36

249 10 1
                                    

Cheyenne's POV

Pagtapos namin kumain, nagpahinga at nagkwentuhan muna kami sandali bago namin napagpasyahan na pumunta na sa horror house.

"Hoy Mashi wag mo ko bitawan dyan ha. Takot ako sa horror house." Paalala ko sakanya, natawa naman siya sa sinabi ko.

"Goodluck Cheyenne goodluck." Mapang-asar na sabi niya.

"Sasapakin kita!" Parang bata na sabi ko at pinapasok na kami.

Jusko hindi ko kaya 'to!

"Pwede ba umatras?" Tanong ko.

"Hindi pwede!" Sabay-sabay na sagot nila Keita.

I don't know kung kasama doon si Haruto.

Aish! Bakit ba ako puro Haruto, sanay naman ako na iniignore non. 

Sanay nga ba?

Nang medyo nakalayo na kami sa entrance, puro sigaw na nangyari kasi doon na nagsimula yung gulatan session. Syempre kasama na ako sa mga sumisigaw.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagsigaw, bigla namin narinig yug parang may tumatakbo. Tapos sa effect may sumigaw ng "RUN"  kaya napatakbo agad kami at nagkabitaw kami ni Mashi at hindi ko na siya nasundan.

Ako nalang mag-isa, tapos nakita ko may dalawang way. Hindi ko alam kung saan ako papasok.

Papasok na sana ako sa kaliwa, tapos biglang may sumigaw ulit sa effect na "RUN" kaya nataranta agad ako at tatakbo na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko at napatakbo na rin ako habang hawak parin yung kamay nung humawak sakin.

Nang medyo kumalma na yung atmosphere, napansin ko na yung kung sino yung humawak sa kamay ko at ang nakita ko..

Si Haruto.

Napatingin ako sa paghawak niya sa kamay ko at bigla ako nakaramdam ng butterflies sa tyan ko. Bakit ganito!?!?!?

Sumunod nalang ako sa paglakad niya hanggang sa makalabas kami.

"Oh akala namin nawala na kayo." Sabi ni Summer paglabas namin. Nandoon na pala sila lahat.

Bigla naman binitawan ni Haruto yung kamay ko at agad na inaapproach si Nicole. Wow okay.

Nang masulit na namin yung amusement park, napagpasyahan namin na umuwi na dahil medyo gabi na.

~

"Dito kana Cheyenne." Sabi ni Keita at napatingin ako sa labas at nasa tapat na nga kami ng namin.

Nagpaalam na ako sakanila at lumabas na sa van.

Pagpasok ko sa bahay, tulog na ang mga tao kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nag-ayos.

Pagtapos ko magpalit ng pang tulog, nahiga agad ako nag scroll muna sa twitter ko. Biglang nag pop up yung unknown number, kaya agad ko naman binuksan 'to.

From: 09********
Hi Cheyenne! This is Kuya Hanbin, invite ka sana namin tomorrow dinner yun. I will pick you up with Haruto. Goodnight!! ☺️

Napabalikwas ako ng upo dahil sa nabasa ko at binasa ulit yung text.

Hindi ako nagkamali sa nabasa ko at totoo nga na nagtext yung kuya ni Haruto. Oh my god.

Pupunta ba ako? Eh susunduin daw ako eh??

Argh!!

~

Magdamag lang ako naglaro ng xbox dahil hindi ako matulog, hindi ko alam kung bakit basta tuwing pinipilit ko na matulog nagigising rin ako.

DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя