62

134 7 0
                                    

Haruto's POV

Friday na at last na sa school then graduation na sa Monday.

Lahat ng estudyante picture dito, picture doon at yung iba abala sa pagkuha ng mga ticket para sa concert mamaya sa field.

"Kuya Haruto?" Napalingon ako sa kumalabit sakin at pagharap ko may tatlong babae na nagtutulakan.

"Magpapicture po sana kami, bago kayo umalis dito sa school." Sabi nung isang babae. Pagtingin ko sa tag nila mga junior palang sila.

"Sure." Nakangiting sagot ko at isa-isa silang nagpapicture sakin.

"Salamat po." Nakangiting sabi nila saka umalis.

Pagpasok ko sa room nandoon na yung iba kong classmate at naghahanda para sa farewell party namin. May mga pagkain, balloons, speakers etc.

"Uy Haruto sakto nandito kana, idikit mo 'tong mga balloon sa ceiling." Bungad sakin ni Amber pagpasok ko sa room.

Natapos na ang pagdedecorate namin sa room at nag-umpisa na rin magkaroon ng mini program sa room para sa farewell party namin.

Habang nagkakasayahan kinalabit ako ni Amber.

"Nasabihan mo naba si Cheyenne na may napili ka ng university?" Tanong niya sakin.

"Wala pa, hindi pa kami masyadong nag-uusap about dyan." Sagot ko.

"Ahh, pati ba siya wala parin nasasabi sayo?" Tanong ulit niya.

"Wala pa, feel ko nga may problema talaga sakanila ayaw lang niya sabihin."

"Ganun ba? Sige try rin namin na kausapin si Cheyenne." Nakangiting sabi niya, tumango naman ako at nginitian rin siya.

~

Natapos na ang mga farewell party sakanya-kanyang room at oras na para open concert.

Dumiretso agad ako sa room nila Cheyenne at naabutan ko siyang tumatawa kasama yung mga classmate niya.

"Uy Cheyenne boyfriend mo!" Sigaw ni Asahi ng makita niya ako. Napalingon naman si Cheyenne at ngumiti ako tapos kinawayan siya.

Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya sa room nila saka lumabas.

"Free kaba this weekend?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami papuntang field.

"Oo naman, para sayo." Sagot ko.

"Hindi nga? Seryoso ako."

"Oo nga free ako. Bakit ba?"

"Date tayo sa sunday." Diretsong sabi niya at napatingin naman ako sakanya. Dahil ito yung first time na niyaya niya ako magdate na official na kami.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo?" Mabilis akong umiling at ngumiti.

"Syempre gustong gusto." Nakangiting sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Hoy bitaw nga, pinagtitinginan tayo." Sita niya sakin.

Natawa nalang ako at binitawan siya.

"Tara na nga mag-uumpisa na yung concert." Sabay hila sakanya papuntang field.

Cheyenne's POV

Habang naghihintay kami sa field para last song, lumabas na yung mga tutugtog pero wala parin si Haruto. Ang pagpapaalam niya magccr lang daw siya pero kanina pa wala.

"Asahi! Napansin niyo si Haruto sa cr?" Tanong ko kay Asahi na kasama si Mashiho na galing sa cr.

"Hindi. Kami nga lang dalawa nandoon eh." Sagot niya.

"Baka bumili lang yung ng pagkain dyan sa mga booth, ito naman nawala lang ng ilang minuto hinahanap na agad." Sabay irap sakin ni Mashiho.

"Bitter ka lang wala ka kasing jo—"

"Mashiii!" Putol sakin ni Rae na may gusto kay Mashiho.

"Ang laki-laki ng field nahanap mo parin ako." Reklamo ni Mashiho habang nakatago sa likod ni Asahi.

"Ikaw naman, last na day na nga ngayon hindi mo parin ako mapagbigyan kahit isang picture lang eh." Malungkot na sabi ni Rae.

"Oo nga Mashi, pagbigyan mo na." Singit ni Summer.

"Ito magpapapicture lang yung tao ayaw mo pa." Dagdag ko.

"Anong isang picture? Ilang beses na kaya nagpapicture sakin yan. Minsan nga kapag tulog ako sa library nagpipicture yan kasama ako eh!" Singhal samin ni Mashiho.

"Sige aalis na ako. Sorry." Malungkot na sabi ni Rae at naglakad palayo samin.

"Ang sama ng ugali mo!" Galit na sabi ni Yoshinori.

Agad ko naman hinabol si Rae at hinila palapit kay Mashiho.

"Hoy Cheyenne anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Mashiho at mas nilapit pa siya ni Asahi kay Rae.

"Isang picture lang. Pagbigyan mo na, libre mo na samin 'to." Pagpipilit ko sakanya at sumang-ayon naman yung iba.

Inirapan lang kami ni Mashiho at wala ng nagawa kundi ang magpicture kasama si Rae.

Pagkatapos ng picture nila ni Mashiho at Rae siya naman ang dating ni Haruto.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sakanya.

"May pinuntahan lang ako." Sagot niya.

"Totoo?" Pagdududa ko.

"Oo nga, tignan mo lalabas na yung last na banda." Sabi niya saka hinawakan ang ulo ko para mapatingin sa stage.

Pero tumingin ulit ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Natatawang tanong niya.

"Hindi ako naniniwala." Pagmamatigas ko at sinamaan siya lalo ng tingin.

Mas lalo naman siya natawa at inakbayan ako saka mas nilapit pa sakanya.

"Wala nga. May pinuntahan lang ako, okay?" He smiled then he kissed the top of my head.

Nakaramdam ako ng butterflies sa aking tummy dahil sa ginawa. Kahit kami na nandoon parin yung kilig.

Nag-umpisa ng mag-intro yung banda at sobrang familiar non.

Napatingin agad ako sakanya ng malaman ko kung ano yung tutugtugin nung banda, nakangiti lang siya habang nakatingin doon sa stage.

"Kaya kaba nalate dahil dito?" Tanong ko sakanya at tumingin siya sakin.

"Oo, bakit ayaw mo ba ng kanta?" Napailing ako at ngumiti sakanya.

"Hindi ah. Wala naman ako sinabi." Nakangiting sabi ko.

"Akala ko hindi mo magugustuhan eh."

"Thank you, i love you." Napangiti naman siya lalo sa sinabi ko at he kissed on my forehead.

"I love you too."

"Ang tamis ha!" Asar samin ni Amber.

"Wag mo kasi tignan para hindi ka mainggit." Natatawang sabi ni Yoshinori saka inakbayansi Amber.

"Hindi mo kasi ako kinikiss eh." Narinig kong sabi ni Amber.

Natawa nalang kami sakanila at inenjoy yung kanta.

~

A/N: sorry medyo maikli lang 'tong part na 'to. Saka wag na kayo mabagot isang bagsakan na 'tong ud na 'to then tapos na 😭

DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon