gilid ng uniform niya.

Ang lapit namin masyado..

"T-thank you." Nauutal na sabi ko at umiwas ng tingin.

"You're always welcome." Nakangiting sabi niya.

"Ano pa ginagawa mo dito? Diba dapat nakauwi kana?" Tanong ko sakanya habang naglalagay ng mga libro.

"Nag research kasi ako kanina, eh kakatapos ko lang rin saka nakita kita dito." Sagot niya.

"Oh I see."

~

Pagtapos namin maglagay ni Haruto ng mga libro sa book shelf, lumabas agad kami ng library at dumiretso palabas ng school.

"Nagugutom ako." Napatingin ako kay Haruto na nakahawak pa sa tyan niya.

"Kain tayo?" Tanong ko.

"Kain lang. Wala pang tayo. Tara!" Sabi niya tapos akbay kami papunta sa convenience store.

Pagpasok namin kumuha agad kami ng ramen at binayaran sa counter, syempre dito na rin namin kakainin.

"Bukas na pala yung date niyo nung Doyoung." Sambit ni Haruto habang hinahalo yung ramen niya.

"Yeah, hindi ko nga alam kung matutuloy kasi busy siya."

"Edi maganda. Wala akong tiwala doon." Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"Ito napaka mean mo kay Doyoung."

"Pasasalamatan mo rin ako sa huli." Tapos sip doon sa noodles niya.

"Asus. Eh kung kay Keita nalang ako?" Out of nowhere na sambit ko. Nabigla naman si Haruto sa sinabi ko at pati ako. MYGHAD!

"Teka, let me explain." Dagdag ko.

"Okay." Matipid na sagot ni Haruto.

"Alam kong hindi ko pa nasasabi sayo na gusto ko si Keita. Siguro mga 4 years na? Ganun. Kaya siguro wala akong nagugustuhan na iba kasi siya lang yung gusto ko." Explain ko.

"Ahh ganun ba." Expressionless na sabi ni Haruto.

"Ganyan lang reaksyon at tanong mo?" Tanong ko.

"Ano ba dapat maging reaksyon ko?" Seryosong tanong niya.

"Wala wala. Akala ko kasi magugulat ka or what. But good thing na rin yung alam mo na si Keita yung gusto ko." Sabi ko at nagumpisa na kainin yung ramen ko.

"What if, i like you? What will be your reaction?" Tanong ni Haruto. Kaya napatigil ako sa pag sip ng noodles ko at napatingin sakanya.

"Shock?" Hindi sure na sagot ko.

"Hahaha joke lang." Sabay tawa niya.

"Ito! Wag ka nga magbiro na ganun, nakakainis 'to." Inis na sabi ko sakanya at pinagpatuloy yung pag kain sa ramen ko.

Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung anong kaba 'to.

"I'm done. Hatid na kita sainyo pagtapos mo niyan." Sabi niya at ininom yung strawberry milk na binili niya.

Binilisan ko na yung pag kain ko para makauwi na kami, mag 7 pm na rin ng gabi.

"Tara?" Yaya ko sakanya matapos ko inumin yung strawberry milk na binili niya sakin.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sinukbit na yung backpack ko sa likod.

"Wait." Sabi niya tapos lumapit sakin.

At nagulat ako ng bigla niyang punasan yung parehas na gilid ng labi ko.

(A/N: gamit na gamit 'tong scene na 'to)

"I have to." Seryosong sabi niya tapos tinalikuran ako at naglakad.

Bigla ako napahawak sa dalawang pisngi ko. Feel ko namumula ako, myghad bakit ganito!

Napailing nalang ako at hinabol siya at sinabayan maglakad.

Nang makarating na kami sa bus stop, naupo muna ako at tinabihan niya ako.

"Haruto, pupunta ka sa festival next next week?" Tanong ko.

"Oo, kailangan eh. Bakit?" Tanong niya.

"Ahh, wala wala. See you hehe." Nakangiting sabi ko.

~

"Sasama kaba talaga sakanya bukas?" Tanong ni Haruto ng makarating na kami sa bahay.

"Oo nga, ang kulit nito. Gusto mo ba sumama?" Sarcastic na tanong ko.

"Sure! Saan ba kayo pupunta?" Nakangiting sabi niya.

"Kung gusto mo lang pala gumala kasama na ako, may sunday pa. Ikaw naman sa sunday, ibigay mo na yung saturday kay Doyoung. Saka mas nauna siya magyaya." Nag pout naman siya sa sinabi ko. Seriously? Anong meron kay Haruto ngayon?

"2 timer ka." Parang bata na sabi niya.

"Ikaw paepal ka naman." Asar ko sakanya.

"Sama na kasi ako, wala ako gagawin bukas. Tapos sa sunday meron na."

"Hindi pwede. Kung gusto mo humanap ka ng iba na makakasama mo, okay?" Sabay tap ko sa balikat niya at nginitian siya.

"Ikaw gusto ko kasama, kasi alam kong hindi ako mabobored kapag ikaw kasama ko." Tapos pout nanaman. Napahilamos nalang ako sa kakulitan niya, pero ewan ko feel ko may something. Idkkkkk!!

"Alam mo umuwi kana dahil gabi na. Okay? See u on sunday." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Tsk! Bahala ka dyan nagtatampo na ako."

"Alam mo sa susunod hindi na tayo kakain ng ramen, iba epekto sayo eh."

"Ewan ko sayo, aalis na ako." Sabi niya saka naglakad na paalis.

"Ingat ka ha." Natatawang sabi ko pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Natawa naman ako habang pinapanood siya na makalayo.

DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Where stories live. Discover now