Chapter 3

5.2K 376 63
                                    

"Tangina talaga, oh." Nakailang irap na yata ako sa kanya pero panay pa rin ang ngiti ng hayop na ito. Napapadyak na ako. "Tangina!"

"Gigil ka naman." Tumawa siya, halatang aliw na aliw. Sinubukan niyang hawakan ang kamay pero tinapik ko iyon palayo.

"Gago ka, ah." I spat at her. I crossed my arms and gave her a menacing look. "Noli me tangere!"

"Wow, witty!" Pumalakpak pa ang bwisit. "Pasensya naman, ano, Maria Clara. Hindi ko alam na conservative ka."

"Hoy, Eris Belona ─"

"Abelardo," pagc-correct niya. Umismid lang ako.

"Eris whatever." sabi ko na lang. "Hindi tayo close kaya lumayu-layo ka sa akin."

Nagkibit siya ng balikat. Mula sa dalang bag ay may kinuha siyang mansanas. Napangiwi ako nang kagatin at kainin niya iyon. Like, kadiri! Baka madumi ang bag niya! Yung apple, baka puro germs! Kagandang babae pero dugyot talaga. Hindi ko na lang siya inintindi at umalis na.

Ang dumi ko, pakiramdam ko ang baho ko. Kadiri yung pawis. Mamamatay na yata ako! Kinuha ko ang puti kong panyo at ipinunas iyon sa noo at leeg ko habang naglalakad. Siguro naman nasa old building pa rin ang clinic. Sa pagkakatanda ko ay hindi iyon ganoon kalaki pero malinis, yung mga bed sheets doon halatang laging napapalitan, lalo na kung pagkatapos magamit. Amoy malinis din. Doon, mas komportable.

Baka pwedeng mapakiusapan ko yung tao roon na mag-stay muna pagkatapos maligo. Sana si Sir June pa rin ang nandoon. Dati kasi tambay na talaga ako ng clinic, kakuwentuhan ko si Sir kapag nasa mood ako o kaya si Ma'am Joy ─ yung nurse ─ pero madalas tulog lang ako.

Ang dami talagang taon ang nasayang. Nakakapanghinayang pero ano ba namang magagawa ko. Kung hindi talaga ─ tangina. Lord, ayoko talaga sa lahat yung may naaalala ako. Napakamot ako sa siko ko. Ligo na talaga ang kailangan ko. Ayoko maging kasingdugyot ni Eris whatever.

Abot-tanaw ko na ang clinic. Napangiti ako. Hay, salamat, malapit na akong makaligo!

"May sakit ka ba?" Napahinto ako nang marinig ang familiar na nakakairitang boses na iyon. Kunot na kunot ang noong nilingon ko siya. Yung itsura niya, seryoso, mukhang worried. Anong problema nito? "Bianca ─"

"Problema mo?" putol ko sa kanya. Mukha pang hahawakan niya ako kaya mabilis akong umatras. "Bakit ba bumubuntot ka?"

"May sakit ka nga?"

Meron! Masakit buong pagkatao ko! Putangina talaga. Mas masaya ang alone, hayop!

"Wala." maikling sagot ko. Tinalikuran ko siya at naglakad hanggang sa tapat na mismo ng pintuan ng clinic. Mabuti na lang talaga at hindi ito nalipat ng pwesto. Napaismid na lang ako dahil nakasunod pa rin sa akin si Eris. "Maliligo ako. Lumayas ka nga."

"Bakit diyan?" tanong niya. Nilingon ko siya nang magkasalubong ang kilay. Siya naman ay nakasimangot. Maganda pa rin naman siya, alangang i-deny ko. Iyon nga lang, walking dugyot si gago. "Lalaki nandiyan!"

"Tapos?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kilala ko si Sir June."

"Pero lalaki siya!" giit niya.

"Oo nga? Tingin mo hindi ko alam?" tanong ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ng kamay. "Ikaw, babae ka. Shut up na. Nauurat na talaga ako sa'yo."

"Samahan na lang kita." suhestiyon niya.

"Hindi kita nanay." Binuksan ko na ang pinto. Walang tao pero nang tingnan ko ang table na nasa gilid ng left side ng kwarto ay napansin kong name pa rin naman ni Sir June ang nakalagay sa desk nameplate. Pwede akong maligo nang walang paalam. Pagpasok ko sa loob ay may lumabas na babae. Ang laki yata ng ngiti ko dahil kilala ko iyon. "Nurse Joy."

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon