Pagkat Mahal na Mahal Kita

14 1 0
                                    

Paulit ulit na binubulong sa isip
Pilit kang inaalis sa panaginip
Yung mga salita mong tumatatak sa puso't isip
Naaalala ko ng paulit ulit

Ang mga ngiti mong kay tamis
Ang lakas ng dating kahit ano mang bihis
Ang mapatitig sayo ay di ko na matiis
At ang oras ay parang nawalan ng bilis

Pili inaalis sa sestema ko
Itinatanggi ng isip ko
Ngunit lumalaban ang puso ko
Sinasabing ika'y mahal na mahal ko

Totoo, at nakakatawa mang isipin
Na di man masabi ang damdamin
Kusang kumikilos ang katawang tanga
Sinasabing mahal kita

Ngunit hanggang dito lang ba?
Tatanawin na lang ba kita?
Pagkat ika'y makita kang masaya sa iba
Ako'y nasasaktan na
Sana'y sabihin mong mahal mo 'ko
Pagkat mahal na mahal kita

Miss JAE's CrazinessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang