59

146 7 5
                                    

Cheyenne's POV

"Cheyenne wala ka bang lakad ngayon?" Tanong ni Kuya Danik habang nanonood ng TV.

"Pinag-iisipan ko pa kung meron. Ayaw niyo naman ako isama mamaya." Sagot ko at umupo sa kabilang sofa.

"Sasabihan ka naman namin kung ano mangyayari sa usapan eh."

"Kahit na. Mas maganda kung nandoon din ako." Sabay irap sakanya.

"Mas maganda kung kayo ni Haruto ang lalabas. Gusto mo sabihan ko siya na lumabas kayo ngayon?" Nakangiting sabi niya sabay labas ng cellphone niya.

"Hindi na kailangan. Pinapapunta nila ako sa bahay nila ngayon." Walang ganang sabi ko habang nanonood ng TV.

"Edi maganda." Sagot niya.

~

6 pm na at nag-aayos na si mommy saka si kuya danik para sa pupuntahan nila.

"Anong oras kita susunduin kina Haruto?" Tanong ni Kuya Danik sakin.

"Kung kailan kayo matatapos sa usapan niyo." Sagot ko.

"Anong oras ka susunduin nila Haruto dito?" Tanong ulit niya.

"Maya-maya konti." Sagot ko ulit.

Hindi na siya nagtanong at nagpaalam na sakin, pati na rin si mommy.

"Mag text ka samin kapag nasa bahay kana nila Haruto ha." Paalala ni mommy, tumango nalang ako bilang sagot at lumabas na sila.

Agad ko namang kinuha yung phone ko at tinawagan si Haruto.

"Hello, ready kana?" Tanong niya ng sagutin niya yung tawag ko.

"I'm sorry. May biglaang lakad kami nila Kuya Danik saka ni Mommy eh, ngayon lang rin nila sinabi sakin." Pagsisinungaling ko.

Sorry.

"Ganun ba? Akala ko pa naman makakapunta ka dito. Sige sabihan ko nalang sila mommy." Bakas sa boses niya ang pagkabigo.

Nakaramdam ako ng matinding konsensya, pero kailangan ko gawin 'to.

Alam ko na hindi sasabihin ni Mommy at Kuya Danik kung ano yung mapag-uusapan nila.

Itatago lang nila sakin yun, dahil ayaw nilang mamroblema ako.

"Babawi ako, promise. Sorry talaga."

"Okay lang, ingat kayo sa pupuntahan niyo." Sabay baba ng phone call.

Napabuntong hininga nalang ako at dali daling umalis sa unit na tinutuluyan namin.

~

Pagbaba ko sa taxi dumiretso agad ako sa restaurant na pagkikitaan nila mommy.

Inayos muna ang sarili ko bago ako pumasok.

Inayos muna ang sarili ko bago ako pumasok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon