43

278 8 2
                                    

Cheyenne POV

Nakarating na kami sa claw machine cafe na gusto daw puntahan ni Haruto.

"Upo kana dyan, ako nalang oorder." Sabi niya tapos pinaupo na ako doon sa bakanteng upuan.

Habang naghihintay ako sakanya, bigla naman nag vibrate yung phone ko at nagtext lang pala si mommy. Nag reply naman agad ako na uuwi rin agad ako at kasama ko si Haruto.

Hindi rin nagtagal nakarating na rin si Haruto dala yung mga inorder niya.

"Strawberry milkshake and strawberry cheesecake para sa isang babae na puro nalang ang ginawa buong week." Nakangiting sabi niya pagbigay niya sakin nung pagkain ko.

"Hahaha thank you." Nakangiting sabi ko at tinikman agad yung milkshake.

"Uy ang sarap ah!" Surpised na sabi ko.

"Oo naman, kaya nga kita dinala dito eh kasi alam kong magugustuhan mo." Nakangiting sabi niya tapos kindat.

"Pakindat kindat kapa. Tusukin ko mata mo using this fork eh." Banta ko sakanya pero natawa lang siya at kinain na yung inorder niya.

"Nasaan na pala yung rose na binigay sayo kanina?" Tanong niya.

"Iniwan ko sa room. Ang hassle kasi kung bubuhatin ko pauwi eh, baka siksikan mamaya sa bus." Sagot ko.

"Weh? Sayang naman yung rose kung ganun."

"Edi kunin mo kung nasasayangan ka." Mataray na sabi ko.

"Oh? Bakit ang sungit mo dyan? Sinasabi ko lang naman ah, mahal kaya ang rose." Napa roll eyes nalang ako sa sinabi niya.

"Pumunta kana kasi, parag ewan naman 'to eh." Pangungulit niya.

"Ayoko nga. Ang kulit kulit niyo." Inis na sabi ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo? Nandoon naman kami eh."

"Eh ano naman?" Mataray na sagot ko tapos tumingin sakanya.

"Bahala kana nga, kung ayaw mo. Edi ayaw mo." Parang bata na sabi niya tapos inom doon sa drink niya.

"Tss."

"Para nga wala ng nagyayaya sakin na maging date nila eh." Bulong niya pero sapat na yun para marinig ko.

"Narinig ko yun." Napatingin naman siya sakin.

"Eh ano naman kung narinig mo." Pagtataray niya.

"Tinatarayan mo ba ako ha!" Galit na tanong ko.

"Oo, bakit? Ikaw lang ba may karapatan dyan ha! Ikaw lang pwede magtaray?" Ganti niya.

"Aba? Gusto tuktukan kita dyan ha!" Banta ko sakanya tapos amba ng kamao.

"Sige sige! Abot mo ko ha!" Sabi niya tapos tayo. Okay, siya na matangkad. Bastos eh no!

"Ahh basta bahala ka sa buhay mo, hindi talaga ako sasama sa prom na yan. Mahanap ka ng ibang kadate mo." Sabi ko sakanya tapos crossed arms.

"Wow? Wow lang talaga ha. Pupunta talaga ako kahit wala ka doon." Sagot niya tapos umupo na.

"Talaga! Alam naman nating dalawa na kaya mo ako pinipilit kasi ako yung gusto mo maging partner! Ano ha ano!" Pagmamayabang ko.

"H-ha! Ang kapal naman talaga ng libro mo!" Napansin kong namula yung tenga niya tapos umiwas ng tingin sakin.

Natawa naman ako sa inakto niya.

"Oh ano ngayon hindi ka makatingin kasi totoo! Ako yung gusto mo maging kadate!" Natatawang sabi ko.

"Feeler ka pala no?" Tanong niya.

"Hindi naman, totoo lang talaga yung sinasabi ko." Nakangiting sabi ko.

"Marami pa namang babae na maganda dyan, kesa sayo." Masungit na sabi niya.

"Pero ako parin ang gusto mo." Pagmamataas ko.

"Bilisan mo na nga kumain. Ihahatid na kita sainyo." Sabay tayo niya at labas.

Mabilisan kong inubos yung milkshake ko at agad na kinuha yung mga gamit ko at lumabas na ng cafe. Naabutan ko siyang nakatayo doon at naka crossed arms.

"Attitude kana sis? Porker nareject kita?" Asar ko sakanya.

"Wag mo ko asari dyan." Sabi ng hindi nakatingin sakin at naglakad na papunta sa bus stop.

"Pikon naman pala si Haruto Watanabe." Nakasunod na sabi ko sakanya.

Nang makarating na kami sa bus stop st hanggang sa makasakay kami hindi na ako pinansin ni Haruto.

Nanahimik nalang rin ako at hinintay na makababa kami.

~

Saturday.

Sa friday prom na.

Okay.

"Cheyenne?" Napalingon ako at nakita ko si mommy na nasa pintuan.

"Bakit po?" Tanong ko at umupo sa kama ko. Kakagising ko lang rin kasi.

"May prom pala kayo. Bakit hindi ka nagsasabi sakin?" Tanong niya at umupo sa kama ko.

"Hindi naman po ako pupunta, kaya hindi na ako nagsabi." Sagot ko.

"Bakit naman? Wala kang ka date?" Natatawang tanong ni mommy.

"Hindi yun! Ayoko lang talaga sumama."

"Sus, sumama kana. Sasama pala sila Amber eh lalo na si Haruto." Nakangiting sabi niya.

"Kaya mo ba nalaman na may prom kami kasi sinabi ni Amber?" Napaiwas siya ng tingin at ngumiti na akala mo walang alam.

"H-hindi ah."

"Ma, ayoko okay? Hindi ako sasama." Sabi ko sakanya at humiga na at nagtalukbong ng kumot.

"Sayang naman kung hindi ka pupunta, walang date si Haruto. Ikaw pa naman daw ang gusto non maka date kaya nangrereject ng babae ngayon." Diretsong sabi niya.

"Ayoko parin." Pagmamatigas ko.

"Sayang rin yung pag hire namin ng kuya ng designer for your gown, kapag nadown na rin si Kuya Danik mo. Saka excited rin siya makita na yung little sister niya aattend ng prom." Napatanggal agad ako ng kumot at tumingin sakanya.

"Ayoko parin. Icancel niyo na yung pag design." Pagmamatigas ko.

"Hindi mo ba pagbibigyan si mommy?" Pagpapaawa ni mommy.

"Ma, wag naman po ganyan oh. Ayoko po talaga."

"Please?" Dagdag pa niya.

Napa sigh nalang ako.

"Pag-iisipan ko po, okay?" Sabi ko sakanya at nagtalukbong ulit ng kumot at nag scroll sa soc med ko.

Narinig ko naman na sumara na yung pintuan ng kwarto ko kaya tinanggal ko na agad yung pagtatalukbong ko ng kumot.

Tumayo na rin ako at binuksan ang TV sa kwarto ko at naupo sa sofa.

Habang nanonood ako, bigla namang nag ring yung phone ko kaya agad ko naman itong kinuha sa kama ko at nakita ko na si Haruto yung tumatawag.

"Yo!" Bati ko pag sagot ko ng phone.

"Tampo parin ako." Parang bata na bungad niya sakin.

"Eh ano gusto mo gawin ko?" Pagbibiro ko.

"Suyuin mo ko." Sagot niya.

"Boyfriend ba k—" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya ako babaan.

"Wow? Siya pa may ganang babaan ako ng phone eh siya nga 'tong tumawag." Inis na sabi ko.

Binato ko ulit yung phone ko sa kama ko at pinagpatuloy nalang ang panonood ko.

DARE || Haruto Watanabe [COMPLETED]Where stories live. Discover now